07/03/2026
‼️DOH: ‘WAG MAGING KAMPANTE SA PANGANIB NG RABIES‼️
Sa huling tala ng Department of Health mula January 4 hanggang February 21, 2026:
➥17 na ka*o ng rabies sa bansa;
➥65% na mas mababa kumpara sa 49 na ka*ong naitala sa parehong panahon noong 2025;
➥halos pantay ang ka*o mula sa alaga o domestic pets at galang hayop o stray animals; at
➥13 o 76% naman ng kabuuang ka*o ay mula sa hindi nabakunahang hayop
Ang rabies ay isang nakamamatay na sakit na dulot ng virus na naipapasa sa kagat, kalmot, o laway ng a*o, pusa, at iba pang hayop na may rabies.
Panawagan ng DOH sa publiko na:
✅Maging respawnsible pet owner to stay paw-tected at tiyaking bakunado ang mga alagang hayop;
✅Makipag-ugnayan sa inyong beterinaryo o lokal na pamahalaan para sa bakuna ng inyong alaga;
✅Kung sakaling makagat o makalmot, hugasan agad ang sugat gamit ang sabon at umaagos na tubig sa loob ng 15 minuto;
✅Agad na kumonsulta sa pinakamalapit na DOH-certified animal bite treatment center o animal bite center upang masuri kung kinakailangan ng bakuna laban sa rabies; at
✅Kumpletuhin ang doses ng bakuna sa tamang oras
https://www.facebook.com/share/v/1bEhJyGrtW/?mibextid=wwXIfr
Balikan ang Episode 32 dito:
📌https://web.facebook.com/share/p/18H7zRRDRi/
📌 https://www.youtube.com/watch?v=RNneMR_bKFA