08/01/2026
HOROSCOPE FOR TODAY
January 9, 2025
Aries
(March 21 - April 19)
Pilitin mong manahimik, kaysa pumatol sa mga taong tahol ng tahol. Huwag mong ibaba ang iyong sarili sa katulad nila, dahil mo sila ka level. Mas malawak ang iyong pang unawa at mas alam mo ang tama, kaya imbes na magsalita pilitin kumalma.
Lucky number: 22, 45, 6
Lucky color: beige, violet
Ta**us
(April 20 - May 20)
Kahit maraming hamon, pilitin mong bumangon. Tulungan mo ang iyong sarili para makasabay ka sa mahihirap na sandali. Hindi lahat ay madali, pero kapag pinilit mong sumabay, ikaw ang magwawagi.
Lucky number: 18, 22, 45
Lucky color: orange, violet
Gemini
(May 21 - June 20)
Kapag pinili mo ang kapayapaan, hindi lang katahimikan ang iyong makakamtam kung hindi pati magandang buhay. Huwag mo ng balikan kung saan ka nasaktan, dahil may tamang oras at lugar para maghilom ang lahat. Matuto kang magpaalaam sa hindi magagandang bagay, dahil ito ay isang basura na lang.
Lucky number: 15, 20, 16
Lucky color: yellow, beige
Cancer
(June 21 - July 22)
I private mo na lang ang iyong buhay, para wala silang alam. Mahirap na malaman nila ang iyong kasiyahan, dahil ito ang kanilang pupuntiryahin. May mga taong nagsisilbing evil eye lamang, kaya impormasyon mo ay ingatan.
Lucky number: 42, 17, 29
Lucky color: orange, brown
Leo
(July 23 - August 22)
Ang problema sa iyo, hindi ka marunong tumanggi sa ibang tao. Hindi ka sa kanila obligado pero laging sagot mo ay oo. Hindi mo naman kailangan laging makisalo sa problema ng ibang tao dahil ang kinikita at pinaghirapan mo ay hindi naman para sa publiko.
Lucky number: 15, 19, 40
Lucky color: indigo, black
Virgo
(August 23 - September 22)
Hindi lahat ng umaalis sa buhay mo ay kawalan. Minsan iyon pa ang dahilan para ikaw ay magtagumpay. Minahal at pinahalagahan mo man ang isang tao, kung hindi sya para sa iyo, ilalayo ito ni God sa iyo. Mas makakabuti na wala na sila sa iyong tabi, dahil sila minsan ang humaharang sa mga opportunity.
Lucky number: 24, 5, 11
Lucky color: yellow, red
Libra
(September 23 - October 22)
Habulin mo ang pangarap mo at huwag ang mga taong ayaw sa iyo. Minsan kapag wala kang napatunayan at wala kang pera, wala din interesado sa iyo. Kaya bigyan mo ng direction ang buhay mo at alamin mo ang priority mo. Kapag nag upgrade ka sa lahat ng bagay siguradong ikaw ay pag aagawan.
Lucky number: 27, 8, 45
Lucky color: orange, mint green
Scorpio
(October 23 - November 21)
Handa kang lumaban kaya mawawala ka sa kahirapan. Meron ka ng mga plano at ito ang magbibigay sa iyo ng progreso. Ang pag ahon ay hindi marathon. Kahit matagal at nakakapagod, kapag iyong pinagtyagaan, mundo mo ay magbabago.
Lucky number: 17, 10, 17
Lucky color: yellow, maroon
Sagittarius
(November 22 - December 21)
Ang ipon mo ay hindi para sa problema ng ibang tao. Pinaghirapan mo iyan para sa kinabukasan at hindi basta na lang pinulot sa kung saan. Kaya huwag mong sagipin ang mga taong palulubugin ka lang. Always set limitation, too much of sharing is bad enough.
Lucky number: 34, 17, 39
Lucky color: beige, skyblue
Capricorn
(December 22 - January 19)
Alam mong marami kang naging kasalanan, pero marunong ka pa din magpasalamat sa Panginoon dahil hindi ka Nya pinabayaan. Lahat ay iyong nalampasan dahil hinayaan mo na Sya ang gumabay. Nagkamali ka man sa iyong mga hakbang, hindi ka bumitaw. Mas lalo ka pang naging matatag at ngayon ay malapit ka na sa iyong pangarap.
Lucky number: 47, 18, 6
Lucky color: gray, brown
Aquarius
(January 20 - February 18)
Hindi mo alam kung hanggang saan mo kakayanin, pero araw araw kang gumigising ng may ngiti, dahil naniniwala ka sa blessing. Mas mahalaga sa iyo ang pananampalataya kaya pangamba kaya laging andoon ang iyong tiwala. Kahit sa loob mo ay unti unti ka ng nauubos, mas pinipili mo pa din maging malakas ang loob para manatili kang buo.
Lucky number: 48, 15, 22
Lucky color: maroon, silver
Pisces
(February 19 - March 20)
Huwag kang manatili sa pagmamahal na ikaw lang ang lumalaban. Kahit ibigay mo ang lahat sa isang tao, kung hindi sya marunong makuntento, ikaw ang magsasakripisyo. Kung ano ang totoo, iyon ang mahirap tanggapin. Hindi baleng masaktan, ang importante ay matuto ka na din bumitaw.
Lucky number: 46, 52, 8
Lucky color: gold, white