06/11/2025
Sa pagtatapos ng BAKUNA ESKWELA 2025 na ginanap sa ating bayan simula noong October 7, malugod naming binabati ang lahat ng mga bata, magulang, g**o at punong-g**o na naging bahagi ng programang ito. Sa kabuuan, 495 na mag-aaral ang nakatanggap ng mga bakuna bilang proteksiyon sa mga sakit tulad ng tigdas, rubella, polio, tetanus, diphtheria, at cervical cancer. Ito ay katumbas ng 78.3% na vaccine coverage para sa taong ito.
Pagbati rin sa mga paaralan na nagkamit ng pinakamataas na vaccination coverage ngayong 2025 Bakuna Eskwela:
TOP 1: Busay Elementary School (100%)
TOP 1: Buenavista Elementary School (100%)
TOP 3: Inihawan Elementary School (96%)
Samantala, may pinakamababang bilang ng nabakunahang estudyante sa San Jose Agricultural High School (65 ang walang bakuna, 69.2% coverage), Combot Elementary School (9 ang walang bakuna, 75.7% coverage), at San Jose Central School (20 ang walang bakuna, 79.4% coverage).
Para sa mas kumpletong detalye, pumunta sa http://bit.ly/4pfFdHZ
Umaasa po kami na sa mga susunod na taon ay mas tumaas pa ang bilang ng mga batang mababakunahan upang masig**o natin na protektado ang ating bayan sa mga posibleng disease outbreaks ng mga sakit na maaaring maiwasan ng pagbabakuna. Prevention is ALWAYS better than cure!