Brgy. Citrus Health Center

Brgy. Citrus Health Center Bayani Hanggang Wakas

15/07/2025

Huwag matakot magpa-HIV test. Kung magpositibo man, may libre at epektibong gamutan para mapanatili ang malusog na pamumuhay. ๐Ÿ’Š๐Ÿ‘

Mula March 2024 hanggang March 2025, 88% ng mga PLHIV na naka-enroll sa antiretroviral therapy (ART) at sumailalim sa viral load test ay natukoy na virally suppressed. Patunay ito na ang tuloy-tuloy na ART para sa mga PLHIV ay nakatutulong para mas mabilis nilang maabot ang Undetectable = Untransmittable status.

Available ang ART services sa mga DOH HIV care facilities: tinyurl.com/HIVTreatmentHubs. ๐Ÿฅ





12/07/2025

โ•DOH: PANATILIHIN ANG KALINISAN SA MGA PAARALAN PARA MAIWASAN ANG HAWAHAN NG SAKIT, GAYA NG HAND FOOT AND MOUTH DISEASEโ•

Sa pagpapatuloy ng klase sa mga paaralan, paalala ng DOH na panatilihin ang kalinisan sa katawan at paligid, lalo na sa mga silid-aralan at lugar kung saan namamalagi ang mga bata.

Kahit pababa ang trend ng bilang ng mga kaso ng Hand Foot and Mouth Disease (HFMD) mula Mayo 18-31, 2025 (1,964 cases) papuntang Hunyo 1-14, 2025 (1,363 cases), hindi dapat maging kampante dahil mabilis itong makahawa kung hindi mag-iingat.

Ang isang batang may HFMD ay maaaring makahawa ng higit sa 2 na ibang bata, at maari pa itong dumami kapag nasa closed spaces gaya ng bahay at eskwelahan.

๐Ÿ–๐Ÿ‘ฃ Ang mga kadalasang sintomas ng HFMD ay:
๐Ÿ“Œ lagnat
๐Ÿ“Œ singaw sa bibig
๐Ÿ“Œ sakit sa lalamunan
๐Ÿ“Œ mga butlig sa palad, talampakan, o puwit

โ—๏ธMakaiiwas sa HFMD sa pamamagitan ng:

โœ…Paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, o paggamit ng alcohol-based sanitizer
โœ…Pag-iwas sa paghawak sa mukha, lalo na sa mata, ilong, at bibig
โœ…Pagpapanatili ng kalinisan at pagdisinfect ng mga kagamitan




30/06/2025

๐ŸŽ‰ Happy Birthday, Dra. Roselle T. Tolentino! ๐ŸŽ‚

Today, we celebrate not just another year of life, but the incredible dedication, compassion, and unwavering service you have shown to every San Josenฬƒo.

As our City Health Officer, your commitment to promoting the health and well-being of our community is truly inspiring. Through long hours, tireless work, and firm leadershipโ€”especially during times of health challengesโ€”you have remained a steadfast protector of public health.

Your passion for service, especially to the most vulnerable sectors of our city, reminds us of what it means to serve with heart and purpose. You are more than a doctorโ€”you are a beacon of hope, care, and resilience for San Jose City.

Thank you for your outstanding dedication and for putting the health of every San Josenฬƒo at the center of everything you do.

Happy Birthday, Dra. Roselle! May your day be filled with love, joy, and blessingsโ€”just as you continue to share with so many. โค๏ธ๐ŸŽˆ

Your City Health Office Family โค๏ธ๐ŸŽˆ

29/06/2025
16/06/2025
09/06/2025

๐—ก๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฎ๐—ด-๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป, ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป ๐—บ๐—ฎ๐—ถ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐—ป!

Dala ng tag-ulan ang iba't ibang sakit na mapanganib para sa atin, partikular na ang W.I.L.D. diseases.

๐Ÿšฐ ๐—ชaterborne Diseases na nakukuha kapag uminom ng maruming tubig.
๐Ÿค’ ๐—œinfluenza-like Illnesses o trangkaso na nagdudulot ng lagnat, ubo, at pananakit ng katawan
๐Ÿ€ ๐—Ÿeptospirosis na nakukuha sa ihi ng daga na madalas ay nasa baha
๐ŸฆŸ ๐——engue na nakukuha sa kagat ng lamok na Aedes aegypti

๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—น๐—ถ ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ช.๐—œ.๐—Ÿ.๐——. ๐——๐—ถ๐˜€๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐—ฒ๐˜€!

๐ŸŒฆ๏ธ Tumutok sa mga anunsyo ng PAGASA tungkol sa lagay ng panahon
๐Ÿ  Manatili muna sa bahay kapag may sakit o umuulan nang malakas
๐Ÿชฃ Gawin ang TAOB, TAKTAK, TUYO, TAKIP sa mga lalagyan para walang pamahayan ang lamok
๐Ÿฉบ Magpakonsulta agad kapag masama ang pakiramdam





06/06/2025

Panahon na naman ng tag-ulan โ˜” kaya mas mabilis dumami ang lamok ๐ŸฆŸ na may dalang dengue!

Ipagpatuloy natin ang ating nasimulan na 4Ts tuwing Alas Kwatro ๐Ÿ•“: Taob ๐Ÿชฃ, Taktak ๐Ÿ’ง, Tuyo ๐ŸŒž, Takip ๐Ÿ›ข๏ธ โ€” araw-araw gawin para iwas dengue at ligtas ang pamilya ๐Ÿ‘จโ€๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘งโ€๐Ÿ‘ฆ!

Tandaan: kung walang lamok, walang dengue.





06/06/2025

Walang mukha o kasarian ang HIV at AIDS.

Importanteng malaman ang HIV status para maaga ang pagkuha ng serbisyong makatutulong sa pagmanage nito.

Hatid ng DOH ang libreng:
๐Ÿ›ก๏ธ Combination prevention method (condoms, lubricant, at PrEP)
๐Ÿ”Ž HIV screening at confirmatory testing
๐Ÿ’Š Antiretroviral therapy
๐Ÿง  Mental health at psychosocial support

Alamin ang mga serbisyo para sayo: tinyurl.com/HIVTreatmentHubs.




06/05/2025

๐ŸคฐMommy, kumpletuhin ang iyong antenatal check-ups upang matiyak na ligtas ang iyong pagbubuntis. ๐Ÿฉบ

๐Ÿ—“๏ธ Sundin ang iyong 1-2-5 schedule:

โœ…1 check up sa unang trimester;
โœ… 2 check up sa pangalawang trimester; at
โœ… 5 check up sa ikatlong trimester

๐Ÿฅ๐Ÿ‘จโ€โš•๏ธ Kumonsulta sa health centers upang matiyak na ligtas ang iyong pagbubuntis.

Sa Bagong Pilipinas, Bawat Buntis Mahalaga.




Address

San Jose Del Monte
3023

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Citrus Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Brgy. Citrus Health Center:

Share