
31/08/2025
FIRST MOLAR- Bakit lagi unang nasisira?
Hindi normal, Pero madalas na unang nasisira or nagkakaroon ng caries ang mga Permanent first molars.
Bakit?
Dahil ang Permanent first molars ang unang Permanent teeth na tumutubo —Meaning sila ang unang ngipin na naeexpose sa oral cavity.
Madalas tumutubo ang 1st Molars sa age na 6-7 yrs old— sa edad din na ito is hindi pa gaano maalaga ang mga bata sa ngipin thats why maaga nagkakasira or nabubulok ang mga ngipin (dito dapat pumasok ang responsibility ng mga magulang na imonitor ang ngipin ng kanilang mga anak)
Anong dapat gawin?
1. Brush ng maayos ang mga ngipin (Spit no rinse— para maretain ang fluoride sa ngipin ng bata)
2. Regular checkup sa dentist to monitor kung need na bang pastahan or kung pwede lang magaapply ng fluoride treamtent para mapatibay ang ngipin.
3. pwede din maglagay ng sealants sa ngipin para maiwasan na magkaroon ng food na naiipit sa mga linya or grooves ng ngipin na nagiging dahilan ng maagang pagkasira nito.
Lahat ng nabangit sa taas ay pwedeng maiwasan, Paano?
Make sure na maturuan natin ng maaga ang mga bata kung paano nila dapat alagaan ang kanilang mga ngipin 🫶🏻