10/27/2022
‼️‼️‼️ BEWARE OF GCASH BUDOL ‼️‼️‼️
Long post ahead, but please read for awareness.
This happened last Monday (October 24, 2022) at around 2pm.
Our pharmacy also caters Gcash cash-in, cash-out, and load. We have had numerous smooth and successful transactions ever since we operated but this is the first, and hopefully the last time we may experience this.
Nung araw na ‘yon, lumabas ako together with my partner Karyl Mendoza Matuguina dahil kailangan namin mag-shop ng stock replenishments namin. Pinasuyo ko muna ang pagbabantay ng store sa partner ng papa ko. According sakanya, itong lalaking ito ay nagtanong kung kami ba ay nagcacash-in at cash-out. Ang una nilang transaction ay cash-in worth 150php na pinasend niya sa 09756884324 (HA***L M.). Ang transaction na ito ay successful kaya ang ginawa niya, pinakita niya ang digital receipt sa lalaki para patunay na nag-push through ang cash-in. Sabi daw ng lalaki ay okay na at nakita na niya ang receipt at magsesend daw ulit siya sa ibang number na worth 200php. Nakadalawang send na siya pero ayaw mag-push thru ng transaction. Pinakita niya yung prompt na: “Sorry, we're unable to process your request. For your protection, we need to take another look at your transaction. You will temporarily be unable to use Send Money at the moment. For us to review your account, please send us a ticket below or by going to GCash > Profile.”
Tinanong niya kung bakit daw ayaw mag-send kaya inulit niya ang pag cash-in. Sinabihan na siya na kapag hindi pa naging successful, hindi na ulit siya magttransact pa. Pinicturan niya yung error prompt dahil isesend niya daw doon sa taong kausap niya dahil online transaction ‘yon.
Nag-request siya na kung pwede daw bang picturan niya yung pinaka unang transaction na 150php. Sabi ng nagbantay na hindi na niya mabibigay yung digital receipt kasi na-close na niya at nakapag-transact na sila ng iba. Inoffer niya yung history sa Gcash at pinakita sa lalaki. Nung nakita niya, ayaw niyang pumayag dahil hindi daw visible doon ang pangalan ng recipient. Pero pinakita pa rin niya para mapicturan ulit as proof na sent naman ang pera. Habang pinapakita niya ang cellphone, kinuha ito ng lalaki para daw “picturan” pero napansin niya na biglang may pinindot ito kaya mabilis niyang binawi yung phone. Ipinaliwanag niya ng maayos sa lalaki ang summary ng buong transaction nila nang biglang may nag-pop up na message sa phone, napansin yon ng lalaki at sinabing gusto niyang makita at picturan ‘yon. Hindi agad siya pumayag at tiningnan muna ang message na na-receive. Nagulat siya dahil “OTP” ang dalawang beses na sinend ng Gcash dahil may bagong device daw na nililink sa account namin. Ang ginawa ng lalaki, pina-picturan niya pa rin ang unang transaction pero pina-zoom in niya dun lang sa part ng pinaka transaction. Sabi ng lalaki, magsend na lang daw siya ulit ng 100php para daw makita niya yung digital receipt. Successful ang transaction, at napicturan naman niya ang digital receipt. After nito, may pangatlo pang OTP na sinend ang Gcash pero buti na lang umalis na ang lalaki dahil siguro napansin niyang hindi niya maloko at malito ang nagbabantay.
Nung nakauwi na ako, kinuwento niya lahat sa’kin at na-realize ko na kaya siya nagpa cash-in nung una ay para makapag-request siya na mapicturan ang messages at makuha ang OTP. Buti na lang alert ang nagbabantay kaya hindi kami nabudol.
Sorry for the long post. I just want everyone to know the story para if ever na mangyari sainyo, aware kayo.
Please share na din para marami pang makabasa at maging alerto.
Thank you!
- Abby Alberto RPh