23/03/2026
📢 PARA SA KAALAMAN NG LAHAT NG MGA RESIDENTE NG DELA PAZ NORTE! 📢
Inaanyayahan po ang lahat na makilahok at dumalo sa ating 1st Semester Barangay Assembly Day - CY 2026. Ito ang pagkakataon upang marinig ang ating mga boses at malaman ang mga plano at proyekto para sa ikabubuti ng ating komunidad.
🤝 Tema: "Nagkakaisang Barangay Tungo sa Kalinisan, Kaayusan, Kapayapaan at Kaunlaran."
🗓 Kailan: March 29, 2026 (Linggo)
🕘 Oras: 9:00 AM
📍 Saan: School Covered Court, Dela Paz Norte, CSFP.
Bukod sa ulat ng ating barangay, magkakaroon din po tayo ng PUBLIC HEARING para sa Barangay Ordinance No. 002, Series of 2026.
Ito ay tungkol sa panukalang paglalagay ng mga Road Humps sa mga sumusunod na lugar para sa kaligtasan ng ating mga kalsada:
📍 Pino Road
📍 Purok 4 (School Side)
📍 Covered Court
📍 Purok 3 (Aquino to Covered Court)
📍 Aspire Subdivision patungong Pampanga's Best