Healthy Buenavista

Healthy Buenavista Healthy Buenavista is the page of Barangay Buenavista Health and Nutrition Center.

NUITRITION MONTH CELEBRATION 2024 - Culminating ActivityJuly 29, 2024 - 1:00 to 4:00pmBarangay Buenavista Covered CourtG...
25/07/2024

NUITRITION MONTH CELEBRATION 2024 - Culminating Activity
July 29, 2024 - 1:00 to 4:00pm
Barangay Buenavista Covered Court

GUIDELINES FOR COOKING COMPETITION FOR NUTRITION MONTH CELEBRATION

1. ELIGIBILITY
• Open to different organizations in Barangay Buenavista.
• Teams or group may consist of 3 – 5 members.

2. THEME
“Health and Nutritious Dishes: Sarap at sustansya mula sa ating bakuran”

3. REGISTRATION
• Team may Register until July 29, 2024 - Monday (Until 10:00 am) at Barangay Health and Nutrition Center. (The First 7 teams to register will be included in our cooking competition)
• Upon registration, each team must submit a list of ingredients and a brief description of their dish.

4. INGREDIENTS AND EQUIPMENT
• All ingredients must be fresh and of high quality (especially ingredients that can bee seen in the backyard or home garden)
• Teams are responsible for bringing their own cooking equipment, utensils and cooking facilities (stove, oven, etc,)

5. RECIPE REQUIREMENTS
• Dishes should highlight the use of nutritious ingredients especially ingredients that can be found in the backyard or home garden.
• Each dish must include at least 3 food groups (GO, GROW AND GLOW)
• Teams should avoid using excessive salt, sugar, seasoning (such us magic sarap, ajinomoto, and other commercialized flavor enhancer)

6. TIME LIMIT
• Teams will be given a total of 1 hour and 30 minutes to prepare, cook and plate their dishes (all the ingredients should be prepared during the competition proper)
• An additional 15 minutes will be allocated for setting up before the competition starts.

7. JUDGING CRITERIA
• Taste - 30%
(Overall flavor, and palatability of the dish)
• Nutrition - 25%
(Use of healthy ingredients ad adherence to the theme)
• Presentation - 20%
(Visual Appeal and creativity on plating)
• Originality - 15%
(Creativity and innovation in the recipe)
• Cleanliness and Hygiene - 10%
(Cleanliness in the work area and proper food handling)
• TOTAL - 100%

8. HYGIENE AND SAFETY
• Teams must maintain cleanliness in their cooking area
• Proper food safety and hygiene practices must be followed at all times (Participants are encouraged to wear appropriate cooking attire including apron and hairnets)

9. PLATING AND PRESENTATION
• Each team must prepare at least two identical plates for judging.
• Plates should be presented with attention to detail and creativity.

10. SUBMISSION
• Dishes must be presented to the judges at the designated submission time.
• Late submission will result in point deductions (minus 2 points from the overall score)

11. PRIZES
• Prizes will be awarded for the top three teams
o 1st Prize (Champion) - 3,000 pesos and a certificates
o 2nd Prize - 2,000 pesos and a certificates
o 3rd Prize - 1,000 pesos and a certificates
o Consolation Prize - 500 pesos (each team)

12. GENERAL CONDUCT
• Teams must demonstrate sportsmanship and respect towards other participants, facilitators and judges.
• Any form of cheating or misconduct will result in disqualifications.
• THE DECISION OF THE JUDGES IS FINAL AND BINDING.

For more information visit Brgy Buenavista Health and Nutrition Center

DEWORMING MONTH nanaman🤗Sa buwang ito, tayo'y makiisa upang siguruhing ang iyong anak ay laging malusog at malakas laban...
22/07/2024

DEWORMING MONTH nanaman🤗

Sa buwang ito, tayo'y makiisa upang siguruhing ang iyong anak ay laging malusog at malakas laban sa mga bulate.

Tandaan, maiiwasan ang bulate kapag pagiging malinis ay inuugali. Palaging maghugas ng kamay, at siguruhing malinis at nalutong maigi ang ating pagkain.

Para sa karagdagang impormasyon kung paano maaaring pa-deworm ang iyong mga anak, KonsulTayo sa inyong Barangay Health Worker sa inyong Zona o kaya makaipag ugnayan sa Barangay Buenavista Health and Nutrition Center.

(Dahil sa kakulangan ng supply ng deworming tablet ang tanging mabibigyan lamang nang pamurgang bulate ay ang mga kabataan na nabigyan nang deworming tablet nung nakaraang Enero 2024 edad 1 taong gulang hanggang 9 na taon gulang)

Maraming Salamat po.

BREASTFEEDING AWARENESS and Creation of Brestfeeding Support GroupKayo po ba ay Breastfeeding Mom, o kaya naman ay Bunti...
22/07/2024

BREASTFEEDING AWARENESS and Creation of Brestfeeding Support Group

Kayo po ba ay Breastfeeding Mom, o kaya naman ay Buntis? Inaanyayahan po namin kayo na dumalo sa gagawing at sa pag buo ng sa ating Barangay. Ang layunin po ng programang ito ay para mas mapatatag at mas mapalawak pa ang kaalaman tungkol sa kahalagahan ng sa inyong mga anak.

Tandaan and Breastfeeding ✅TSEK - TAMA, SAPAT AT EKSKLUSIBO.

Ang programang ito ay gaganapin sa darating na July 24, 2024 sa oras na 1:00pm - 4:00pm sa Barangay Buenavista Health and Nuttiton Center.

Makiisa at makilahok para sa mas matatag na programa ng sa ating komunidad para sa

Maari lang po na sumangguni sa inyong Volunteer Health Woker (BNS and BHWs) sa inyong lugar o pumunta sa Barabgay Health and Nutrition Center para sa karagdagang impormasyon.

Maraming Salamat po.

AKAPULKO OINTMENT (Income Generating Project of BNS and BHWs Buenavista)Availble po dito sa Barangay Buenavista Health a...
22/07/2024

AKAPULKO OINTMENT
(Income Generating Project of BNS and BHWs Buenavista)

Availble po dito sa Barangay Buenavista Health and Nutrition Center.

FARMACY - AKAPULKO OINTMENTAng Akapulko (Cassia alata), na kilala rin bilang "bayabas-bayabasan" o "ringworm bush," ay i...
22/07/2024

FARMACY - AKAPULKO OINTMENT

Ang Akapulko (Cassia alata), na kilala rin bilang "bayabas-bayabasan" o "ringworm bush," ay isang halamang gamot na may maraming benepisyo sa kalusugan. Narito ang ilan sa mga benepisyo ng Akapulko:

1. Panlaban sa Impeksyon sa Balat: Ang Akapulko ay kilala sa pagpapagaling ng mga impeksyon sa balat tulad ng buni, an-an, at iba pang fungal infections. Ginagamit ang dahon nito bilang pangtapal o pamahid sa apektadong bahagi ng balat.

2. Antibacterial at Antifungal Properties: Mayroon itong mga sangkap na nakakapagpigil sa paglago ng mga bacteria at fungi, kaya’t epektibo ito sa paggamot ng mga sugat, pigsa, at iba pang impeksyon sa balat.

3. Laxative: Ang dahon ng Akapulko ay ginagamit din bilang natural na laxative para sa mga taong may problema sa pagtunaw o may constipation. Ang pag-inom ng tsaa na gawa sa dahon ng Akapulko ay makakatulong upang mapadali ang pagdumi.

4. Anti-inflammatory: Nakakatulong din ang Akapulko sa pagbawas ng pamamaga at pananakit ng mga kasukasuan at kalamnan. Maaari itong gamitin bilang pangtapal sa namamagang bahagi ng katawan.

5. Panlaban sa Sipon at Ubo: Ang pinaglagaan ng dahon ng Akapulko ay maaari ring inumin upang makatulong sa pagpapagaling ng ubo at sipon.

Maikling Paalala:

Bago gamitin ang Akapulko o anumang halamang gamot, mahalagang kumonsulta muna sa isang doktor o eksperto sa herbal medicine upang masigurong tama at ligtas ang paggamit nito.


BAWAL MANIGARILYO🚭Ipinagbabawal ang Paninigarilyo sa Mga Pampublikong Lugar!Paalala sa lahat! Ipinagbabawal ang paniniga...
19/07/2024

BAWAL MANIGARILYO🚭

Ipinagbabawal ang Paninigarilyo sa Mga Pampublikong Lugar!

Paalala sa lahat! Ipinagbabawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar katulad ng mga basketball court, parke, at iba pang pampublikong pasilidad. Ito ay para sa kalusugan at kaligtasan ng bawat isa, lalo na ng mga bata at matatanda na maaaring maapektuhan ng usok ng sigarilyo.

Labag din sa batas ang pagbebenta o pamimigay ng sigarilyo o iba pang produktong tabako sa mga menor de edad
(17 gulang pababa).

Sumunod po tayo sa batas at maging responsable. Panatilihing malinis at ligtas ang ating mga pampublikong lugar para sa ikabubuti ng lahat. Maraming salamat po sa inyong kooperasyon! 🙏

BARANGAY BUENAVISTA HEALTH AND NUTRITION CENTER
19/07/2024

BARANGAY BUENAVISTA HEALTH AND NUTRITION CENTER

🌱FARMACY🌿🌸 Blue Ternate Tea: Kalusugan sa Bawat Lagok 🌸Alam mo ba na ang Blue Ternate Tea ay hindi lamang maganda sa mat...
16/07/2024

🌱FARMACY🌿

🌸 Blue Ternate Tea: Kalusugan sa Bawat Lagok 🌸

Alam mo ba na ang Blue Ternate Tea ay hindi lamang maganda sa mata kundi may maraming benepisyo rin sa kalusugan? 💙

Mga Benepisyo ng Blue Ternate Tea:

1. Antioxidants: Puno ng antioxidants na lumalaban sa free radicals sa katawan.
2. Memory Enhancer: Nakakatulong sa pagpapabuti ng memorya at cognitive function.
3. Anti-inflammatory: May natural na anti-inflammatory properties na nakakatulong sa pagbabawas ng pamamaga.
4. Stress Reliever: Nakakatulong sa pagpapakalma at pagbawas ng stress.
5. Skin Health: Nakakatulong sa pagpapaganda ng balat dahil sa kanyang collagen-boosting properties.

Paano Ihanda ang Blue Ternate Tea:
1. Magpakulo ng tubig.
2. Ilagay ang 5-7 bulaklak ng blue ternate sa isang tasa.
Ibuhos ang mainit na tubig sa tasa at hayaan itong mag-steep ng 5-7 minuto.
3. Maaari mong idagdag ang honey o lemon ayon sa iyong panlasa.

Tara, tikman at namnamin ang benepisyo ng Blue Ternate Tea! 💙☕

Paalala: Kung mayroon kang anumang kondisyon sa kalusugan, siguraduhing kumonsulta muna sa iyong doktor bago subukan ang bagong inumin.

𝐒𝐚𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐆𝐮𝐥𝐚𝐲 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐀𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐇𝐚𝐫𝐝𝐢𝐧 𝐚𝐭 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫!Kami ay labis na natutuwa na ibahagi sa inyo ang masaganang ani ng ...
15/07/2024

𝐒𝐚𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐆𝐮𝐥𝐚𝐲 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐀𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐇𝐚𝐫𝐝𝐢𝐧 𝐚𝐭 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫!

Kami ay labis na natutuwa na ibahagi sa inyo ang masaganang ani ng mga sariwang gulay mula sa aming vegetable garden at health center! 🌱🥕

Ang mga sariwang gulay na ito ay hindi lamang masustansya kundi puno rin ng pagmamahal at pag-aalaga.

Bakit Mahalaga ang Sariwang Gulay?

✅ Nutritious: Sagana sa bitamina at mineral para sa mas malusog na pangangatawan.
✅ Presko: Direktang inani mula sa hardin, siguradong sariwa at walang kemikal.
✅ Kalusugan: Nakakatulong sa pagpapalakas ng ating immune system at kalusugan sa kabuuan.

Halina't magtanim na at magsimula ng isang masustansyang pamumuhay! Sama-sama nating isulong ang kalusugan at kalikasan sa pamamagitan ng simpleng pagtatanim ng gulay.

Magandang araw po sa lahat!Kami po ay natutuwa at nais naming iparating ang isang mahalagang balita patungkol sa ating p...
10/07/2024

Magandang araw po sa lahat!

Kami po ay natutuwa at nais naming iparating ang isang mahalagang balita patungkol sa ating programang "Basura Tabang sa Eskwela." Sa inyong patuloy na suporta at kontribusyon, naibenta na po namin ang mga basurang inyong ibinigay. Nakalikom po tayo ng kabuuang halagang humigit-kumulang 500 pesos.

Ang halagang ito ay malaking tulong na para makabili ng simpleng gamit na ibibigay sa magigi nating estudyante na benepisyaryo. Patunay lamang ito na sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan, maaari tayong makagawa ng mga positibong pagbabago sa ating barangay.

Ang inyong walang sawang pagtulong at pakikiisa ay tunay na inspirasyon sa ating lahat. Patuloy po nating pagtulungan ang programa para sa mas malinis at maayos na kapaligiran at upang makapagbigay tayo ng mas maraming tulong sa mga nangangailangang mga estudyante sa ating barangay.

Maraming salamat po!

09/07/2024

Address

Zone/1 Buenavista
San Fernando
4415

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Healthy Buenavista posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram