ITRMC Out Patient Department

ITRMC Out Patient Department Ilocos Training and Regional Medical Center - Out Patient Department

📢 OPD ADVISORY: SARADO PO ANG ATING OPD SA LUNES, AGOSTO 25, 2025 🇵🇭Paalala po sa lahat ng ating mga minamahal na pasyen...
22/08/2025

📢 OPD ADVISORY: SARADO PO ANG ATING OPD SA LUNES, AGOSTO 25, 2025 🇵🇭

Paalala po sa lahat ng ating mga minamahal na pasyente

🗓️ Sa darating na Lunes, Agosto 25, 2025, ay isang PAMBANSANG HOLIDAY para sa paggunita ng National Heroes Day. Dahil dito

➡️ WALANG OPD CONSULTATIONS at TRANSACTIONS.

➡️ Ngunit ang EMERGENCY ROOM (ER) ay BUKAS 24/7 para sa mga nangangailangan ng agarang medikal na atensyon.

🥰 Sa diwa ng paggunita, nawa’y alalahanin natin ang kabayanihang ipinaglaban ng ating mga bayani—at patuloy tayong maging bayani rin sa ating pamilya at komunidad. 🇵🇭💙

🙏Salamat po sa inyong pang-unawa.

🥰Magkita-kita po tayo muli sa Martes, Agosto 26, 2025. 🙏

Posted by: FB Page Admin Doc Pejy Casem




📢 OPD ADVISORY: WALA PONG OPD BUKAS, AGOSTO 21, 2025 (HUWEBES)🇵🇭Paalala po sa lahat ng ating mga minamahal na pasyente🗓️...
19/08/2025

📢 OPD ADVISORY: WALA PONG OPD BUKAS, AGOSTO 21, 2025 (HUWEBES)🇵🇭

Paalala po sa lahat ng ating mga minamahal na pasyente

🗓️ Bukas, Huwebes - Agosto 21, 2025, ay isang PAMBANSANG HOLIDAY sa paggunita ng Ninoy Aquino Day. Dahil dito

➡️ WALANG OPD CONSULTATIONS at TRANSACTIONS.

➡️ Ngunit ang EMERGENCY ROOM (ER) ay BUKAS 24/7 para sa mga nangangailangan ng agarang medikal na atensyon.

Sa diwa ng paggunita, nawa’y alalahanin natin ang kahalagahan ng sakripisyo para sa bayan at ang pagmamahal sa kapwa. 💛

Salamat po sa inyong pang-unawa.

Magkita-kita po tayo muli sa August 22, 2025 (Biyernes)! 🙏💙

Posted by: FB Page Admin Doc Pejy Casem




📣 MAHALAGANG ANUNSYO!🙏 Sa kabila ng hagupit ng Bagyong Emong, tayo ay nagpapasalamat sa kaligtasan ng marami at patuloy ...
26/07/2025

📣 MAHALAGANG ANUNSYO!

🙏 Sa kabila ng hagupit ng Bagyong Emong, tayo ay nagpapasalamat sa kaligtasan ng marami at patuloy na nananalangin para sa mabilis na pagbangon ng mga lubos na naapektuhan ng bagyo. 🙏

🕊️ Mula sa puso ng ITRMC Outpatient Department (OPD), ipinaaabot po namin ang aming taos-pusong pakikiisa at panalangin sa bawat pamilyang nasalanta. Nawa'y makabangon tayong lahat nang may pag-asa, lakas, at pagkakaisa.

📌 Magsisimula na po muli ang OPD operations ngayong LUNES, JULY 28, 2025.

😘 Ang inyong OPD ay laging narito, handang maglingkod, makinig, at umalalay sa inyong pangangailangang medikal.

🤝 Sama-sama tayong babangon. Sama-sama tayong maglilingkod.

🙏 Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at panalangin. Mabuhay tayong lahat.

Posted by: FB Page Admin Doc Pejy Casem





📢 MAHALAGANG ANUNSYO PO! Batay sa pinakahuling ulat ng PAGASA, na nagtaas ng Typhoon Signal No. 4 sa ating lugar dahil s...
24/07/2025

📢 MAHALAGANG ANUNSYO PO!

Batay sa pinakahuling ulat ng PAGASA, na nagtaas ng Typhoon Signal No. 4 sa ating lugar dahil sa paparating na Bagyong Emong, nais naming ipabatid ang sumusunod:

➡️ PANSAMANTALANG SUSPENDIDO ang lahat ng OPD operations bukas, July 25, 2025, para sa kaligtasan ng ating mga pasyente ng OPD.

➡️ Ang Emergency Room (ER) ay mananatiling NAKABUKAS — para sa mga pasyente na kailangan ng agarang konsultasyon o medikal na tulong.

📌 PAALALA: Hintayin ang susunod na anunsyo ukol sa muling pagbubukas ng OPD services sa LUNES. Magbibigay kami agad ng update.

➡️Ang mga may advanced online appointment bukas ay ma-rereschedule sa ibang araw. Panatilihing bukas ang iniwang registered mobile number para makatanggap ng updates.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa.

Manatili po tayong ligtas, at handa. 🙏💙

Posted by: FB Page Admin Doc Pejy Casem

04/07/2025
🌿 Palliative at Hospice Care sa ITRMC: Katuwang sa Inyong Paglalakbay 🌿Sa Ilocos Training and Regional Medical Center (I...
18/06/2025

🌿 Palliative at Hospice Care sa ITRMC: Katuwang sa Inyong Paglalakbay 🌿

Sa Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC), ang aming Palliative and Hospice Care Unit (PHCU) ay nagbibigay ng mapagkalinga at holistikong pangangalaga para mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga pasyenteng may malubhang karamdaman.

Ang aming pangkat ay nagbibigay ng indibidwal na pangangalaga upang maibsan ang inyong mga sintomas at mag-alok ng suporta — pisikal, emosyonal, at espiritwal — para sa inyo at sa inyong pamilya.

💙 Layunin naming umagapay, umalalay, at magbigay pag-asa sa bawat yugto ng inyong paglalakbay.

♥️♥️♥️

OPD SCHEDULE:

Monday - 1:00PM to 3:00PM
Wednesday - 8:00AM to 3:00PM

♥️♥️♥️

🤝SERVICES OFFERED:

✅Pain and Symptom Control
✅Disclosure
✅Individual and Family Counselling
✅Psychosupportive and Spiritual Care
✅Advanced Care Planning
✅Home Care Planning
✅Terminal or End of Life Care

♥️♥️♥️

💬 Para kanino ang palliative care?

✅ Mga pasyenteng may cancer
✅ Mga may chronic heart failure, stroke, COPD o hika
✅ Mga may chronic kidney disease o liver disease
✅ O iba pang seryosong kondisyon na nangangailangan ng suporta sa sintomas, emosyon, at kalidad ng buhay

♥️♥️♥️

🗓️ Schedule ng Pagtanggap ng Booking Request kung saan naka open ang Online Appointment System

1. LUNES (MONDAY) = 6AM hanggang 9PM

2. MARTES (TUESDAY) = 6AM hanggang 9PM

3. MIYERKULES (WEDNESDAY) = 6AM hanggang 3PM

4. HUWEBES (THURSDAY) = 6AM hanggang 3PM

5. BIYERNES (FRIDAY) = 6AM hanggang 12PM

6. ISANG ARAW BAGO HOLIDAY KAPAG PUMATAK NG LUNES HANGGANG HUWEBES = 9AM hanggang 12PM

7. SABADO (SATURDAY) = SARADO

8. LINGGO (SUNDAY) = SARADO

9. OFFICIAL HOLIDAYS = SARADO

♥️♥️♥️

📲 Paano magpa-appointment online para sa inyong OPD consultation?

1️⃣ Pumunta sa www.itrmc.org

2️⃣ I-scroll pababa at i-click ang BOOK HERE button ng Palliative and Hospice Care

3️⃣ Basahin ang Clinic Announcements at i-click ang PROCEED TO BOOKING

4️⃣ Punan ang form. Ilagay ang inyong chief complaint, detalye ng pasyente, at active mobile number para makatanggap ng OTP para ma i-send ang booking request.

5️⃣ Hintayin ang SMS confirmation mula sa Digital Health Informatics Unit (DHIU) ng inyong confirmed schedule

6️⃣ Sa confirmed date at oras, dumiretso sa Palliative and Hospice Care Unit (PHCU) para sa inyong konsultasyon

♥️♥️♥️

Huwag mag-atubiling kumonsulta. Magpa-appointment na online at hayaang samahan namin kayo sa inyong paglalakbay patungo sa ginhawa at kapanatagan.

♥️♥️♥️

😍Para sa karagdagang impormasyon:

📞 (072)607-6418 local (277); 0917-832-91-09 (Globe)
✉️ itrmcpalliativecare@gmail.com
👍 https://www.facebook.com/itrmc.palliative








09/06/2025

🇵🇭 MABUHAY ANG MALAYANG PILIPINAS!♥️

📣MAHALAGANG ANUNSYO MULA SA ITRMC OPD 📣

Sa paggunita ng Araw ng Kalayaan ngayong Hunyo 12, 2025 (Huwebes), pansamantala pong sarado ang ITRMC Outpatient Department (OPD) bilang pakikiisa sa makasaysayang araw ng ating Inang Bayan.

Ang Araw ng Kalayaan ay paalala ng ating pagkakaisa, tapang, at pagmamahal sa bayan — mga prinsipyong patuloy naming isinasabuhay sa bawat serbisyong medikal na aming inihahandog.

Muli po tayong magbubukas sa Hunyo 13, 2025 (Biyernes) upang ipagpatuloy ang tapat na serbisyo para sa bawat Pilipino.

Sa araw na ito, ipagdiwang natin ang ating kasarinlan.
Maging malaya. Maging makabayan. Maging mapagmalasakit.

Mabuhay ang Pilipinas! 🇵🇭😍




📢 MAHALAGANG ANUNSYO | REGULAR HOLIDAY SA HUNYO 06, 2025 (BIYERNES)🕌Alinsunod sa Proclamation No. 911 na nilagdaan ni Pa...
01/06/2025

📢 MAHALAGANG ANUNSYO | REGULAR HOLIDAY SA HUNYO 06, 2025 (BIYERNES)🕌

Alinsunod sa Proclamation No. 911 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang Biyernes, Hunyo 06, 2025, ay idineklara bilang isang regular holiday sa buong bansa upang gunitain ang Eid’l Adha (Feast of Sacrifice) — isang mahalagang okasyon sa pananampalatayang Islam.

Sa araw na ito, sarado po muna ang ITRMC Outpatient Department (OPD) bilang pakikiisa sa ating mga kapatid na Muslim sa kanilang banal na pagdiriwang ng pananampalataya, sakripisyo, at pagkakaisa.

Muli po tayong magbubukas sa Lunes, Hunyo 09, 2025 para sa patuloy na pagbibigay serbisyo sa inyo.

Maraming Salamat Po. Ingat po tayo palagi. 🥰🥰🥰

📣MAHALAGANG PAALALA SA MGA PASYENTE NG OPD!🙋Nais niyo po bang makapagpa-appointment para sa Face-to-Face Check-up sa ITR...
20/05/2025

📣MAHALAGANG PAALALA SA MGA PASYENTE NG OPD!

🙋Nais niyo po bang makapagpa-appointment para sa Face-to-Face Check-up sa ITRMC OPD para pre-registered na at hindi na kailangang pumila sa registration kumpara sa walk-in? (basta wala pong existing opd charges na hindi nasettle).

♥️Maaari po kayong magpa-advance booking online gamit ang opisyal na website ng ITRMC-OPD online appointment.

👍Pumunta sa: www.itrmc.org

😍At sundin lamang ang mga steps doon para sa inyong appointment.

PAALALA:

✅Advanced booking lamang po ang pinapayagan. Wala pong same-day booking.

✅Php 100.00 convenience fee ang madadagdag sa inyong total OPD charges pagkatapos ng pagkonsulta.

✅Ang SMS confirmation ang magsisilbing pormal na appointment schedule—antayin ito bago pumunta sa ospital.

✅Huwag pong mag-book sa maling klinika.

Halimbawa: Kung sa Ophthalmology kayo magpapakonsulta, hintayin po na bukas ang mismong Ophthalmology booking button. Kung mag-book sa ibang klinika tulad ng ENT, hindi po kayo masasama sa Ophthalmology schedule.

🗓️Schedule ng Pagtanggap ng Booking:

Lunes – 9AM to 9PM
Martes – 9AM to 9PM
Miyerkules at Huwebes – 9AM to 3PM
Biyernes – 9AM to 12PM
Sabado, Linggo, at Holidays – Sarado

Para sa Ophthalmology: Lunes-Biyernes, 9AM–3PM (except holidays)

👍Makakatanggap po kayo ng final confirmation via SMS mula sa SeriousMD o sa aming hotline number.

👍Siguraduhing aktibo at tamang mobile number ang inyong ilalagay sa form.

⚠️Sa mga emergency cases, dumiretso agad sa ITRMC Emergency Room o pinakamalapit na emergency room. Huwag nang gamitin ang online appointment system.

🥰Salamat po sa tiwala at pang-unawa!

🗓️Para sa updated na OPD clinic schedules: itrmc.org/clinicsched

- System Admin, Doc Pejy Casem

📢 MAHALAGANG ANUNSYO! 📢Sa darating na Lunes, Mayo 12, 2025, bilang paggunita sa karapatan ng bawat Pilipino na makapili ...
08/05/2025

📢 MAHALAGANG ANUNSYO! 📢

Sa darating na Lunes, Mayo 12, 2025, bilang paggunita sa karapatan ng bawat Pilipino na makapili ng mga pinunong tapat at may malasakit sa bayan, ang ITRMC Outpatient Department ay sarado upang bigyang-daan ang inyong paglahok sa halalan.

Nawa'y gamitin natin ang araw na ito upang bumoto nang may dangal, may isip, at may malasakit para sa kinabukasan ng ating bayan.

🤝 VOTE WISELY. ANG BOTO MO, TINIG NG PAGBABAGO!

Muli po tayong magbubukas sa Martes, Mayo 13, 2025 para sa patuloy na paglilingkod.

Maraming salamat po sa pang-unawa!😀😀😀

📢 MAHALAGANG ANUNSYO! 📢Sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa ngayong Mayo 1, 2025 (Huwebes), ang ITRMC Outpatient Department...
29/04/2025

📢 MAHALAGANG ANUNSYO! 📢

Sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa ngayong Mayo 1, 2025 (Huwebes), ang ITRMC Outpatient Department ay pansamantalang sarado bilang pagkilala at pagbibigay-pugay sa lahat ng manggagawang Pilipino na nagsusulong ng progreso at pag-asa para sa ating bansa. 🇵🇭

Muli po tayong magbabalik sa regular na operasyon sa Mayo 2, 2025 (Biyernes).

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

Mabuhay ang mga manggagawang Pilipino!

Mabuhay ang Pilipinas! 💙💛

📢 MAHALAGANG ANUNSYO! 📢Sa darating na Abril 17, 2025 (Huwebes) at Abril 18, 2025 (Biyernes), ang ITRMC Outpatient Depart...
13/04/2025

📢 MAHALAGANG ANUNSYO! 📢

Sa darating na Abril 17, 2025 (Huwebes) at Abril 18, 2025 (Biyernes), ang ITRMC Outpatient Department ay sarado bilang paggunita sa Semana Santa, isang panahon ng taimtim na pagninilay, panalangin, at pag-alala sa banal na sakripisyo ni Hesus para sa ating lahat.

Ang aming operasyon ay muling magbabalik sa Abril 21, 2025 (Lunes).

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa. Nawa’y maging makabuluhan at mapayapa ang inyong Semana Santa kasama ang inyong mga mahal sa buhay.

Mabuhay ang pananampalatayang Pilipino! 🙏💙

Address

Parian
San Fernando
2501

Opening Hours

Monday 8am - 3pm
Tuesday 8am - 3pm
Wednesday 8am - 3pm
Thursday 8am - 3pm
Friday 8am - 3pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ITRMC Out Patient Department posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to ITRMC Out Patient Department:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram