07/02/2024
Let's Help the Youth, the Country and our Future: Isang Pagtingin sa Transversal Competence
Sa limang taon kong pagiging Guidance Teacher noon, isa sa mga naging trabaho at mundong napasukan ko ay ang Career Guidance.
Ito ay serbisyo o programa para matulungan ang mga learners na makapagplano ng trabaho o career at larangan na tatahakin nila. Ginagawa ito upang maging produktibong bahagi sila ng lipunan. Bukod doon, layunin din ng career guidance ang pagkakaroon nila ng masaya at makahulugang buhay. Amazing diba?
Sa trabahong ito ko din nalaman ang malungkot na realidad ng malalim at magulong mundo ng mismatch ng in demand careers at trending courses sa college.
Ibig sabihin, hindi nagbubungguan o nagmi-meet ang need ng industry na mga professions at skills sa mga tinatangkilik na courses at trainings ng mga kabataan.
Kaya ang ending: madaming tambay, madaming incompetent na workers at madaming hindi masaya sa work nila. Sobrang lawak ng epekto nito sa pangkalahatang ekonomiya maging sa mental health ng isang tao kung ipagwawalang bahala.
Ngayong buwan naglabas ng study ang PIDS na may kaugnayan dito. Kulang daw sa transversal competence ang youth ngayon at posibleng maging problema ito sa future nila lalo sa paglaganap ng AI technology.
Alam naman natin na madaming trabaho ngayon ang posibleng wala na after five to ten years. Pero, may mga trabaho din sa future na wala pa ngayon. Sa bilis ng usad ng pagbabago sa mundo ngayon, kailangang may transversal competence ang isang tao para makasabay.
Ano ba ang transversal competence? Ito ay pinagsama-samang soft skills o mga kakayahan, kaalaman o knowledge at behavior or pag-uugali na pwedeng magamit sa iba't ibang larangan o trabaho. Example nito ay critical thinking, maayos na pakikitungo sa kapwa, hustong pagkilala sa sarili at iba pa.
Kaya maganda kung may programa o gawain ang paaralan o kahit ang mga g**o sa kanilang mga klase na naisasabay at nabibigyang pansin ang transversal competence. Maganda din na nauunawaan ng mismong mga learners kung ano ang mga transversal competence at bakit ito mahalaga at paano ito madedevelop.
Pwede ko kayong matulungan. Kailangan lamang nga practikal ng programa na nakatutok sa transversal competence para sa mga learners lalo sa SHS. Pwede din magsagawa ng workshop para sa teachers ng integration ng transversal competence sa kanilang teaching strategies at subjects.
Rapid technological advancements and shifting economic paradigms in the 21st century also continuously change the nature of work, wherein more complex