02/08/2025
๐ช๐ฎ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐ป๐๐๐ฟ๐ถ๐๐๐ผ๐ป, ๐บ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ ๐๐๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ธ๐๐ป๐ฎ
๐ง๐๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ, ๐ฎ๐ฝ๐ฒ๐ธ๐๐ฎ๐ฑ๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ถ๐ป ๐ฎ๐ ๐ป๐๐๐ฟ๐ถ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ, ๐น๐ฎ๐น๐ผ ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ต๐ถ๐ต๐ถ๐ฟ๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐น๐ถ๐น๐ถ๐ถ๐, ๐ฏ๐๐ป๐๐ถ๐, ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ, ๐บ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐, ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป.
Ayon sa Asian Disaster Reduction Center, ang Pilipinas ay isa sa mga bansang madalas tamaan ng mapaminsalang kalamidad kagaya ng malalakas na bagyo, malalim at pangmatagalang pagbaha, ๐ญ๐ข๐ฏ๐ฅ๐ด๐ญ๐ช๐ฅ๐ฆ๐ด, at lindol.
Pinapalala pa ito ng epekto ng ๐ค๐ญ๐ช๐ฎ๐ข๐ต๐ฆ ๐ค๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ๐ฆ, na bahagi ng malawakang pagbabago sa kapaligiran bunsod ng mga gawaing pangkaunlaran katulad ng industriyalisasyon at ๐ช๐ฏ๐ง๐ณ๐ข๐ด๐ต๐ณ๐ถ๐ค๐ต๐ถ๐ณ๐ฆ, maging ang pagsira sa gubat at iresponsableng pagmimina.
Dahil dito, lalong mahirap makamit ang seguridad sa sapat at wastong pagkain dahil sa pagkaantala ng food supply system mula sa pagtatanim, pag-proseso ng pagkain, at paghahatid nito sa mga pamilihan upang may mabili at maihain sa hapag-kainan ng pamilya.
Kung kayaโt napakahalaga ng pagtatanim ng sariling gulay at prutas, maging ang pag-aalaga ng mga hayop sa ating bakuran upang may agarang magpagkukunan tayo ng pagkain. Ang pag-aalaga ng mga ito ay maaari din sa mga paso o recycled na lalagyan, samantalang ang mga manok ay pwede sa mga kulungan, kung walang sapat na lupa o espasyo sa bakuran.
Upang makatulong sa pagharap sa ganitong sitwasyon, narito ang ilang mahahalagang hakbang na maaaring gawin upang mapangalagaan ang kaligtasan at kalusugan ng pamilya bago, habang, at pagkatapos ng kalamidad:
โ
Maghanda ng ligtas na pagkain at malinis na tubig.
โ
Magplano ng masustansyang pagkain na abot ng inyong makakaya.
โ
Panatilihin ang kalinisan ng pagkain at inumin.
โ
Maging alerto at alisto sa mahahalagang impormasyon ukol sa nararanasang kalamidad.
Tandaan: Sa gitna ng sakuna, ang pag-iingat, sapat na kaalaman, at simpleng paghahanda ay mahalagang sandata upang maprotektahan ang kaligtasan at kalusugan ng pamilya.
Ang DOST-FNRI ay may mga ๐ฅ๐ช๐ฏ๐ฆ๐ท๐ฆ๐ญ๐ฐ๐ฑ na produktiong pagkain na akma sa kalamidad. Ang pag-proseso ng mga ito ay aming itinuro sa mga kwalipikadong entrepreneurs sa buong bansa upang malawakang maipamahagi ng pamahalaan at pribadong organisasyon na nagpapatupad ng mga ๐ฏ๐ถ๐ต๐ณ๐ช๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ at ๐ง๐ฆ๐ฆ๐ฅ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ณ๐ฐ๐จ๐ณ๐ข๐ฎ๐ด tuwing may sakuna at kalamidad.
Bisitahin ang DOST-FNRI ๐ธ๐ฆ๐ฃ๐ด๐ช๐ต๐ฆ para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga ๐ง๐ฐ๐ฐ๐ฅ ๐ต๐ฆ๐ค๐ฉ๐ฏ๐ฐ๐ญ๐ฐ๐จ๐ช๐ฆ๐ด ๐ง๐ฐ๐ณ ๐ฅ๐ช๐ด๐ข๐ด๐ต๐ฆ๐ณ ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ฆ๐ฎ๐ฆ๐ณ๐จ๐ฆ๐ฏ๐ค๐บ: https://fnri.dost.gov.ph/index.php/dost-fnri-technology-transfer-protocol/food-technologies