
21/01/2024
Eksena namin ng back ride ko mga ilang ikot lang borlog naππ
Me: anu nak antok kana uwi kana
Jahnia: iyak sabay sabi ayaw ko pa uwe gusto ko pa sama byahe guto ko sama iyoβ¦
Tulok lang ako pa pala mamaya di na ko antok π
Napaka matured mag isip
Aminadong minsan naiinis ako kase pag kasama ko sya di ako makahataw sa byahe pero napag tanto ko lang na yung mga ganitong tagpo ay kung iisipin sobrang swerte ko na dahil habang naghahanap buhay
Nasusubaybayan ko din at halos araw araw kaming magkasama di gaya ng ibang magulang na kailangan pang lumayo para lang mairaos ang pangangailangan ng mga anak nila..
Kung mapapansin mo ang bilis lang ng panahon ngayon ngayon kakabagong taon lang papasok nanaman ang panibagong buwan
Di mo mamalayan ilang tulog lang nanjan nanaman si jose marie chan nakasilip nanaman kung saanπ
ππ
Kudoβs pala kay ate kanina na hinated ko sa halang
Ate: kuya gabi na bakit sinasama mo pa anak mo hindi ba delikado?
Ako: wala namang safe na lugar sa mundo te
May mga taong natutulog nga lang hindi na nagigising π
Ate:natawa ng bahagya at napaismidπ
Ako:Sinusulit ko lang te habang naghahabol pa natural lang. naman yun kase bata pa nga
Dahil alam naman natin sa bilis lang ng panahon ngayon pag dumating na yung panahon na may sarili na silang buhay darating yung pagkakataon hindi na ako yung gusto nya palaging kasama
at darating yung panahon na pag nakaroon sya ng sariling pamilya
Darating yung pagkakataon na bilang nalang sa daliri yung mga araw na pede natin sila makita..
Naisip ko na maswerte padin ako kahit na isang hamak na tricycle driver lang ako marami padin akong oras para sa mga anak o pamilya ko.. hindi gaya ng ibang magulang na kailangan pang magtiis o magtanas ng taon sa malayo para lang matustusan ang buhay ng kanilang anak mag iipon para sa bukas na walang kasiguraduhan biktima ng kahirapan
Kapalit e oras at panahon na nasasayang umalis ng ang mga anak halos wala pang mga muwang pag balik hindi man lang nasubaybayan ang kanilang paglaki at kabataan
Masakit na katotohan
aral sa buhay na pag marunong kang makuntento at pahalagahan ang mga simpleng bagay sa buhay makikita mo na hindi pala kailangan ng garbo o materyal na bagay yung lang nakakain ka ng tatlong beses sa isang araw at malulusog ang pamilyat walang karamdaman sobrang bless kana lagi lang natin iapreciate at ipagpasalamat sa taas ang bawat simpleng bagay sa buhay makikita mong kahit gaanong ang bigat kayang mapagaan..
Ate:(nanahimik sa loob at nangingilid ang luha halos gusto ng maiyak)
Ako: anyare binreak ka ba ng jowa moβ?π
π
Ate: bglang natawa π
Hindi gagi dami kong narealise sa mga pinagsasabi mo π ang daldal mo
Pero totoo talaga yun bigla ko naalala yung mga anak ko buwanan lang kase ako kung makauwe thankyou kuya !
Ako: anung thankyou hindi libre hatid ko may po to πππ
Ate: natawa nanaman sa punch line ko
Thankyou dami ko natutunan at narealise sa mga sinabi mo makata kaba kuya ??
Ako: natawaπππ hindi te
Pero dati akong katipunero at andres ang pangalan ko
Ate: (nag isip ng malalim hindi ata na gets)
Bkit andres?
Ako: andres bonifacio
Isang sitsit palang ng asawa ko nangangatal nakoππ
Ate : (hagalpak ng tawA)πππ
Sige na kuya sabay abot ng bayad..
Ako:(pagtingin ko 170 pesos)
Ate sobra sobra naman po ito
Ate:maliit na bagay lang yan kumpara sa sharing of good thoughts mo ngayong gabi pastorπ
ππ
Ako:hagalpak din ang tawa
Te kung makadaan to sa wall mo
Salamat po sa pagkalong at pag alalay sa borders ko
este sa baby back ride ko salamat din sa pasobrang bayad mo laban lang po palagi sa buhay para sa pamilya β€οΈ