San Marcelino District Hospital

San Marcelino District Hospital This is the official page of San Marcelino District Hospital

PAALALA:✅Magpakonsulta kaagad sa doktor o sa pinakamalapit ng Health Center o Hospital kung may nararamdaman.✅Huwag po n...
27/07/2025

PAALALA:

✅Magpakonsulta kaagad sa doktor o sa pinakamalapit ng Health Center o Hospital kung may nararamdaman.
✅Huwag po natin baliwaliin ang ating sakit o ano mang masamang karamdaman upang hindi lumala at na Iwasan Ang komplikasyun
✅Kapag pupunta sa ating ospital, dalhin po ang inyong Out Patient Card. Kung wala pang Out Patient card, magdala po ng Identification Card (ID) o proof ng pagkaka-kilanlan kagaya ng Senior Citizens ID, PWD ID o Phil health ID upang mailista po kayo sa aming Electronic Medical Records (EMR).
✅Dalhin ang resulta ng examination, listahan ng ini-inum na gamot, medical certificate, clinical abstract o discharge summary na galing sa inyong previous doktor, kung mayroon.

Ang aming Out Patient clinic ay bukas mula 8:00am-5:00pm, Lunes hangang Biyernes (maliban sa araw na itinakdang holiday).

Para sa katanungan, maaring i-message ang kanilang FB page:
👩‍⚕️OB-GYNE- https://www.facebook.com/obgynesmdh
👩‍⚕️IM/TB DOTS/GENERAL/DIABETES- https://www.facebook.com/profile.php?id=100091743994745
👩‍⚕️PEDIA- https://www.facebook.com/pediatricssmdh
👩‍⚕️ORTHO / SURGERY / ENT- https://www.facebook.com/smdhopdsurgery
🦷DENTAL https://www.facebook.com/share/1AyCaq1pYu/?mibextid=wwXIfr
🐾ANIMAL BITE- https://www.facebook.com/profile.php?id=100094909149603
☢XRAY /ULTRASOUND /2D ECHO-https://www.facebook.com/profile.php?id=100088783775670
🔬LABORATORY /DRUG TESTING /SLIT SKIN SMEAR- https://www.facebook.com/profile.php?id=100090337217622
🧘‍♀️MENTAL https://www.facebook.com/share/19sjoVkbRi/?mibextid=wwXIfr

Kasiyahan po namin ang paglingkuran kayo.
Maraming salamat po.

---
Sulong Kalusugan!
Tatak SMDH: Serbisyong may Malasakit, Dedikasyon at Husay.

Maligayang pagbati sa Ika 111 anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo sa mga kapwa naming lingkod bayan, sa kasama namin sa tra...
26/07/2025

Maligayang pagbati sa Ika 111 anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo sa mga kapwa naming lingkod bayan, sa kasama namin sa trabaho at sa lahat ng kasapi nito.

Ang patuloy na pagsasabuhay at pananampalataya ng aral ng Dios Ama ay nagbibigay gabay sa atin ng patuloy at maayus na paglilingkod sa mga pasyente ng ating Hospital at sa komunidad.

Naway bigkisin ang bawat sa isa sa atin ng pagmamahalan, ligtas at maunlad na buhay at kapayapaan sa araw araw ng ating mga gawain.

Mabuhay ang lahat ng aming kapatid sa Iglesia Ni Cristo.

24/07/2025
24/07/2025

🚨 DOH: ‘WAG GUMAMIT NG DOXYCYCLINE NANG WALANG RESETA🚨

Ang doxycycline ay isang antibiotic na ginagamit laban sa Leptospirosis.

Kapag mali ang pag-inom, pwedeng mawalan ito ng bisa laban sa mga mikrobyo at maging mas mahirap gamutin ang simpleng impeksyon. Pwede itong humantong sa matagal o mas matinding pagkakasakit.

Nakadepende ang pag-inom ng doxycycline sa exposure o risk level ng taong nalubog sa baha.

Payo ng DOH, magpatingin sa doktor para sa tamang reseta sa paggamit ng antibiotic na ito.







24/07/2025

Panahon na naman ng tag-ulan ☔ kaya mas mabilis dumami ang lamok 🦟 na may dalang dengue!

Ipagpatuloy natin ang ating nasimulan na 4Ts tuwing Alas Kwatro 🕓: Taob 🪣, Taktak 💧, Tuyo 🌞, Takip 🛢️ — araw-araw gawin para iwas dengue at ligtas ang pamilya 👨‍👩‍👧‍👦!

Tandaan: kung walang lamok, walang dengue.





24/07/2025
Mula sa pamunuan ng ating Gobernador Hermogenes E. Ebdane Jr. at Pamahalaang Panlalawigan, in attendance ang mga empleya...
23/07/2025

Mula sa pamunuan ng ating Gobernador Hermogenes E. Ebdane Jr. at Pamahalaang Panlalawigan, in attendance ang mga empleyado para sa patuloy na Serbisyong Pangkalusugan ng ating hospital.

---
Sulong Kalusugan!
Tatak SMDH: Serbisyong may Malasakit, Dedikasyon at Husay.

23/07/2025

𝐊𝐀𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐔𝐒𝐈 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒𝐀𝐍 ⛑️

Ngayong panahon ng tag-ulan, ibayong pag-iingat ang kailangan. Narito ang iba pang ligtas tips mula sa Philippine Red Cross.



23/07/2025

🚨 PANATILIHING LIGTAS ANG MGA DONASYON SA MGA EVACUATION CENTER 🚨

⛈️ Sa panahon ng sakuna, bawat tulong ay mahalaga. Palaging tiyakin na ligtas at malinis ang iyong donasyon para sa mga nasalanta:

✔️ Inuming tubig – malinis at selyado
✔️ Pagkain – selyado, walang butas o yupi, at hindi expired
✔️ Hygiene products – bago at selyado
✔️ Damit – malinis at maayos

🤝 Makipag-ugnayan sa inyong LGU, simbahan, o community org para sa mga donation drives. Sama-sama tayong tumulong sa ating kababayan, at maghatid ng ginhawa at pag-asa!



23/07/2025
𝐄𝐗𝐄𝐂𝐔𝐓𝐈𝐕𝐄 𝐂𝐎𝐔𝐑𝐄 𝐎𝐍 𝐇𝐎𝐒𝐏𝐈𝐓𝐀𝐋 𝐀𝐃𝐌𝐈𝐍𝐈𝐒𝐓𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍Dumalo at nakibahagi sa Executive Course on Hospital Administration ang ating ...
22/07/2025

𝐄𝐗𝐄𝐂𝐔𝐓𝐈𝐕𝐄 𝐂𝐎𝐔𝐑𝐄 𝐎𝐍 𝐇𝐎𝐒𝐏𝐈𝐓𝐀𝐋 𝐀𝐃𝐌𝐈𝐍𝐈𝐒𝐓𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍

Dumalo at nakibahagi sa Executive Course on Hospital Administration ang ating mga doktor na sina Dra. Patricia N. Ayson (Chief of Clinics) at Dr. Vincent Rasalan (General Surgeon) noong July 7-11, 2025. Ito ay pinangunahan at inorganisa ng College of Public Health (University of the Philippines Manila)-Department of Health Policy and Administration.

Ilan sa mga tinalakay ang mga sumusunod:
• Strategic leadership ion health care,
• Advanced strategic management on strategic thinking,
• Strategic organizational management,
• Human Resource and organizational management for executives and administrators,
• Maximizing health information system,
• AI (Artificial intelligence) I in the Philippine hospitals,
• Marketing management,
• Health economics and Legal aspects of hospital administration,
• Crisis and contingency planning, and
• Safe Hospital: facilities and equipment.

Mahalaga ang pagdalo ng ating mga doctor sa mga ganitong pagtitipon upang makakuha ng mga karagdagang kaalaman sa paggawa ng mga tama at napapanahong polisiya sa papaunlad ng ating ospital. Nagkaroon din ng palitan ng mga kaalaman at opinion ang bawat kalahok ukol sa mga paraan ng pagpapatakbo at pagpapaganda ng sistema ng kanilang health facilities.

---
Sulong Kalusugan!
Tatak SMDH: Serbisyong may Malasakit, Dedikasyon at Husay.

Address

San Marcelino

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Marcelino District Hospital posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to San Marcelino District Hospital:

Share

Category