
02/08/2025
ICYMI || Sa ikalawang taon ay nagsagawa ng free dental check-up, consultation at fluoride application para sa mga Grades 1 at 2 learners ng San Manuel ES sa Lungsod ng San Jose del Monte noong July 29, 2025. Ito ay naging posible sa pakikipagtulungan ng PDA-CSJDM Chapter at ng Pamahalaang Barangay ng San Manuel.
Ang mga kawani ng City Health Office ay nagsagawa din ng oryentasyon tungkol sa Bakuna Eskwela na gaganapin ngayong Agosto para sa mga Grades 1 at 7 learners laban sa measles, rubella, tetanus at diphtheria, at Grade 4 female learners laban sa human papilloma virus.
Sama-sama, tulong-tulong! Bigyan natin ng malusog na pangangatawan ang ating mga mag-aaral na San Joseño! ✨