Municipal Health Office - San Miguel, Bulacan

Municipal Health Office - San Miguel, Bulacan OFFICIAL PAGE
Municipal Health Office of San Miguel, Bulacan
Public Health Services

04/02/2026

Mahalagang Pabatid!

Ipinapaalam po sa lahat na magre-resume na ang serbisyo ng Animal Bite Treatment sa RHU 4 simula bukas February 5 2026.

Ang aming pasilidad ay bukas upang magbigay ng agarang lunas at bakuna para sa mga nakagat o nakalmot ng hayop. Hinihikayat ang lahat na agad magpatingin upang maiwasan ang komplikasyon.

๐Ÿ“ RHU4 animal bite treatment center
๐Ÿ•’ Oras ng serbisyo: 9am to 11am

Maraming salamat po at manatiling ligtas!

Libreng Cervical Cancer ScreeningPetsa: Enero 26, 2025 (Lunes)Oras: 9:00 AM hanggang 12:00 tanghaliLugar: Bagong Barangg...
21/01/2026

Libreng Cervical Cancer Screening

Petsa: Enero 26, 2025 (Lunes)
Oras: 9:00 AM hanggang 12:00 tanghali
Lugar: Bagong Baranggay Hall ng Sibul, San Miguel, Bulacan

Ang iyong kalusugan ay napakahalaga! Pangalagaan ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagdalo sa aming libreng cervical cancer screening. Ang maagang pagtuklas ay nakapagliligtas ng buhayโ€”huwag palampasin ang pagkakataong ito na maprotektahan ang iyong sarili.

Sino ang maaaring lumahok?
Mga kababaihang may edad 30 hanggang 65 taong gulang.
Mga kailangang dalhin:
โ€ข Balidong ID
Mahahalagang paalala bago ang screening:
1. Iwasan ang pakikipagtalik 24 oras bago ang screening.
2. Siguraduhing hindi nireregla sa araw ng screening.
3. Ang mga kababaihang sumailalim na sa TAHBSO o wala nang matres (uterus) ay hindi na kailangang sumailalim sa screening.

Paunawa:
* Limited sa 150 slots only!!!
* Makipag ugnayan sa inyong BHW

Magsimula sa pag-iwas at pangangalaga. Magkaisa tayo sa pagpapalaganap ng kamalayan at paglaban sa cervical cancer!





๐—Ÿ๐—ข๐—–๐—”๐—Ÿ ๐—›๐—˜๐—”๐—Ÿ๐—ง๐—› ๐—•๐—ข๐—”๐—ฅ๐—— ๐— ๐—ข๐—ก๐—ง๐—›๐—Ÿ๐—ฌ ๐— ๐—˜๐—˜๐—ง๐—œ๐—ก๐—š | ๐—๐—”๐—ก๐—จ๐—”๐—ฅ๐—ฌ ๐Ÿญ๐Ÿฏ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒIsinagawa ang Buwanang Pulong ng Local Health Board upang talakayin...
21/01/2026

๐—Ÿ๐—ข๐—–๐—”๐—Ÿ ๐—›๐—˜๐—”๐—Ÿ๐—ง๐—› ๐—•๐—ข๐—”๐—ฅ๐—— ๐— ๐—ข๐—ก๐—ง๐—›๐—Ÿ๐—ฌ ๐— ๐—˜๐—˜๐—ง๐—œ๐—ก๐—š | ๐—๐—”๐—ก๐—จ๐—”๐—ฅ๐—ฌ ๐Ÿญ๐Ÿฏ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Isinagawa ang Buwanang Pulong ng Local Health Board upang talakayin ang mga programang pangkalusugan at mga konkretong hakbang para higit pang mapalakas ang serbisyong medikal para sa mga mamamayan ng bayan ngayong taon.

Dumalo at aktibong nakilahok si Mayor B**g Alvarez sa pulong, bilang pagpapakita ng patuloy na pagbibigay-prayoridad ng Pamahalaang Bayan sa kalusugan at kapakanan ng bawat San Migueleรฑo.

Kasama ng mga kinatawan mula sa sektor ng kalusugan, tinalakay ang maayos na pagpapatupad ng mga programa at ang pagpapahusay ng mga serbisyong pangkalusugan sa bayan ng San Miguel.


**gAlvarez

MUNICIPAL HEALTH OFFICE | GAWAD GALING KALUSUGAN 2025Parangal para sa walang sawang paglilingkod sa kalusugan ng bawat S...
14/01/2026

MUNICIPAL HEALTH OFFICE | GAWAD GALING KALUSUGAN 2025

Parangal para sa walang sawang paglilingkod sa kalusugan ng bawat San Migueleรฑo.

Kahapon po Enero 14,2026 ay ginanap sa Hiyas Convention Center, Malolos, Bulacan ang Awarding Ceremony ng Gawad Galing Kalusugan. Ang ating probinsya po ay lubos na kinikilala ang kagalingan ng ating mga manggagawa sa kalusugan dahil sa kanilang taos pusong dedikasyon sa paglilingkod at sa kanilang tawag ng kanilang tungkulin.

Sa pamumuno at patnubay ng ating Punong Bayan, Igg. John Alvarez, ng ating Ikalawang Punong Bayan, Igg. Gerome DC. Reyes, ipinagmamalaki po ng Municipal Health Office sa pangunguna ng aming Municipal Health Officer, Dr. Hamir Chin-Hechanova ang mga parangal na ating nakamit.

MGA PARANGAL:

* Municipality of San Miguel - LGU Health Scorecard Green Achiever 2023

* Gawad Galing Kalusugan 2025 Municipality of San Miguel - RHU I - Outstanding Second Finalist Rural Health Unit

* Gawad Galing Kalusugan 2025 Municipality of San Miguel - Perla T. Domingo - Outstanding Second Finalist Municipal Medical Technologist

Ang bawat parangal po na ito ay inaalay din po namin sa mamayan ng bayan ng San Miguel at asahan pa po ninyo ang patuloy na tapat at makataong serbisyong pangkalusugan.

Muli, kami po ay saludo sa bawat manggagawa ng kalusugan mayroon mang parangal o wala. Sa sama-samang pagkilos patuloy nating itataguyod ang kalusugan para sa lahat.


MEGA BLOOD DONATION SA SAN MIGUELDaan-daang San Migueleรฑo ang nakiisa at kusang-loob na naghandog ng dugo sa isinagawang...
09/12/2025

MEGA BLOOD DONATION SA SAN MIGUEL

Daan-daang San Migueleรฑo ang nakiisa at kusang-loob na naghandog ng dugo sa isinagawang Mega Blood Donation noong nakaraang Lunes sa pangunguna ng Municipal Health Office.

Layon ng aktibidad na palakasin ang local blood supply at mapalawig ang kampanya ng bayan para sa voluntary blood donation.

Naging maayos at organisado ang proseso sa tulong ng health workers, volunteers, at mga katuwang na ahensya.

Pinuri ni Mayor B**g ang lahat ng donors, at binigyang-diin na ang bawat patak ng dugong ibinigay ay maaaring maging pag-asa at bagong buhay para sa kapwa.

Patuloy na hinihikayat ang publiko na suportahan ang mga susunod pang blood donation activities ng Pamahalaang Bayan ng San Miguel.


**gAlvarez

๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐— ๐—ถ๐—ด๐˜‚๐—ฒ๐—น ๐—Ÿ๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐—ฐ๐—ต๐—ฒ๐˜€ ๐—–๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐—น ๐—–๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ ๐—˜๐—น๐—ถ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐——๐—ฎ๐˜†; ๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—š๐—ถ๐—ฟ๐—น๐˜€ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฐ๐—ฒ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—™๐—ฟ๐—ฒ๐—ฒ ๐—›๐—ฃ๐—ฉ ๐—ฉ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฐ๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜€Pinangunahan ng Municipal Heal...
09/12/2025

๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐— ๐—ถ๐—ด๐˜‚๐—ฒ๐—น ๐—Ÿ๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐—ฐ๐—ต๐—ฒ๐˜€ ๐—–๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐—น ๐—–๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ ๐—˜๐—น๐—ถ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐——๐—ฎ๐˜†; ๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—š๐—ถ๐—ฟ๐—น๐˜€ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฐ๐—ฒ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—™๐—ฟ๐—ฒ๐—ฒ ๐—›๐—ฃ๐—ฉ ๐—ฉ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฐ๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜€

Pinangunahan ng Municipal Health Office (MHO) ang San Miguel Shield: Cervical Cancer Elimination Day of Action ngayong Lunes, Nobyembre 24, bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng Pamahalaang Bayan kontra cervical cancer at iba pang sakit na maiiwasan sa pamamagitan ng bakuna.

Sa naturang aktibidad, nagkaroon ng maikling seminar hinggil sa cervical cancer, mga sintomas nito, at ang kahalagahan ng HPV vaccine bilang pangunahing proteksiyon. Kasabay ng seminar ay ang aktwal na pagbibigay ng HPV vaccination sa mga kabataang babae bilang bahagi ng preventive health program ng bayan.

Patuloy na hinihikayat ng MHO ang mga magulang na suportahan ang HPV immunization upang maprotektahan ang kanilang mga anak laban sa cervical cancer.


**gAlvarez

๐‡๐€๐๐๐„๐๐ˆ๐๐† ๐๐Ž๐–: ๐Œ๐„๐†๐€ ๐๐‹๐Ž๐Ž๐ƒ ๐ƒ๐Ž๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐ƒ๐‘๐ˆ๐•๐„Kasalukuyang isinasagawa ang Mega Blood Donation sa pangunguna ng Municipal Heal...
04/12/2025

๐‡๐€๐๐๐„๐๐ˆ๐๐† ๐๐Ž๐–: ๐Œ๐„๐†๐€ ๐๐‹๐Ž๐Ž๐ƒ ๐ƒ๐Ž๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐ƒ๐‘๐ˆ๐•๐„

Kasalukuyang isinasagawa ang Mega Blood Donation sa pangunguna ng Municipal Health Office sa Ricardo C. Silverio Sr. Multipurpose Gymnasium.

Inaanyayahan pa namin ang mga nais mag-donate ng dugoโ€”tara na at makiisa!


**gAlvarez

๐ŸฉธMUNICIPAL HEALTH OFFICE | MEGA BLOOD DONATION DRIVEMga minamahal naming San Migueleรฑo, panahon na naman upang ipakita a...
01/12/2025

๐ŸฉธMUNICIPAL HEALTH OFFICE | MEGA BLOOD DONATION DRIVE

Mga minamahal naming San Migueleรฑo, panahon na naman upang ipakita ang ating malasakit at pagmamahal sa kapwa! โค๏ธ

Sa pangunguna ng ating Municipal Health Officer na si Dr. Hamir Chin-Hechanova, katuwang ang mga masisipag na Rural Health Physicians, at sa ilalim ng patnubay at gabay ng butihing Mayor Igg. John A. Alvarez at Vice Mayor Igg. Gerome DC. Reyes, inaanyayahan po namin kayo na makiisa sa 2ND MEGA BLOOD DONATION DRIVE na gaganapin sa:

๐Ÿ“… December 04, 2025 (THURSDAY)
๐Ÿ•˜ 9:00 AM โ€“ 3:00 PM
๐Ÿ“ Ricardo Silverio Sr. Multi-Purpose Center (New Gymnasium), Poblacion, San Miguel, Bulacan

Layunin ng programang ito na maghatid ng tulong at pag-asa sa ating mga kababayan na kasalukuyang nangangailanganโ€”o maaaring mangailanganโ€”ng dugo sa hinaharap.

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng maglalaan ng oras upang mag-donate ng dugo, gayundin sa suporta ng ating mga Kapitan, Konsehal on Health, at Barangay Health Workers (BHWs) na patuloy na katuwang ng Municipal Health Office sa mga programa at kampanya para sa mas malusog na San Miguel.

Isang taos-pusong pasasalamat din po sa Bulacan Provincial Blood Center para sa tulong at mahusay na koordinasyon upang maisakatuparan ang gawaing ito.

๐Ÿ’‰ Anuman ang iyong blood type, tandaan โ€” ang dugo mo ay maaaring magligtas ng buhay! Kaya tara na, San Migueleรฑo โ€” magkita-kita tayo at sabay-sabay tayong bumuo ng isang mas malusog, mas matatag, at mas mapagmalasakit na komunidad.



๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ฟ ๐—•๐—ผ๐—ป๐—ด, ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—•๐—›๐—ช ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐Ÿฐ๐Ÿต ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†Nagkaroon ng pagkakataon si Mayor John โ€œB**gโ€ Alvarez na makasama an...
17/11/2025

๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ฟ ๐—•๐—ผ๐—ป๐—ด, ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—•๐—›๐—ช ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐Ÿฐ๐Ÿต ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†

Nagkaroon ng pagkakataon si Mayor John โ€œB**gโ€ Alvarez na makasama ang lahat ng Barangay Health Workers (BHWs) mula sa 49 barangay ng San Miguel sa isang pagtitipong isinagawa bilang bahagi ng quarterly allowance o honoraria na ibinibigay ng Pamahalaang Bayan bilang pagkilala sa mahalagang serbisyo ng mga BHW.

Pinasalamatan ni Mayor B**g ang dedikasyon at malasakit ng mga BHW, na aniyaโ€™y โ€œfrontlinersโ€ pagdating sa kalusugan ng bawat San Migueleรฑo.


**gAlvarez

๐ŸฉธMUNICIPAL HEALTH OFFICE | MEGA BLOOD DONATION DRIVEMga minamahal naming San Migueleรฑo, panahon na naman upang ipakita a...
18/10/2025

๐ŸฉธMUNICIPAL HEALTH OFFICE | MEGA BLOOD DONATION DRIVE

Mga minamahal naming San Migueleรฑo, panahon na naman upang ipakita ang ating malasakit at pagmamahal sa kapwa! โค๏ธ

Sa pangunguna ng ating Municipal Health Officer na si Dr. Hamir Chin-Hechanova, katuwang ang mga masisipag na Rural Health Physicians, at sa ilalim ng patnubay at gabay ng butihing Mayor Igg. John A. Alvarez at Vice Mayor Igg. Gerome DC. Reyes, inaanyayahan po namin kayo na makiisa sa MEGA BLOOD DONATION DRIVE na gaganapin sa:
๐Ÿ“… October 20, 2025 (MONDAY)
๐Ÿ•˜ 9:00 AM โ€“ 3:00 PM
๐Ÿ“ Ricardo Silverio Sr. Multi-Purpose Center (New Gymnasium), Poblacion, San Miguel, Bulacan

Layunin ng programang ito na maghatid ng tulong at pag-asa sa ating mga kababayan na kasalukuyang nangangailanganโ€”o maaaring mangailanganโ€”ng dugo sa hinaharap.

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng maglalaan ng oras upang mag-donate ng dugo, gayundin sa suporta ng ating mga Kapitan, Konsehal on Health, at Barangay Health Workers (BHWs) na patuloy na katuwang ng Municipal Health Office sa mga programa at kampanya para sa mas malusog na San Miguel.

Isang taos-pusong pasasalamat din po sa Bulacan Provincial Blood Center para sa tulong at mahusay na koordinasyon upang maisakatuparan ang gawaing ito.

๐Ÿ’‰ Anuman ang iyong blood type, tandaan โ€” ang dugo mo ay maaaring magligtas ng buhay! Kaya tara na, San Migueleรฑo โ€” magkita-kita tayo at sabay-sabay tayong bumuo ng isang mas malusog, mas matatag, at mas mapagmalasakit na komunidad.



Address

San Miguel
3011

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Health Office - San Miguel, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram