09/07/2025
Awareness para sa mga may anak na maliit pa!
Kahit ka pamilya man yan, lalo na kapag galing sa labas ng bahay . Galing sa work
Ugaliing maghugas muna ng kamay or kahit maligo bago buhatin, halikan ang inyong baby๐๐
Hindi kaartehan ng isang nanay kung pinagbabawalan na halikan at hawakan ang kanilang baby, dahil pinoprotektahan lang nila ang kalusugan ng kanilang baby.
AWARENESS: BABY, NAGKA-AMOEBIASIS DAHIL SA KAKAHALIK AT KAKAHAWAK NG IBANG TAO!
GAANO MAN KA-CUTE ANG BATA, MAGING RESPONSABLE. HUMINGI MUNA NG PAHINTULOT SA MAGULANG NG BATA BAGO HAWAKAN O HALIKAN
"Ang sabi po baka may nakain kasi galing daw po iyon sa nahahawakan o nasusubong maduming bagay pero isa rin po kasi na nakikita namin marami po kasi naku-cute-tan kay baby, hinahawakan siya, kini-kiss siya. Sabi po ng doktor, nakukuha rin daw iyon doon lalo kung ang hahawak o ki-kiss sa bata hindi naman namin alam kung ano ang pinanggalingan o kung malinis ba ang kamay o bibig. Awareness na rin po ito sa mga may baby."
Ayon sa eksperto, ang Amoebiasis na tumatama sa mga baby, hindi lang nakukuha sa mga bagay na kanilang hinahawakan. Maaari rin daw itong makuha mula sa mga taong madalas humawak at humalik sa baby.
Credit to GMA News