12/03/2025
โ
Senyales na ang inyong tiyan ay healthy at energy ready:
1. Regular na pagdumi na maaaring tatlong beses sa isang araw hanggang tatlong beses sa isang linggo
2. Walang kabag o pananakit ng tiyan
3. Walang pangangasim ng tiyan o Heartburn
4. May gana kumain - nakakaramdam ng gutom kapag oras nang kumain
๐ฉบ Magpatingin sa doktor kung may sintomas tulad ng:
1. Madalas na pagsakit ng tiyan
2. Hindi maipaliwanag na biglang pagbagsak o pagdagdag ng timbang
3. Hirap makatulog o laging nanghihina
4. Madalas na pagdumi na may kasamang dugo
5. Hindi hiyang o laging sumasama ang tiyan kapag kumakain ng ilang pagkain (food intolerance)
Alagaan ang iyong tiyan
โ
Kumain ng masustansya โ piliin ang prutas, gulay, at fiber-rich na pagkain
๐ฅ๐ Gamitin ang Pinggang Pinoy bilang gabay.
๐ง Uminom ng maraming tubig โ iwasan ang dehydration!
๐ซ Bawasan ang matataba, maaalat, at sobrang processed na pagkain
๐โโ๏ธ Magkaroon ng active lifestyle โ iwasan ang sobrang upo buong araw
Isang paalala mula sa DOH ngayong Philippine Digestive Health Weekโจ