Public Health Unit - Jose B. Lingad Mem'l Gen Hospital

Public Health Unit - Jose B. Lingad Mem'l Gen Hospital Ang JBLMGH PHU ay naglalayong magbigay ng tama at napapanahong impormasyong pangkalusugan.

22/08/2025

🤱 Breastfeeding: Challenges at Praktikal na Tips para sa Nanay

Hindi madali ang journey ng pagpapasuso—may pagod, puyat, at minsan may duda kung sapat ba ang gatas. Pero tandaan, nanay, hindi ka nag-iisa. 💚

Sa video na ito, ibinahagi namin ang ilang praktikal na tips para mas mapadali ang breastfeeding at mas maging confident ka sa pag-aalaga kay baby. 🌱👶

👉 Panoorin at ishare sa kapwa nanay para sama-sama tayong magtagumpay sa pagpapasuso!

19/08/2025
19/08/2025

❗️TUBERCULOSIS PREVENTIVE TREATMENT, NAPATUNAYANG EPEKTIBONG PROTEKSYON SA TB❗️

Ang Tuberculosis Preventive Treatment o TPT ay isang gamot na ibinibigay sa taong na-expose sa isang Tuberculosis (TB) patient.

Mabilis ang transmission o pagkalat ng TB dahil maaaring maipasa ito sa pag-ubo, pagbahing at pagdura.

Ang TPT ay napatunayang mabisa at ligtas na paraan para maprotektahan ang mga high-risk individuals at mapigilan ang pagkalat ng TB.

Ang TPT ay available sa TB-DOTS malapit sa inyo: bit.ly/TBDOTSFacilities




19/08/2025

MAHALAGANG ANUNSYO!

Wala pong schedule ng OPD check-up sa mga sumusunod na araw:

August 21, 2025: Ninoy Aquino Day
August 25, 2025: National Heroes Day

Para sa mga katanungan, maaring i-message sa page na ito ang buong pangalan, birthday, at hospital number ng pasyente.

Maraming salamat po.

19/08/2025

R.A.B.I.E.S. Mentoring Exchange
Rabies Advocacy and Benchmarks for Isolation, Education, and Systems Development

Tomorrow, August 20, 2025, key members of the Rabies Management Committee of JBLMGH, together with the Animal Bite Treatment Center and Public Health Unit Team, will be leading a virtual mentoring session for hospitals designated in Central Luzon to establish their own Human Rabies Isolation Rooms: Bulacan Medical Center, Aurora Memorial Hospital, Talavera General Hospital, Tarlac Provincial Hospital, and San Marcelino District Hospital.

This full-day program will cover Infection Prevention and Control, Palliative Care, Administrative Policies and Procedures, and real-world experiences in establishing and managing Human Rabies Isolation Rooms.

We thank our invited participants from these hospitals and program coordinators from all over the region for joining us, and acknowledge the strong support of the Department of Health – Central Luzon Center for Health Development (CL-CHD) in making this mentoring exchange possible.

Together, we strengthen rabies prevention and improve patient care across Central Luzon and beyond.


18/08/2025

Handa na ba kayo?

Like Follow and Share at ABANGAN ang mga susunod na anunsyo!

Excited na kami! Kayo din ba?


18/08/2025
18/08/2025
17/08/2025

❗️DOBLE ANG PANGANIB NA MAGKAROON NG TB KUNG NANINIGARILYO O GUMAGAMIT NG VAPE❗️

Mas mataas ang posibilidad na magka-TB ang mga taong naninigarilyo at gumagamit ng v**e. Bukod dito, pinapalala ng sigarilyo ang kalagayan ng mga may TB, na pwedeng humantong sa pagkamatay. Nawawala rin ang bisa ng gamot laban sa TB kung naninigarilyo ang pasyente.

Tumawag sa DOH Quitline 1558 para matulungan kang itigil ang bisyo.

Regular na magpa-TB screening sa TB-DOTS malapit sa inyo: bit.ly/TBDOTSFacilities




17/08/2025

KASO NG RABIES MABABA KUMPARA NOONG NAKARAANG TAON, DOH NAGPAPAALALANG 'WAG MAGING KAMPANTE

Mula January 1 hanggang August 2, nakapagtala ang DOH ng 211 na ka*o ng rabies sa bansa. mas mababa ito ng 21% kumpara sa 266 na ka*ong naitala sa parehong panahon noong 2024.

Pero paalala ng DOH na ‘wag maging kampante dahil nakamamatay ang Rabies na naipapasa sa kagat, kalmot, at laway ng a*o, pusa, at iba pang hayop na mayroon nito.

Sa tala ng DOH, halos pantay lang ang mga naitalang ka*o mula sa alaga o domestic pets at galang hayop o stray animals.

Samantala, nasa 121 o 57% naman ng kabuuang ka*o ay hindi tukoy kung nabakunahan ang hayop o hindi.

Kaya panawagan din ng kagawaran sa publiko na tiyaking bakunado ang mga alagang hayop at maging responsible pet owners.

Makipag-ugnayan sa inyong beterinaryo o lokal na pamahalaan para sa bakuna ng inyong alaga.

At kung sakali namang makagat o makalmot, hugasan agad ang sugat gamit ang sabon at umaagos na tubig sa loob ng 10 minuto, at agad na kumonsulta sa pinakamalapit na health center o Animal Bite Treatment Center.




14/08/2025

🤱🌱 Sustainable Support Systems para sa Breastfeeding: Susi sa Malusog na Kinabukasan

Ang matagumpay na pagpapasuso ay hindi lang responsibilidad ng ina—ito ay pinapalakas ng matatag na suporta mula sa pamilya, komunidad, health workers, at mga polisiya ng pamahalaan.

Sa tuloy-tuloy na suporta, mas nagiging madali para sa mga nanay na magpasuso, mas napapabuti ang kalusugan ng sanggol, at mas napapalakas ang ugnayan ng pamilya.

💚 Sama-sama nating itaguyod ang malusog na simula ng bawat bata sa pamamagitan ng sustainable support systems sa pagpapasuso!

14/08/2025

Address

Dolores
Pampanga
2000

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Telephone

+63459613497

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Public Health Unit - Jose B. Lingad Mem'l Gen Hospital posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Public Health Unit - Jose B. Lingad Mem'l Gen Hospital:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram