Rural Health Unit- San Francisco, Quezon

Rural Health Unit- San Francisco, Quezon Official Page of San Francisco Quezon Rural Health Unit

"PABATID"WALA PO MUNANG KO SULTASYON ANG OPD NG ATING HEALTH CENTER BUKAS BIYERNES ( SEPTEMBER 26,2025) SA DAHILANANG AN...
25/09/2025

"PABATID"

WALA PO MUNANG KO SULTASYON ANG OPD NG ATING HEALTH CENTER BUKAS BIYERNES ( SEPTEMBER 26,2025) SA DAHILANANG ANG ATING MGA DOKTOR AT NURSES AY TUTUGON SA TUNGKULIN SA ATING MGA EVACUATION CENTER.

MARAMING SALAMAT PO

17/09/2025

Tayo na at makiisa sa Bakuna Eskwela 2025!

Inaanyayahan ng Pamahalaang Lokal ng San Francisco, sa pangunguna ng Punong bayan Mayor Litoy Alega at Pangalawang Punongbayan Hon. Jean Chriscelene Kzel Alega-Floresta, ang mga magulang at paaralan elementarya ng ating bayan na makiisa sa Bakuna Eskwela 2025.

Layunin ng programang ito na mapangalagaan ang kalusugan ng ating mga kabataan at masiguro ang ligtas na pagbabalik-eskwela sa pamamagitan ng pagbabakuna laban sa mga sakit na maaaring maiwasan.

Sa sama-sama nating pagkilos, masisiguro natin ang isang mas malusog, ligtas, at handang henerasyon ng mga mag-aaral at kabataan para sa mas matagumpay at malusog na kinabukasan. πŸ’‰πŸ‘©β€πŸ«πŸ‘¨β€πŸŽ“

"PABATID"MERON PONG KONSULTASYON ANG OPD NG ATING HEALTH CENTER PARA SA MGA HINDI EMERGENCY NA KARAMDAMAN, BUKAS, HUWEBE...
17/09/2025

"PABATID"

MERON PONG KONSULTASYON ANG OPD NG ATING HEALTH CENTER PARA SA MGA HINDI EMERGENCY NA KARAMDAMAN, BUKAS, HUWEBES HANGGANG BIYERNES HANGGANG BIYERNES (SEPTEMBER 18-19,2025)

MARAMING SALAMAT PO

15/09/2025

A clean-up drive is more than just picking-up trash, it can spark lasting environmental awareness and a culture of sustainability

A powerful step towards protecting our environmental and promoting public health

Theses efforts also inspire collective responsibility, encouraging everyone to adopt eco-friendly practices and care for our shared spaces.

With the support of our Leaders starting from our Municipal Mayor Litoy Alega and Vice Mayor VM Kzel Alega Floresta Together with the unending love and support from all the Sangguniang Bayan of San Francisco, Quezon members, and also without the help of Quezon Provincial Health Office we can never achieved the same goals we dream of having.. Together we stand and build a Clean and Healthy Community


"PABATID"WALANG KONSULTASYON SIMULA LUNES HANGGANG BIYERNES (SEPTEMBER 15-19,2025)SA KADAHILANAN ANG ATING MGA  DOKTOR A...
15/09/2025

"PABATID"

WALANG KONSULTASYON SIMULA LUNES HANGGANG BIYERNES (SEPTEMBER 15-19,2025)
SA KADAHILANAN ANG ATING MGA DOKTOR AY KASALUKUYANG NASA SEMINAR/TRAINING, ANG KONSULTASYON PO ULIT AY SA SUNOD NA LUNES (SEPTEMBER 22, 2025)

MARAMING SALAMAT PO

Maganda Araw, Quezonians! 🧑πŸ₯Narito ang mga listahan ng mga ACCREDITED YAKAP CLINIC sa buong lalawigan na maaari ninyong ...
15/09/2025

Maganda Araw, Quezonians! 🧑πŸ₯

Narito ang mga listahan ng mga ACCREDITED YAKAP CLINIC sa buong lalawigan na maaari ninyong puntahan para sa libreng serbisyong pangkalusugan!

Magrehistro at ibalita sa inyong kamag-anak at kakilala ang programa ng PhilHealth! 🧑





11/09/2025

PANOORIN: Mga dapat mong malaman tungkol sa proseso ng pagtanggap ng pasyente sa Out-Patient Department (OPD) ng Quezon Medical Center.



‼️DOH: PALAKASIN ANG PEER SUPPORT GROUPS KONTRA SUICIDE‼️Inirerekomenda ng DOH ang pagsasapinal at patuloy na pagsuporta...
11/09/2025

‼️DOH: PALAKASIN ANG PEER SUPPORT GROUPS KONTRA SUICIDE‼️

Inirerekomenda ng DOH ang pagsasapinal at patuloy na pagsuporta sa mga youth-led peer support group para matugunan ang lumalaking pangangailangan para sa mga programang may kinalaman sa mental health.

Kaugnay nito, inilunsad na sa 50 Provincial at City-Wide Health Systems (P/CWHS) ang paggamit ng DOH Peer Support Groups Playbook.

Kabilang sa playbook ang mga training para sa mga peer facilitators at mga educational materials para higit pang buksan sa kabataan ang usaping mental health.

Sa pamamagitan ng peer support groups, nagkakaroon ang kabataan ng ligtas na espasyo kung saan sila ay napapakinggan, nauunawaan, at nagiging bahagi ng isang inklusibo at pantay na komunidad (WHO, 2021).

Batay sa DOH National Assessment of the Mental Health Literacy of Filipinos (2024), 2 sa bawat 3 kabataang Pilipino ay handang humingi ng tulongβ€”isang malinaw na palatandaan na bukas ang kabataan sa pag-uusap at pagtutulungan, lalo na para sa mga may pinagdadaanan.





πŸ“’ PUBLIC ADVISORY πŸ“’Ipatutupad sa Bayan ng San Francisco, Quezon ang patakaran na:♻️ NO SEGREGATION, NO COLLECTION!Simula...
09/09/2025

πŸ“’ PUBLIC ADVISORY πŸ“’

Ipatutupad sa Bayan ng San Francisco, Quezon ang patakaran na:

♻️ NO SEGREGATION, NO COLLECTION!
Simula sa Setyembre 15, 2025, ang lahat ng basura ay kinakailangang maayos na nakahiwalay ayon sa kategorya bago ito kolektahin ng mga awtorisadong garbage truck.

πŸ”Ž Mga Uri ng Basura:
🟒 Nabubulok – tirang pagkain, balat ng prutas/gulay, basang papel/karton
πŸ”΅ Di-Nabubulok – plastik, bote, lata, at iba pang hindi nabubulok
πŸ”΄ Residual – diaper, napkin
⚫ Bulky Wastes – sirang kasangkapan, upuan, kutson, sangang kahoy, pinagbaklasan ng bahay, at iba pa

πŸ—“ Iskedyul ng Koleksyon:
🟒 Nabubulok – Umaga
πŸ”΄ Residual – Umaga
πŸ”΅ Di-Nabubulok – Hapon
⚫ Bulky Wastes – Tuwing Araw ng Sabado

❗ Tandaan: Ilabas lamang ang basura kapag andiyan na ang garbage truck.

βš–οΈ Mga Kaukulang Parusa (ayon sa Kautusang Pambayan Blg. 2005-08):
1️⃣ 1st Offense – β‚±300.00
2️⃣ 2nd Offense – β‚±500.00
3️⃣ 3rd Offense – β‚±700.00
4️⃣ 4th Offense – β‚±1,000.00 hanggang β‚±2,500.00 o pagkakakulong ng hanggang 6 buwan

πŸ‘‰ Para sa kaayusan, kalinisan, at kalusugan ng lahat, hinihiling ang mahigpit na pakikiisa ng bawat mamamayan.

πŸ’‘ Maging responsable. Mag-segregate ng basura!




September is World Leukemia Awareness Month. This month we recognize the courage of the patients who are going through w...
05/09/2025

September is World Leukemia Awareness Month. This month we recognize the courage of the patients who are going through with leukemia and the survivors. Together, let us raise awareness and share information to spread hope and positivity.


02/09/2025

ππ€πŠπ”ππ€ π„π’πŠπ–π„π‹π€ 2025πŸ’‰πŸ’‰
π‘΄π’‚π’ˆπ’‘π’‚π’ƒπ’‚π’Œπ’–π’π’‚ 𝒍𝒂𝒃𝒂𝒏 𝒔𝒂 𝑯𝑷𝑽, 𝑴𝒆𝒂𝒔𝒍𝒆𝒔, 𝑹𝒖𝒃𝒆𝒍𝒍𝒂, 𝑻𝒆𝒕𝒂𝒏𝒖𝒔 𝒂𝒕 π‘«π’Šπ’‘π’•π’‰π’†π’“π’šπ’‚
π‘©π’‚π’Œπ’–π’π’‚ π‘¬π’”π’Œπ’˜π’†π’π’‚ - 𝑺𝒄𝒉𝒐𝒐𝒍 𝑩𝒂𝒔𝒆𝒅 π‘°π’Žπ’Žπ’–π’π’Šπ’›π’‚π’•π’Šπ’π’ πŸ’‰πŸ’‰
Para sa mga magaaral simula Grade 1 - 7 learners ang ,MEASLES RUBELLA, TETANUS DIPTHERIA (MR-Td)
Para naman sa magaaral na Grade 4 female leraners ay, HUMAN PAPILLOMA VIRUS (HPV) Vaccine.
Maguumpisa Ngayong darating na August 25,2025 hanggang October 2025
It does not only promotes higher vaccine uptake but also seeks to educate students and their families about the vital role of immunization in ensuring overall health.

"PABATID"WALANG KONSULTASYON NGAYONG ARAW (SEPTEMBER 1,2025)SA KADAHILANAN ANG ATING MGA  DOKTOR AT STAFF NG RHU AY TUTU...
31/08/2025

"PABATID"
WALANG KONSULTASYON NGAYONG ARAW (SEPTEMBER 1,2025)

SA KADAHILANAN ANG ATING MGA DOKTOR AT STAFF NG RHU AY TUTUGON SA GAGANAPIN NA MUNICIPAL MEET, BUKAS NA PO ULIT ANG KONSULTASYON MARTES (SEPTEMBER 2, 2025)

MARAMING SALAMAT PO

Address

Jorquia Street Corner Galicano Ner, Poblacion
San Francisco
4315

Telephone

+639150144797

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rural Health Unit- San Francisco, Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Rural Health Unit- San Francisco, Quezon:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram