12/01/2022
Ang Kagawaran ng Kalusugan ay patuloy na nagpapaalalang huwag ipagwalang bahala ng publiko ang mga sintomas ng COVID-19 na nararanasan. Hinihikayat ang lahat na mag-isolate sa umpisa pa lamang na may maramdaman, malala man ito o hindi, upang hindi na magpakalat pa ng virus.
“Ngayon ang dapat na papasok sa isip natin pagka nagsimulang magkaron ng sintomas, however mild it is, dapat ang response natin should be to isolate lasi napakaigsi ng serial interval ng infections,” diin ni Dr. Anna Ong-Lim.
“Sa loob ng 2 araw or so, magkakaroon na naman ng panobaging may sakit sa loob ng cluster - wala nang masyadong time na magdalawang-isip pa at pakiramdaman ang nararamdaman natin to decide whether this is COVID or not.” dagdag niya.
Sama-sama tayo upang tuluy-tuloy ang kontra COVID-19.