06/05/2021
PWEDE KA BANG MAKATANGGAP NG COVID-19 VACCINE?
Alamin rito kung sinu-sino ang maaaring mabakunahan!
HINDI MAAARI
β May edad na mas mababa sa 18 taong gulang
β May allergy sa polysorbate, polyethylene glycol / PEG, o iba pang sangkap ng bakuna
β May malubhang allergy matapos tumanggap ng unang dose ng bakuna
IPAGPALIBAN MUNA
π May alinman sa mga sumusunod na sintomas: lagnat / panginginig dahil sa lamig, sakit ng ulo, ubo, sipon, pananakit ng lalamunan, pananakit ng kalamnan, pagkapagod, panghihina, kawalan ng panlasa o pang-amoy, hirap sa paghinga, rashes
π May exposure sa taong confirmed o suspect na kaso ng COVID-19 sa nakaraang 14 na araw
π Dating ginamot para sa COVID-19 sa nakaraang 90 na araw
π Ginamot o nakakuha ng convalescent plasma o monoclonal antibodies para sa COVID-19 nitong nakaraang 90 na araw
π Mga buntis na nasa unang 3 buwan ng pagbubuntis
π Nakakuha ng kahit na anong klaseng bakuna sa nakaraang 14 na araw
KAILANGAN NG MEDICAL CLEARANCE MULA SA DOKTOR
π May autoimmune disease
π Na-diagnose na may Human Immunodeficiency Virus (HIV)
π Na-diagnose na may kanser
π Sumailalim sa organ transplant
π Kasalukuyang umiinom ng steroids2
π Nakaratay na lang sa k**a o may sakit na hindi tataas sa anim (6) na buwan ang taning
OO, SUBALIT KAILANGAN NG KARAGDAGANG PAG-IINGAT
β
May sakit kaugnay ng pagdudugo o kasalukuyang umiinom ng anticoagulants
β
May history ng anaphylaxis o malubhang allergy
β
May allergy sa pagkain, itlog, o gamot
β
May hika
RESBAKUNA, kasangga ng BIDA! Sama-sama tayo sa BIDA Bakunation!
+