
25/07/2025
July World Hepatitis Month!
Ngayong Hulyo, sabay-sabay nating alamin at iwasan ang sakit na Hepatitis isang sakit sa atay na puwedeng makuha sa maruming pagkain, inumin, dugo, at pakikipagtalik.
Maraming may Hepatitis ang walang nararamdamang sintomas sa simula, pero puwede itong mauwi sa malubhang sakit gaya ng kanser sa atay.
Paano makakaiwas?
– Laging maghugas ng kamay
– Huwag maghiraman ng karayom, pang-ahit, o sipilyo
– Gumamit ng condom
– Tiyaking malinis ang tubig at pagkain
– Magpabakuna sa Hepatitis A at B
– Magpa-test para makasigurong ligtas ka
Ngayong Buwan ng Hepatitis, maging maingat, magtanong, at kumilos para sa kalusugan mo at ng iyong pamilya.