City of San Jose del Monte - City Health Office

City of San Jose del Monte - City Health Office 𝐎𝐟𝐟𝐒𝐜𝐒𝐚π₯ π…πšπœπžπ›π¨π¨π€ 𝐩𝐚𝐠𝐞 𝐨𝐟 𝐭𝐑𝐞 𝐂𝐒𝐭𝐲 𝐨𝐟 π’πšπ§ π‰π¨π¬πž 𝐝𝐞π₯ 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐞 - 𝐂𝐒𝐭𝐲 π‡πžπšπ₯𝐭𝐑 𝐎𝐟𝐟𝐒𝐜𝐞

❗Suportado ng DOH ang Breastfeeding bilang bahagi ng mahalagang First 1000 Days ng mga sanggol ❗Bakit mahalaga ang exclu...
03/08/2025

❗Suportado ng DOH ang Breastfeeding bilang bahagi ng mahalagang First 1000 Days ng mga sanggol ❗

Bakit mahalaga ang exclusive breastfeeding?
βœ”οΈ Kumpleto sa nutrisyon
βœ”οΈ May panlaban sa sakit
βœ”οΈ Libre, laging handa, at mas ligtas para kay baby

βœ… Simulan ang eksklusibong pagpapasuso sa unang 6 na buwan
βœ… Ipagpatuloy ang pagpapasuso at magsimula ng masustansyang pagkain sa mga bata mula 6 na buwan pataas
βœ… Tiyaking nakakakain si Nanay ng masustansyang pagkain, may sapat na pahinga, at nasusuportahan sa kaniyang emotional needs






Alaga. Ginhawa. Serbisyong may malasakit.Narito ang 14 Primary Care Facilities (CHCs) ng Lungsod ng San Jose del Monte, ...
01/08/2025

Alaga. Ginhawa. Serbisyong may malasakit.
Narito ang 14 Primary Care Facilities (CHCs) ng Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan na handang tumugon sa inyong pangunahing pangangailangang medikal β€” mula konsultasyon, check-up, gamot, bakuna, PhilHealth, Ekonsulta at iba pa!
πŸ“ CHC 1 – San Pedro St., Poblacion I
πŸ“ CHC 2 – Canary St., Pecsonville Subd., Brgy. Tungkong Mangga
πŸ“ CHC 3 – Block 34, Road 11, Brgy. Minuyan 4
πŸ“ CHC 4 – B18 L16 Sta. Catalina St., Fatima V
πŸ“ CHC 5 – BLK 82 Magsaysay St., Brgy. Sta. Cruz III
πŸ“ CHC 6 – B6 L8 Noel's Village, Brgy. Muzon Proper
πŸ“ CHC 7 – Block 33, Open Area, Australia St., Harmony Hills 1, Brgy. Muzon South
πŸ“ CHC 8 – BLK 69 Phase 6G, Towerville Pakwanan, Brgy. Gaya-Gaya
πŸ“ CHC 9 – Area A1, Paradise 3
πŸ“ CHC 10 – Phase 1A, Towerville, Brgy. Minuyan Proper
πŸ“ CHC 11 – B5 L1 & 2, Phase E, Brgy. Mulawin
πŸ“ CHC 12 – Phase 2, SJDM Heights, Muzon East
πŸ“ CHC 13 – Block 8, Mapagbigay St., Graceville 3, Brgy. Graceville
πŸ“ CHC 14 – Block 5 Lot 9, Brgy. San Rafael 1, Area H
πŸ“’ Alamin kung aling CHC ang pinakamalapit sa inyo at magpa-check-up na!
Para sa inyong kalusugan, dito tayo sa Primary Care ng San Jose! πŸ’š




Alamin Natin: Ano ang PRIMARY CARE?Hatid ng San Jose del Monte Primary Care Facilities β€” Alaga. Ginhawa. Serbisyong may ...
01/08/2025

Alamin Natin: Ano ang PRIMARY CARE?
Hatid ng San Jose del Monte Primary Care Facilities β€” Alaga. Ginhawa. Serbisyong may malasakit.
Ano nga ba ang Primary Care?
Ito ang unang hakbang sa pangangalaga ng iyong kalusugan.
Kapag may simpleng sakit, check-up, o health concern, dito ka unang lalapit.
βœ… Check-up para sa ubo, sipon, lagnat, sakit ng ulo at katawan
βœ… Prenatal at Postnatal Care para kay Nanay at Baby
βœ… Bakuna (Immunization) para sa lahat ng edad
βœ… Family Planning & Counseling
βœ… Monitoring ng Blood Pressure, Blood Sugar at BMI
βœ… Health Education at Nutrition Counseling
βœ… TB DOTS Program
βœ… Referral kung kailangan ng espesyalista
βœ… At marami pang basic health services
May 14 Primary Care Facilities po tayo sa Lungsod ng San Jose del Monte na handang tumugon sa inyong pangunahing pangangailangang medikal.
‼️ Paalala:
Kapag emergency na gaya ng:
🚨 Matinding aksidente
🚨 Hirap sa paghinga
🚨 Pananakit ng dibdib o matinding sakit
➑️ Dumeretso agad sa pinakamalapit na ospital gaya ng Ospital ng Lungsod ng San Jose del Monte o ibang secondary/tertiary hospitals.
Maging proactive sa iyong kalusugan.
Huwag nang hintaying lumala ang sintomas β€” magpatingin agad!
πŸ“Bisitahin ang pinakamalapit na Primary Care Facility sa inyong barangay!
πŸ“ž Para sa iba pang impormasyon, makipag-ugnayan sa City Health Office ng San Jose del Monte.


ALINSUNOD SA RA 10645, MANDATORY ANG MEMBERSHIP NG MGA SENIOR CITIZENS!Alamin kung paano magparehistro para makagamit ng...
01/08/2025

ALINSUNOD SA RA 10645, MANDATORY ANG MEMBERSHIP NG MGA SENIOR CITIZENS!

Alamin kung paano magparehistro para makagamit ng benepisyo dahil

Ano ang Universal Health Care (UHC)?Ang Universal Health Care o UHC ay isang batas (Republic Act 11223) na nagsisiguro n...
01/08/2025

Ano ang Universal Health Care (UHC)?
Ang Universal Health Care o UHC ay isang batas (Republic Act 11223) na nagsisiguro na ang lahat ng Pilipino ay may pantay-pantay na access sa dekalidad, abot-kaya, at kailangang serbisyong pangkalusugan β€” saan ka man nakatira, anuman ang estado sa buhay.

Layunin ng UHC:
βœ… Siguraduhin na ang bawat Pilipino ay may serbisyong pangkalusugan sa tamang oras
βœ… Makatanggap ng kumpletong gamutan mula sa prevention, diagnosis, gamutan, at rehabilitation
βœ… Hindi kailangang mabaon sa utang para magpagamot
βœ… Lahat ay automatikong miyembro ng PhilHealth

Ibig sabihin nito sa iyo:
πŸ“Œ May access ka sa libreng konsultasyon, bakuna, gamutan, at check-up sa Primary Care Facility sa inyong lugar
πŸ“Œ May referral system papunta sa ospital kung kailangan ng mas mataas na antas ng gamutan
πŸ“Œ May PhilHealth benefits kahit hindi ka direktang nagbabayad ng kontribusyon
πŸ“Œ Pinapalakas ang komunidad at health centers para mas mapalapit ang serbisyong medikal sa tao

Tandaan:
Kalusugan ay Karapatan!

Upang magkaroon nang maayos na serbisyong pangkalusugan sa bansa, isang positibong hakbang ang pagsasabatas ng Universal...
01/08/2025

Upang magkaroon nang maayos na serbisyong pangkalusugan sa bansa, isang positibong hakbang ang pagsasabatas ng Universal Health Care (UHC) Law sa Pilipinas.

Sa ilalim nito, kung ikaw ay indirect member (walang kakayahang magbayad), hindi na kailangan ng Philhealth contribution. Ang gobyerno ang siyang magbabayad ng iyong kaukulang premium.

Ngunit kung ikaw ay direct member (may kakayahang magbayad), ito ay kailangan. Ang miyembro ang siyang magbabayad ng kaukulang premium.

Bilang miyembro ng PhilHealth, libre ang konsultasyon sa public health centers at may kaakibat na co-payment kapag nagpunta sa pribadong klinika. Kung naka-confine naman, walang babayaran kung naka-admit sa ward o basic na silid. Muli, may kaakibat na co-payment kapag nasa semi-private o private room.

Bagama't hindi lahat ng serbisyo ay magiging libre, layon ng UHC na mapababa ang gastusing medikal ng mga may sakit.


BAKUNA ESKWELA 2025 πŸ’‰Ngayong Agosto, sabay-sabay nating protektahan ang kalusugan ng ating mga kabataan!πŸ“ MR-TD (Measles...
01/08/2025

BAKUNA ESKWELA 2025 πŸ’‰
Ngayong Agosto, sabay-sabay nating protektahan ang kalusugan ng ating mga kabataan!

πŸ“ MR-TD (Measles-Rubella at Tetanus-Diphtheria) vaccine para sa mga Grade 1 at Grade 7 students
πŸ“ HPV (Human Papillomavirus) vaccine para sa mga Grade 4 na batang babae (9-14 years old)

βœ… Libre
βœ… Ligtas
βœ… Proteksyon laban sa Vaccine Preventable Diseases
βœ… Epektibo

Makipag-ugnayan sa inyong school nurse o barangay health center para sa schedule ng pagbabakuna.
Suportahan ang Bakuna Eskwela β€” kalusugan ng kabataan, sigurado’t protektado! πŸ›‘οΈ





⚠️ DIABETES, NANATILING IKALIMANG SANHI NG PAGKAMATAY NG MGA PILIPINO‼️Ayon sa pag-aaral ng Philippine Statistics Author...
31/07/2025

⚠️ DIABETES, NANATILING IKALIMANG SANHI NG PAGKAMATAY NG MGA PILIPINO

‼️Ayon sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA, 2024), ang diabetes ang ika-5 na pangunahing sanhi ng mortality sa Pilipinas. Ilan sa mga itinuturong dahilan nito ay ang madalas at labis na pagkain at pag-inom ng matatamis.

Ilan sa mga komplikasyon na maaaring idulot ng diabetes ay:
❀️ Atake sa puso at stroke
πŸ‘οΈ Pagkabulag o problema sa paningin
🦢 Pagkaputol ng paa o bahagi ng katawan (amputasyon)
🩺 Kidney failure

Basahin ang larawan para sa mga dapat gawin upang maiwasan ang diabetes.

Bantayan ang iyong blood sugar, kumunsulta sa inyong health center ngayon!

Isang paalala ngayong Diabetes Awareness Week.





⚠️ DIABETES, NANATILING IKALIMANG SANHI NG PAGKAMATAY NG MGA PILIPINO

‼️Ayon sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA, 2024), ang diabetes ang ika-5 na pangunahing sanhi ng mortality sa Pilipinas. Ilan sa mga itinuturong dahilan nito ay ang madalas at labis na pagkain at pag-inom ng matatamis.

Ilan sa mga komplikasyon na maaaring idulot ng diabetes ay:
❀️ Atake sa puso at stroke
πŸ‘οΈ Pagkabulag o problema sa paningin
🦢 Pagkaputol ng paa o bahagi ng katawan (amputasyon)
🩺 Kidney failure

Basahin ang larawan para sa mga dapat gawin upang maiwasan ang diabetes.

Bantayan ang iyong blood sugar, kumunsulta sa inyong health center ngayon!

Isang paalala ngayong Diabetes Awareness Week.




Iwasan ang Dengue!Protektahan ang sarili laban sa kagat ng lamok sa pamamagitan ng:πŸ‘•Pagsusuot ng ng mahabang pantalon, l...
31/07/2025

Iwasan ang Dengue!

Protektahan ang sarili laban sa kagat ng lamok sa pamamagitan ng:
πŸ‘•Pagsusuot ng ng mahabang pantalon, long sleeves, medyas, at saradong sapatos
🦟Gumamit ng mosquito repellant
πŸ›ŒGumamit ng kulambo habang natutulog

Maging maagap, maging sigurado.
Komunsulta sa inyong healthcare worker.





Paalala ng DOH para hindi mabiktima ng mga sindikato:πŸ”’ Gawing pribado ang social media accounts 🚫 β€˜Wag tumanggap ng frie...
31/07/2025

Paalala ng DOH para hindi mabiktima ng mga sindikato:
πŸ”’ Gawing pribado ang social media accounts
🚫 β€˜Wag tumanggap ng friend requests mula sa 'di kilala
πŸ“΅ Iwasan ang pag-share ng location at activities online
⚠️ Mag-ingat sa mga job offer na too good to be true
πŸ“Έ I-screenshot ang kahina-hinalang mensahe
πŸ‘€ Alamin ang mga babala ng human trafficking at online grooming

πŸ“£ I-report agad ang kahina-hinalang posts o tao
πŸ“ž Tumawag sa 1343 Actionline Against Human Trafficking

Isang paalala ngayong World Day Against Trafficking in Persons.


Paalala ng DOH para hindi mabiktima ng mga sindikato:
πŸ”’ Gawing pribado ang social media accounts
🚫 β€˜Wag tumanggap ng friend requests mula sa 'di kilala
πŸ“΅ Iwasan ang pag-share ng location at activities online
⚠️ Mag-ingat sa mga job offer na too good to be true
πŸ“Έ I-screenshot ang kahina-hinalang mensahe
πŸ‘€ Alamin ang mga babala ng human trafficking at online grooming

πŸ“£ I-report agad ang kahina-hinalang posts o tao
πŸ“ž Tumawag sa 1343 Actionline Against Human Trafficking

Isang paalala ngayong World Day Against Trafficking in Persons.

Ang sarcoma ay isang rare type ng kanser na nagde-develop sa mga buto at soft tissues ng ating katawan. Unlike other can...
31/07/2025

Ang sarcoma ay isang rare type ng kanser na nagde-develop sa mga buto at soft tissues ng ating katawan. Unlike other cancers, ito ay tumutubo sa aming connective tissues tulad ng muscles, fat, blood vessels, nerves, tendons, at cartilage.
Mahalagang paalala: hindi lahat ng lumps ay cancer, pero ang pamamaga na tumatagal ng more than 2 weeks ay dapat ikonsulta sa doctor. Early detection saves lives.
Share to help raise awareness about sarcoma in the Philippines πŸ’›

Hepatitis, pwede maging liver cancer kung mapabayaan‼️2% o 6.1 million na kaso ng Hepatitis B at C sa mundo ay Pilipino ...
31/07/2025

Hepatitis, pwede maging liver cancer kung mapabayaan‼️
2% o 6.1 million na kaso ng Hepatitis B at C sa mundo ay Pilipino ayon sa 2024 Global Hepatitis Report.
Abiso ng DOH, pabakunahan ang mga bata kontra Hepatitis B sa inyong health center. πŸ›‘οΈ
Ang Hepatitis C ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng paggamit ng malinis na hiringgilya. πŸ’‰
Makakaiwas naman sa Hepatitis A at E sa pamamagitan ng maayos na paghahanda ng pagkain. 🍽️
Tignan ang mga sintomas ng Hepatitis sa larawan.




Address

San Jose Del Monte
3023

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City of San Jose del Monte - City Health Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to City of San Jose del Monte - City Health Office:

Share