28/10/2025
OPD ADVISORY! WALANG PASOK SA OPD SA OKTUBRE 31, 2025 (BIYERNES) π―οΈ
Paalala po sa lahat ng ating mga minamahal na pasyente:
ποΈ Sa bisa ng Proclamation No. 727 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Oktubre 31, 2025 (Biyernes) ay idineklara bilang isang Special Non-Working Holiday upang bigyang-daan ang paghahanda at paggunita sa All Saints' Day (Nobyembre 1) at All Souls' Day (Nobyembre 2).
β‘οΈ Walang OPD consultations at transactions sa Oktubre 31, 2025.
β‘οΈ Ngunit ang Emergency Room (ER) ay BUKAS 24/7 para sa mga nangangailangan ng agarang medikal na atensyon.
π Para po sa mga may confirmed OPD appointment sa petsang ito, ito ay awtomatikong ililipat sa ibang araw. Mangyaring antabayanan ang SMS update mula sa aming team.
ποΈ Nawaβy maging mapayapa, makahulugan, at ligtas ang paggunita natin sa Undas. Huwag kalimutang alalahanin at ipanalangin ang ating mga mahal sa buhay na pumanaw na.
π Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.
β‘οΈ Magkita-kita po tayo muli sa Lunes, Nobyembre 3, 2025.
Posted by: FB Page Admin Doc Pejy Casem