San Jose City General Hospital

San Jose City General Hospital Health for NuevaEcijano

https://www.facebook.com/share/p/1GyZu2uo3W/
22/12/2025

https://www.facebook.com/share/p/1GyZu2uo3W/

๐ŸŽ„๐ŸŽ„LIGTAS CHRISTMAS ๐ŸŽ„๐ŸŽ„

Ngayong Kapaskuhan, alagaan natin ang ating kalusugan at kaligtasan:

๐Ÿฅ—๐Ÿ‹๏ธโ€โ™€๏ธ๐ŸšญTamang pagkain, Ehersisyo, Disiplina

โญ๏ธPanatilihin ang balanseng pagkain. Iwasan ang labis na matatamis, maalat, matataba at mamantikang pagkain.
โญ๏ธ Maglaan ng oras sa simpleng ehersisyo tulad ng paglalakad, pag-unat, o sayaw kasama ang pamilya upang manatiling aktibo at masigla.
โญ๏ธ Iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak.

๐Ÿš—BIYAHEALTHY sa kalsada ngayong pasko

๐Ÿ’ซMaging alerto sa pagbiyahe. Siguraduhing ligtas ang sasakyan, sundin ang batas-trapiko, at magpahinga kung pagod.

๐ŸŽ†IWAS PAPUTOK para kumpleto at ligtas

๐ŸŒŸIwasan ang paggamit ng paputok. Piliin ang ligtas na paraan ng pagsalubong sa Bagong Taon upang maiwasan ang aksidente at pinsala.

โœจ Sama-sama nating ipagdiwang ang Pasko nang ligtas, malusog, at masaya! โœจ

โ€” Provincial Health Office - Nueva Ecija





https://www.facebook.com/share/p/1GqYEU6tVH/
26/11/2025

https://www.facebook.com/share/p/1GqYEU6tVH/

#๐‘๐„๐€๐ƒ | ๐๐”๐„๐•๐€ ๐„๐‚๐ˆ๐‰๐€, ๐ˆ๐Š๐€๐‹๐€๐–๐€ ๐’๐€ ๐๐ˆ๐๐€๐Š๐€๐Œ๐€๐‹๐€๐Š๐ˆ๐๐† ๐Š๐Ž๐๐“๐‘๐ˆ๐๐”๐“๐Ž๐‘ ๐’๐€ ๐€๐†๐‘๐ˆ๐Š๐”๐‹๐“๐”๐‘๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐๐’๐€ โ€” ๐๐’๐€

Kinilala ng Philippine Statistics Authority (PSA), sa ulat na ipinamahagi noong Nobyembre 25, 2025, ang Nueva Ecija bilang ikalawang pinakamalaking kontribyutor sa sektor ng Agriculture, Forestry, and Fishing (AFF) sa buong Pilipinas para sa taong 2024. Batay sa inilabas na datos, nakapag-ambag ang lalawigan ng 4.6 porsyento sa kabuuang Gross Value Added (GVA) ng AFF, na nagpapakita ng matatag na sektor ng agrikultura sa Nueva Ecija.

Ayon sa PSA, kabilang ang Nueva Ecija sa Top 10 Provinces na may pinakamalaking ambag sa pambansang AFF GVA, kung saan kolektibong bumuo ang mga lalawigang ito ng 36.3 porsyento ng total AFF output ng bansa. Kasama ang Nueva Ecija sa hanay ng mga nangungunang lalawigan sa sektor ng agrikultura sa Pilipinas.

Inilahad din sa ulat na ang Provincial Product Accounts (PPA) โ€” na sumusukat sa kontribusyon ng mga lalawigan at HUCs sa ekonomiya โ€” ay naipatupad na sa buong bansa simula 2024 at pormal na na-institutionalize noong 2025 sa pamamagitan ng PSA Board Resolution No. 1, Series of 2025. Nagbibigay ang PPA ng mas detalyado at lokal na datos upang mas maunawaan ang aktwal na ambag ng mga lalawigan tulad ng Nueva Ecija.

Sa kabuuan, nananatiling isa ang Nueva Ecija sa pinakamahahalagang lalawigan sa larangan ng agrikultura, na patuloy na nagbibigay ng malaking ambag sa pambansang produksyon at pag-unlad.

Source: Philippine Statistics Authority (PSA)
Read full article here: https://psa.gov.ph/statistics/ppa/node/1684081213

https://www.facebook.com/share/p/17LkitM2Z5/
15/11/2025

https://www.facebook.com/share/p/17LkitM2Z5/

Inaanyayahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija, sa pamamagitan ng Bongabon District Hospital, ang lahat ng mamamayang nangangailangan ng operasyon na makibahagi sa isasagawang ๐‹๐ข๐›๐ซ๐ž๐ง๐  ๐Œ๐š๐ฃ๐จ๐ซ ๐š๐ญ ๐Œ๐ข๐ง๐จ๐ซ ๐’๐ฎ๐ซ๐ ๐ข๐œ๐š๐ฅ ๐Ž๐ฉ๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ซ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ง๐š ๐๐จ๐›๐ฒ๐ž๐ฆ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ๐Ÿ•, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ (๐‡๐ฎ๐ฐ๐ž๐›๐ž๐ฌ).

๐๐‘๐Ž๐’๐„๐’๐Ž ๐๐† ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐‹๐ˆ๐’๐“๐€:
Magtungo lamang sa Bongabon District Hospital ano mang araw bago ang araw ng operasyon simula 8:00 AM at dumiretso sa Information Desk. Ipaabot na kayo ay para sa Surgical Caravan.

Ang programang ito ay muling isasagawa bilang bahagi ng patuloy na layunin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija na maihatid ang dekalidad, abot-kamay, at may malasakit na serbisyong medikal sa bawat Novo Ecijano.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa Bongabon Distric Hospital.

Address

Barangay Malasin
San Jose
3121

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Jose City General Hospital posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram

Category