03/10/2025
"Regression doesn’t erase progress. Ibig sabihin lang, kailangan nilang bumalik sa comfort zone nila para makahanap ulit ng safety at control" 💜
‼️Regression is real sa mga batang may Autism.
At hindi ito dahil tamad sila, pinapabayaan, o hindi tinuturuan. Minsan, may mga bata na dati nagsasalita, nakikipag-eye contact, marunong maglaro o sumunod sa utos—pero biglang humihinto o nawawala ang mga skills na ‘yon. At bilang magulang, masakit at nakaka-frustrate, kasi alam mong kaya na nila dati… pero ngayon, parang bumalik sa simula.
Pero hindi ito kagustuhan ng bata. Hindi rin ito kabiguan ng magulang. May mga dahilan kung bakit nangyayari ang regression—pwedeng dahil sa stress, sensory overload, pagbabago sa routine, sakit, pagod, o simpleng overwhelm na hindi nila kayang sabihin. At ang madalas na hindi alam ng ibang tao, kapag may regression, mas kailangan nila ng support at understanding—hindi pressure, sisi, o panghuhusga.
Regression doesn’t erase progress. Ibig sabihin lang, kailangan nilang bumalik sa comfort zone nila para makahanap ulit ng safety at control. Ang role natin bilang magulang ay hindi sukuan sila, kundi samahan ulit sila sa pagbalik. Kaya kung may nakakakita nito ngayon—tandaan: regression is real, and our kids are not broken. They just need time, patience, and a safe space to rise again.