
25/07/2025
Paalala mula sa DOH tungkol sa Leptospirosis
Sa panahon ng tag-ulan at baha, mahalagang maging maingat at protektado laban sa leptospirosis. Ang leptospirosis ay isang sakit na dulot ng bacteria mula sa ihi ng daga at ibang hayop na maaaring makontamina ang tubig-baha.
Mga Dapat Tandaan:
•Iwasang maglakad sa tubig-baha. Kung hindi maiiwasan, magsuot ng proteksyon tulad ng bota o gloves.
•Panatilihing malinis ang paligid. Siguraduhing walang naiipong tubig sa mga bakuran at kanal.
•Uminom ng malinis na tubig. Iwasang uminom ng tubig na maaaring kontaminado.
Maging alerto sa mga sintomas ng leptospirosis tulad ng lagnat, pananakit ng katawan, pamumula ng mata, at paninilaw ng balat.
Kung makakaranas ng mga sintomas na ito, agad na magpatingin sa pinakamalapit na health center o ospital.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang kanilang page.
Handa ang Family Drug sa sitwasyong ito!
Mayroon kaming mga gamot at kagamitan na kailangan ninyo upang makaiwas sa sakit na ito. Bisitahin kami para sa inyong pangangailangan at alamin ang iba pang paraan ng pag-iingat laban sa leptospirosis.