06/05/2026
π
May mga araw talaga na banayad sa clinic. Walang pasyente. Tahimik. Maraming oras magisip isip.
Gaya ngayon. Ayan tuloy nakapag muni muni π
So... break muna sa mga health posts at kukwentuhan ko muna kayo.
May ibang doktor na hindi pinili maging pedia kasi mahirap malaman ang sakit ng pasyenteng hindi nakakapagsalita, puro iyak lang. May point nga naman! π
Ako naman, pinili kong maging pediatrician dahil ang cute ng mga bata, lalo na pag baby pa sila! Kahit minsan tumutulo ang sipon at umaapaw sa diaper ang π©, ang cucute pa rin!
Pero ito ang mas malalim na dahilan kung bakit masaya ako sa pagiging pediatrician. ππ»
Ibang klaseng saya makita ang batang kanina iyak ng iyak, hindi mapakali, tapos pag okay na ang pakiramdam, makikipag high five sayo na parang walang nangyari.
Walang makakapantay sa pakiramdam na marinig ang unang iyak ng bagong panganak na sanggol na kanina lang ay nagaagaw buhay.
Napaka fulfilling makita ang mga dating baby pa, unti unting nachecheck ang milestones nila at pagpunta sa clinic may baon pang song and dance number!
Kaya nakakalungkot minsan makarinig ng comments na pare-parehong mukhang pera ang mga doktor o pinagkakakitaan lang namin ang mga pasyente.
Totoo, hanapbuhay namin ito dahil kagaya po ninyo, meron ding kaming binabayarang tubig, kuryente, wifi. Namamalengke at grocery din naman po kami. Ang mga convention din pong inattendan namin para sa patuloy na pagupdate ng kaalaman ay hindi libre, may kamahalan din po π₯²
Pareho tayong naghahanap buhay. Yun nga lang, hindi pera ang hawak namin kundi buhay. Hindi pagayos ng sirang sasakyan ang job description namin kundi madiagnose at magreseta ng tamang gamot.
Pero higit sa pagiging hanapbuhay, para sa akin ang pagiging Pediatrician ay isang paraan para maglingkod sa Panginoon. Naniniwala akong pinagkatiwala ang propesyong ito para maging daan ng kagalingan sa pamamagitan Niya.
Kaya naman kasama niyo po akong hindi mapakali kapag hindi gumagaling ang bata.
One message away ako para sa mga pasyente ko, kahit pa nasa convention o bakasyon ako -- free of charge!
At ayaw na ayaw ko pong nagkikita tayo sa clinic dahil may sakit ang bata. Well baby check up lang sana para lahat tayo fresh! π
Hindi magaan ang responsibilidad na alagaan ang buhay ng mga bata kaya napakalaking pasasalamat sa mga magulang na patuloy na ipinagkakatiwala ang kalusugan ng mga anak nila at patuloy na nakikinig sa professional advice ko ππ»
Yun lang po. Magpabakuna na po kayo ng flu vaccine para di po tayo masyado magkita sa June π₯Ή