08/01/2026
10 Paalala para sa mga Trentahin na (Oo, kasama ka dito)
1. Hindi ka late. Hindi ka rin early.
Nasa tamang oras ka. Iba-iba ang timeline ng bawat tao.
may umaayos ang buhay ng 25, may umaangat ng 40.
ang mahalaga: umaandar ka pa rin.
2. Health is wealth. seryosohan na to. hindi na pwede ang “bukas na lang.” Matulog nang maayos. Kumain ng tama. Mag-exercise kahit walking lang. Kapag bumigay ang katawan, titigil din ang pangarap.
3. Piliin mo ang peace over pride. Hindi lahat ng laban kailangang patulan. Minsan ang tunay na panalo ay katahimikan ng isip.
4. Hindi mo kailangang patunayan ang sarili mo sa lahat. Enough na yung alam mo kung sino ka at ano ang kaya mo. Validation from others is optional. Self-respect is not.
5. Ayusin ang pera — hindi para yumabang, kundi para may choice ka. Mag-ipon. Mag-invest kung kaya. Hindi para mag-flex, kundi para hindi ka gipit sa desisyon.
6. Sa kaibigan, quality over quantity. Mas okay ang 2–3 totoong kaibigan kaysa 100 na hanggang “kumusta” lang.
7. Kung may pamilya ka, maging present. Kung wala pa, ihanda ang sarili mo. ang oras na binibigay mo sa mahal mo ay oras na hindi mo na mababawi.
8. Huwag ikumpara ang behind-the-scenes mo sa highlight ng iba. Social media ay filtered. Ang buhay mo ay totoo.
9. Magdasal o magmuni-muni. Kahit hindi ka relihiyoso, kailangan mo ng tahimik na sandali para maalala kung saan ka papunta.
10. Hindi pa tapos ang kwento mo. Ang 30s ay hindi ending. madalas, dito pa lang nagsisimula ang pinaka-solid na version mo.
Hindi ka late sa buhay. napapatingin ka lang masyado sa progress ng iba.
Check mo sarili mo. ang dami mo nang na-achieve na dati pangarap mo lang.