22/10/2025
๐ก๐๐ช๐ฆ ๐ฅ๐๐๐๐๐ฆ๐
๐ข๐๐ช ๐๐ผ๐๐ฝ๐ถ๐๐ฎ๐น: ๐๐ฎ๐๐ป๐ฎ-๐๐ป๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฟ๐ฒ๐ฎ๐๐ ๐๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ๐ฟ ๐ฆ๐๐ฟ๐ด๐ฒ๐ฟ๐, ๐ ๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ
San Fernando, Pampanga - Nakamit ng OFW Hospital ang isang medical breakthrough matapos maisagawa ang kauna-unahang Modified Radical Mastectomy (MRM) sa kanilang pasilidad. Ito ay isang malaking hakbang sa laban ng bansa kontra breast cancer, na patuloy na isa sa mga pangunahing sakit na nakaaapekto sa kababaihan sa Pilipinas.
Isang 39-year-old na babae, dating OFW, na pasyente ng OFW Hospital ang nakaramdam ng bukol sa kaliwang dibdib. Dahil sa pag-aalala, agad siyang nagpakonsulta at sumailalim sa ultrasound, biopsy, at iba pang pagsusuri. Matapos makumpirma na siya ay may Stage 2B breast cancer, inirekomenda ng mga doktor ang Modified Radical Mastectomy bilang pinakamainam na hakbang sa kanyang paggamot.
Ang MRM ay isang operasyon kung saan tinatanggal ang buong dibdib, kabilang ang balat, ni**le, at ar**la, pati ang karamihan ng lymph nodes sa kilikili, habang nananatiling buo ang kalamnan sa dibdib.
Pinangunahan ni Dr. Krisha Mae F. Salazar, Head of Surgery ng OFW Hospital, ang operasyon, katuwang si OR Nurse Jesusa G. Santiago at Anesthesiologist Dr. Analyn Adlawan. Naging maayos ang operasyon at nasa mabuting kalagayan na ngayon ang pasyente.
Ang tagumpay na ito ay nagpapakita ng dedikasyon at husay ng mga health professionals ng OFW Hospital. Ipinapakita rin nito ang patuloy na suporta ng pamahalaan sa pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) at sa bawat Pilipino. Zero billing din ang serbisyo ng OFW Hospital alinsunod sa utos ng Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Ang OFW Hospital ay isang specialized government facility na nagbibigay ng libre at de-kalidad na serbisyong medikal sa mga OFW at kanilang pamilya. Patuloy itong pinalalakas ng pamahalaan bilang sentro ng pangangalagang medikal at simbolo ng malasakit para sa ating mga Bagong Bayani ng Mundo.
Ang matagumpay na operasyon na ito ay patunay na ang maagang pagpapatingin, maagap na aksyon, at abot-kayang healthcare ay tunay na nakapagliligtas ng buhay. Ito ang sentro ng mandato ng OFW Hospital at ng pamahalaan para sa kalusugan at kapakanan ng bawat Pilipino.