Midsouth Lying-in and Maternity Clinic

Midsouth Lying-in and Maternity Clinic Maternity Clinic

20/08/2025
24/07/2025

🧬 Ano ang G6PD Deficiency?

Ang G6PD deficiency ay isang genetic condition kung saan kulang o mahina ang enzyme na tinatawag na Glucose-6-Phosphate Dehydrogenase sa katawan ni baby. Importanteng enzyme ito para protektahan ang red blood cells laban sa mga bagay na pwedeng magdulot ng pagkasira ng mga ito.

👉 Kapag kulang si baby sa G6PD, mas madali masira ang red blood cells niya, na pwedeng magdulot ng paninilaw, anemia, o sa malalang kaso, hemolytic crisis na pwedeng ikabuhay o ikamatay.

⸻

âť—Bakit mahalagang malaman ito agad?

âś… Walang gamot ang G6PD deficiency, pero maiiwasan ang mga komplikasyon kung alam ng magulang na may G6PD si baby.
✅ Kaya napakahalaga ng Newborn Screening – kasi dito agad malalaman kung merong ganitong condition si baby, bago pa siya mapasama sa mga bagay na bawal sa kanya.

⸻

đźš« Ano ang mga kailangang iwasan kapag may G6PD si baby?
• Bawal ang ilang gamot tulad ng ilang antibiotics at pain relievers
• Iwas din sa mothballs (naphthalene) – yung mga ginagamit sa cabinet
• Bawal din ang pagkain ng fava beans (broad beans)
• Iwas din sa matapang na disinfectants o kemikal

Lahat ng ito pwedeng mag-trigger ng “hemolysis” o biglaang pagsira ng red blood cells.

⚠️ PANGKALAHATANG PAALALA:
• Natural products (halimbawa: essential oils, herbal meds, pamahid tulad ng mga ointments, liniments, v***r rubs).na hindi tiyak ang ingredients — iwasan hangga’t di sure na safe
• Over-the-counter meds na may menthol, eucalyptus, camphor — consult muna sa doktor bago gamitin

⸻

đź‘¶ Paano ito maiiwasan?

Hindi natin kayang pigilan ang pagkakaroon ng G6PD (dahil namamana ito), pero kaya nating iwasan ang mga komplikasyon kung:

🔹 Maagang na-detect sa Newborn Screening
🔹 May gabay mula sa doktor kung ano ang mga dapat iwasan
🔹 Alam ng magulang kung anong mga bawal kay baby

⸻

📌 Kaya Mommies at Daddies, ipascreen si baby!
Ang G6PD deficiency ay isa sa mga sakit na kayang maagapan basta’t maagap tayo. Hindi natin ito makikita sa labas—walang obvious na sintomas sa simula—pero pwedeng magkaroon ng seryosong epekto kung hindi matutuklasan agad.

🍼 Newborn Screening saves lives.
Isang tusok lang sa sakong ni baby, pero pwedeng magligtas ng buhay.

10/02/2025
17/05/2024

Happy Monday! Let’s talk about...LABOR! 🤰🏽Check out these labor positions below👇🏾
1. STANDING SUPPORTED SQUAT
Pros: Realigns your pelvis to increase the opening by up to 15 percent.

2. SEMI-SITTING
Pros: Comfortable.
Good use of gravity.
Good resting position.

3. SITTING
Pros: Good for resting.
Uses gravity.
Can be used with continuous electronic fetal monitoring.

4. SITTING ON TOILET

Pros: Helps relax perineum.
You get used to an open-leg position and pelvic pressure.
Uses gravity.

5. SQUATTING
Pros: Encourages rapid descent.
Uses gravity.

6. SIDE-LYING
Pros: Helps get oxygen to the baby.
Good resting position.
Helpful if you have elevated blood pressure.
Fine with epidural.

7. WALKING
Pros: Uses gravity.
Contractions are often less painful.
Baby is well aligned in your pelvis.

8. STANDING
Pros: Uses gravity.
Helps get oxygen to the baby.

9. LEANING OR KNEELING FORWARD WITH SUPPORT
Pros: Can help shift the baby if needed.
Uses gravity.
Birth ball can be used.

10. KNEE-CHEST
Pros: Good for back labor.
Assists with rotation of baby, if needed.

11. ON BACK WITH LEGS RAISED

art work by

17/05/2024

May G6PD po ang anak ko!

G6PD Decifiency or Glucose-6-Phosphate dehydrogenase Deficiency ang full name. Nakikita po ito sa Newborn Screening.

Madaming pumupunta sa clinic na worried dahil daw may G6PD ang anak nila. Kasama pa ang lolo at lola. Gusto nilang malaman kung ano ang kahihinatnan ng apo nila.

Ang dami raw kasing bawal na pagkain at mga gamot. Baka raw kasi mapalagay sa peligro ang bata kapag na expose sila sa bawal.

Bawal raw ang soy sauce! Bawal raw ang Dingdong na snack! Bawal raw ang beans! Bawal raw soya at marami pang iba!

Yung iba may narinig pa raw na baka raw mapunta sa pagiging re****ed o yung mahina ang pagiisip o baka raw sa Leukemia kaya umiiyak sa kaba ang pamilya.

"Ganito yun Daddy and Mommy, Lolo at Lola" ang sabi ko sa kanila. "Wag muna kayong magpanic!"

"Number one po hindi napupunta ang G6PD sa Leukemia. Ang leukemia ay cancer. Walang kuneksyon ang G6PD sa cancer. ".

Hindi rin napupunta sa re****ed. Yung nasa poster ng newborn screening kasi na bata na mukhang delayed ang pagtubo ay hindi po yun G6PD, iba po yun na sakit.

Ang G6PD po ay matagal ng nasa mundo. Kahit panahon pa ni Lapulapu at Magelan andito na po ito. Hindi po ito bagong sakit. Napapasa po ito sa lahi. Pero ngayong lang itong may test na naimbento kaya parang biglang dumami ang positive.

Ibig ko sabihin, malaking tsansa na kayong mga magulang at lolo at lola ay may G6PD. Marahil ako rin ay mayroon kaya lang di natin alam dahil wala tayong test noon.

Dati wala namang pinagbawal sa atin at sa mga kinanu-nunuan natin, eh wala naman mga narinig tayong nagka-anemic nalang bigla at G6PD ang diagnosis.

May narinig na ba kayo sa lahi niyo na kapag sumawsaw ng ulam sa toyo ay naadmit dahil nagiging anemic?

Iba po yung kailangan lang ng vitamins na Iron ha. Hindi po yun sila anemic dahil sa G6PD. Anemic lang yun na natural kaya binibigyan ng Iron.

To be honest wala pa po akong nasalinan ng dugo na dahil sa G6PD sa tagal ko na pagiging Doctor. Ibig ko sabihin medyo bihira talaga ang nagkakaroon ng simtomas na Pilipino. Likas na matibay ang lahing Pinoy, bigay yan ng Diyos sa atin.

Ngayon hindi ko rin sinasabi na baliwalain natin ang mga payo patungkol sa mga bawal ng G6PD. Ang ibig ko lang sabihin ay wag nating ibrand ang batang may G6PD na weak or masakitin. Kung baga po, hindi lang po tayo kumukuha ng explaination sa libro kundi po sa practical na obserbasyon sa buhay o sa history. Kung sasabihin nyong meron talagang naadmit na may G6PD sa lahi niyo dahil kumain ng beans o sumawsaw ng soy sauce at biglang na-anemic ay ibang usapan na yan. Pero kung wala naman, relax lang, kasing normal niyo yung anak niyo.

Ang pinakabawal ay yun paring binabawal ko sa lahat ng mga bata, kahit may G6PD man o wala.

1. Bawal ang magspray ng insecticide na may baby.

2. Bawal ang bumili ng antibiotic na walang pahintulot sa Doctor.

3. Bawal ang junk foods.

4. Bawal ang moth balls.

5. Sa gatas syempre breastfeeding is best. Avoid nalang sa soya milk. Cow's milk nalang if wala ng breastmilk.

6. About sa pagkain naman, avoid lang sa fava beans. Eat healthy lang din po. Bawal ang sobra. Paminsan minsang sawsaw sa soy sauce ok lang.

7. Bawal ma expose sa mga toxic na chemical.

Bottomline, para sa akin ang batang may G6PD ay normal na bata. Kung tumanda ang lahi niyo dati at walang nangyari kahit walang mga bawal, ano nalang si baby? Lalo't na't meron ng mga healthy advise.

Addition: hindi niyo rin po pwedeng sabihin na madali lang ubuhin o siponin ang anak niyo dahil may G6PD siya. Wala pong kuneksyon.

Note: ang payo po na nabasa niyo ay ang aking personal at practical na payo. Kung gusto niyo pa pong maiintindihan ng malalim ang G6PD may link po akong nilagay sa comment area.

Dr. Richard Mata
Pediatrician

Para sa dagdag pa pong tips please like . Richard Mata.



———-//

—————————————-
About Dr. Mata

Dr. Richard Mata is a Pediatrician for 20 years. A former consultant for both DOH and WHO Philippines on how to make Dengue easily understandable for the Filipinos.

Awardee for Medical Mobile Innovation by DOST. National Health Exemplar Awardee by Health and Lifestyle Magazine

He practices in Davao del Norte. Clinic location is at Good Shepherd Hospital, Panabo City Highway
Monday to Saturday

Visiting Consultant at the ff:
Good Shepherd Hospital
Rivera Hospital
Cainglet Hospital
Polymedic Hospital
Zafra Hospital
MDMRC Davao
San Pedro Hospital Davao
Brokenshire Davao
DMSF Hospital

For his online clinic, please visit www.easyclinicsoftware.com

14/03/2024
14/03/2024

WHY GET VACCINATED WITH TETANUS TOXOID VACCINE?
Tdap vaccine is a rebranding name for Tetanus Toxoid vaccines which protects against tetanus, diphtheria, and whooping cough (pertussis)

Tdap (Tetanus, Diphtheria, and Pertussis) is very effective, safe to our pregnant women.

We strongly advise pregnant women to take the vaccine.

Address

Putingbuhangin
San Juan
4226

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Midsouth Lying-in and Maternity Clinic posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram