San Mariano Rural Health Unit

San Mariano Rural Health Unit RHU San Mariano Official FB Page

❗️1 SA 5 NA NAMAMATAY NA PLHIV AY DAHIL SA TB❗️Mas mataas ang posibilidad na magka-TB ang isang PLHIV dahil sa mahinang ...
24/08/2025

❗️1 SA 5 NA NAMAMATAY NA PLHIV AY DAHIL SA TB❗️

Mas mataas ang posibilidad na magka-TB ang isang PLHIV dahil sa mahinang immune system. Kapag hindi naagapan, maaaring magdulot ito ng malubhang komplikasyon na posibleng humantong sa kamatayan.

Ang HIV at TB co-infection ay maiiwasan sa pamamagitan ng regular na TB screening, tuloy-tuloy na pag-inom ng antiretroviral therapy (ART), at paggamit ng Tuberculosis Preventive Treatment (TPT).

Ang ART at TPT ay available sa HIV Care facilities malapit sa inyo: tinyurl.com/HIVTreatmentHubs. 🏥




‼️ ANO ANG TOTOO AT FAKE NEWS TUNGKOL SA TB? ‼️Ang Tuberculosis o TB ay isang sakit na naipapasa sa pamamagitan ng ubo, ...
24/08/2025

‼️ ANO ANG TOTOO AT FAKE NEWS TUNGKOL SA TB? ‼️

Ang Tuberculosis o TB ay isang sakit na naipapasa sa pamamagitan ng ubo, bahing, at dura. Hindi ito naipapasa sa simpleng paghawak ng kamay, o pagkatuyo ng pawis sa likod.

Ito ay naaagapan at nagagamot kung mahuli nang maaga! Isang x-ray lang ang kailangan!

💬 Kumonsulta agad sa pinakamalapit na TB-DOTS para malaman kung may TB at magamot agad: bit.ly/TBDOTSFacilities

Source: World Health Organization




‼️ ANO ANG TOTOO AT FAKE NEWS TUNGKOL SA TB? ‼️

Ang Tuberculosis o TB ay isang sakit na naipapasa sa pamamagitan ng ubo, bahing, at dura. Hindi ito naipapasa sa simpleng paghawak ng kamay, o pagkatuyo ng pawis sa likod.

Ito ay naaagapan at nagagamot kung malaman nang maaga! Isang x-ray lang ang kailangan!

💬 Kumonsulta agad sa pinakamalapit na TB-DOTS para malaman kung may TB at magamot agad: bit.ly/TBDOTSFacilities

Source: World Health Organization




❗️TINGNAN: MGA PARAAN TO  ❗️Ang Tuberculosis o TB ay kayang mapigilan sa pamamagitan ng:infection controlBCG vaccination...
24/08/2025

❗️TINGNAN: MGA PARAAN TO ❗️

Ang Tuberculosis o TB ay kayang mapigilan sa pamamagitan ng:
infection control
BCG vaccination sa mga sanggol
Tuberculosis Preventive Treatment o TPT para sa mga close-contacts at high-risk population!

Ang mga ito ay madaling gawin, epektibo at ligtas! Kumonsulta sa pinakamalapit na TB-DOTS para sa libreng testing, gamot, at TPT: bit.ly/TBDOTSFacilities




Alamin ang masamang epekto ng va**ng sa iba’t ibang bahagi ng katawan—mula sa utak, baga, at puso hanggang sa immune sys...
23/08/2025

Alamin ang masamang epekto ng va**ng sa iba’t ibang bahagi ng katawan—mula sa utak, baga, at puso hanggang sa immune system. Protektahan ang iyong kalusugan, iwasan ang v**e!

Baga’y alagaan, isang paalala ngayong 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐋𝐮𝐧𝐠 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡! ⬇️⬇️⬇️

‼️KASO NG HAND FOOT AND MOUTH DISEASE, PITONG BESES NA MAS MATAAS NGAYONG TAON KUMPARA NOONG 2024‼️Sa tala ng DOH as of ...
23/08/2025

‼️KASO NG HAND FOOT AND MOUTH DISEASE, PITONG BESES NA MAS MATAAS NGAYONG TAON KUMPARA NOONG 2024‼️

Sa tala ng DOH as of August 9, 2025, pumalo na sa 37,368 ang kaso ng Hand, Foot and Mouth disease o HFMD – mas mataas ito ng higit pitong beses kumpara sa 5,081 na kaso sa kaparehong panahon noong 2024.

Kalahati sa mga naitalang kaso ay mga batang edad isa hanggang tatlong taong gulang.

Ang HFMD ay isang nakakahawang sakit na pwedeng makuha kung humawak sa mata, ilong, o bibig gamit ang kamay na nahawakan ang bagay na kontaminado ng virus.

Kabilang sa mga sintomas nito ang lagnat, singaw sa bibig, pananakit ng lalamunan, at mga butlig sa palad at talampakan.

Payo ng DOH, sakaling magkaroon ng mga sintomas ang isang bata ay panatilihin muna ito sa bahay nang pito hanggang sampung araw o hanggang sa panahong mawala ang lagnat at matuyo na ang mga sugat.

Mahalaga rin na ihiwalay ang mga kubyertos at iba pang personal na kagamitan ng taong maysakit na HFMD at linisin ang lugar kung saan sila nanatili gamit ang disinfectant.

Facebook Link: https://web.facebook.com/share/p/19Yi86WFNP/





𝐂𝐕𝐌𝐂, 𝐋𝐆𝐔 𝐒𝐚𝐧 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚𝐧𝐨 𝐋𝐚𝐮𝐧𝐜𝐡 𝐅𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲-𝐁𝐚𝐬𝐞𝐝 𝐌𝐢𝐥𝐤-𝐥𝐞𝐭𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐝 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐃𝐫𝐢𝐯𝐞 𝐭𝐨 𝐒𝐭𝐫𝐞𝐧𝐠𝐭𝐡𝐞𝐧 𝐁𝐫𝐞𝐚𝐬𝐭𝐟𝐞𝐞𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐀...
23/08/2025

𝐂𝐕𝐌𝐂, 𝐋𝐆𝐔 𝐒𝐚𝐧 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚𝐧𝐨 𝐋𝐚𝐮𝐧𝐜𝐡 𝐅𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲-𝐁𝐚𝐬𝐞𝐝 𝐌𝐢𝐥𝐤-𝐥𝐞𝐭𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐝 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐃𝐫𝐢𝐯𝐞 𝐭𝐨 𝐒𝐭𝐫𝐞𝐧𝐠𝐭𝐡𝐞𝐧 𝐁𝐫𝐞𝐚𝐬𝐭𝐟𝐞𝐞𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐝𝐯𝐨𝐜𝐚𝐜𝐲

In partnership with the Cagayan Valley Medical Center (CVMC) through its Human Milk Bank, the Municipal Health Office of San Mariano, and the Isabela Provincial Health Office, successfully conducted a Breastmilk Donation Activity with the theme, “Breastmilk ay GINTO: Gatas ay Ibahagi ni Nanay Tungo sa Optimal na Paglaki ni Baby,” on August 19, 2025, in San Mariano, Isabela.

The event marked the first-ever community-based milk-letting activity in the municipality, generating 1,300 mL of breastmilk donations from 32 lactating mothers. A health education session was also held, highlighting the benefits of breastfeeding and the importance of human milk banks in promoting maternal and child health.

The Municipal Health Office of San Mariano affirmed its commitment to sustain the initiative as part of its regular health programs and to support the ongoing efforts of CVMC’s Cagayan Valley Liquid Gold Awards.

Said initiative also formed part of the celebration of National Breastfeeding Awareness Month and World Breastfeeding Week, anchored on the theme “Prioritize Breastfeeding, Create Sustainable Support System.”

LOOK: 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐁𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐃𝐢𝐜𝐚𝐦𝐚𝐲 𝐢𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥𝐢𝐭𝐲 𝐨𝐟 𝐒𝐚𝐧 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚𝐧𝐨 𝐈𝐬𝐚𝐛𝐞𝐥𝐚 𝐜𝐨𝐧𝐝𝐮𝐜𝐭𝐞𝐝 𝐚 𝐁𝐥𝐨𝐨𝐝 𝐃𝐨𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐃𝐫𝐢𝐯𝐞 𝐨𝐧 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭...
23/08/2025

LOOK: 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐁𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐃𝐢𝐜𝐚𝐦𝐚𝐲 𝐢𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥𝐢𝐭𝐲 𝐨𝐟 𝐒𝐚𝐧 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚𝐧𝐨 𝐈𝐬𝐚𝐛𝐞𝐥𝐚 𝐜𝐨𝐧𝐝𝐮𝐜𝐭𝐞𝐝 𝐚 𝐁𝐥𝐨𝐨𝐝 𝐃𝐨𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐃𝐫𝐢𝐯𝐞 𝐨𝐧 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟐𝟎-𝟐𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟓, 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝟑𝟕 𝐝𝐨𝐧𝐨𝐫𝐬 𝐬𝐮𝐜𝐜𝐞𝐬𝐬𝐟𝐮𝐥𝐥𝐲 𝐛𝐥𝐞𝐝, in partnership with the Cagayan Valley Medical Center (CVMC) through its Blood Bank, as part of the ongoing Mobile Blood Donation Activities.

✨ “Protektado ang pamilya, ligtas ang paaralan – sama-sama kontra Dengue!” ✨Isinagawa ng Municipal Health Office – San M...
21/08/2025

✨ “Protektado ang pamilya, ligtas ang paaralan – sama-sama kontra Dengue!” ✨

Isinagawa ng Municipal Health Office – San Mariano ang Dengue Information Drive sa Purok 3, Barangay Gangalan at Luzcon School.

📌 Mga aktibidad:
✅ IEC tungkol sa Dengue at pag-iwas dito
✅ Pamimigay ng treated mosquito nets sa mga kabahayan
✅ Pamimigay ng treated mosquito nets sa mga silid-aralan ng Luzcon School

👨‍👩‍👧‍👦 Layunin nito ang pagpapalakas ng kaalaman ng komunidad at pagbibigay proteksyon laban sa lamok na nagdadala ng sakit.

Panahon na naman ng tag-ulan ☔ kaya mas mabilis dumami ang lamok 🦟 na may dalang dengue! Ipagpatuloy natin ang ating nas...
20/08/2025

Panahon na naman ng tag-ulan ☔ kaya mas mabilis dumami ang lamok 🦟 na may dalang dengue!

Ipagpatuloy natin ang ating nasimulan na 4Ts tuwing Alas Kwatro 🕓: Taob 🪣, Taktak 💧, Tuyo 🌞, Takip 🛢️ — araw-araw gawin para iwas dengue at ligtas ang pamilya 👨‍👩‍👧‍👦!

Tandaan: kung walang lamok, walang dengue.





Vitamin B complex: to take or not to take? 🤔
18/08/2025

Vitamin B complex: to take or not to take? 🤔

Kailangan mo ng space? Sa family planning, pwede ‘yan!✅ Ayon sa World Health Organization, mas mainam kung may pagitan n...
18/08/2025

Kailangan mo ng space? Sa family planning, pwede ‘yan!

✅ Ayon sa World Health Organization, mas mainam kung may pagitan na hindi bababa sa dalawang taon ang bawat pagbubuntis para sa kalusugan ni baby at ni mommy.

🏥 Kumonsulta sa healthcare worker para ibat’ibang uri ng family planning method.

Isang paalala ngayong Family Planning Month.




Address

Barangay Santa Filomena
San Mariano
3332

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Mariano Rural Health Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram