17/10/2021
BAKIT NAGKAKAROON NG BOSYO?
Ang goiter ay isang karamdamang nagreresulta sa pamamaga ng thyroid gand.Ito ay hugis-paru-paro na nasa may bandang lalamunan. Dahil mayroong pamamaga, lumalaki ang leeg ngisang tao at maaari siyang makaramdam ng hirap sa paglunok at paghinga. Naninikip ang kaniyang lalamunan. Ang karamdaman na ito ay puwede namang mawala sa loob lamang ng isang linggo.
Gayun pa man, kahit pa maaarang tumagal ng isang linggo lamang ang goiter, puwede rin naman itong maging sintomas ng isang malalang sakit. Kaya naman importanteng malaman ang mga paraan kung paano mapagaling ang goiter. Mainam ding magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin para makaiwas sa naturang sakit. Higit sa lahat, para sa pinaka-ligas na pamamaraan, pinakamabuting ma-diskubre ang pinaka-mabisang halamang gamot sa goiter.
Ang thyroid gland ng tao ay gumagawa ng thyroid hormones na kailangan ng katawan. Ang tao ay maaaring magkaroon ng ibaโt ibang klase ng goiter o bosyo depende kung mayroong mga sintomas na dala ng sobra (o kulang) sa paggawa ng thyroid hormones ; at kung ang paglaki nito ay may bukol (o wala). Kung sobrang thyroid hormones ang ginagawa, ang tawag dito ay โhyperthyroidismโ, at kung kulang naman ay โhypothyroidismโ.
Sa pagkakaroon ng goiter , patuloy pa ring nagtatrabaho ang thyroid gland ng tao โ maaaring sapat pa rin ang dami ng nailalabas nitong hormones nguniโt kapos o labis sa nagagawang thyroxine at triiodotyronine. Ang dalawang hormones na ito ay umaagos sa daluyan ng dugo at mahalagang kasangkapan sa pagregula ng metabolism ng katawan. Kailangan din sila upang mapanatiling wasto ang paggamit ng katawan ng fats at carbohydrates. Nasa tama ang temperature ng katawan, at normal ang pagtibok ng puso. Maliban dito, may iba pang maaaring dahilan sa pagkakaroon ng goiter ng isang tao.
Posibleng maiwasan ang pagkakaroon ng sakit na ito. Mahalaga ang pagkakaroon ng nga sapat na nutrient sa ating katawan na siya namang makukuha sa ating mga kinakain. Kabilang sa mga nutrients na magandang panlaban sa sakit na goiter ay ang iodine, tyrosine, at antioxidants. Napatunayan na ng mga pag-aaral na ang pangunahing sanhi ng goiter sa mga indibidwal ay ang kakulangan ng iodine sa katawan. Ito ay epekto ng overproduction o di naman kaya ay underproduction ng thyroid hormones na pino-produce ng thyroid glands.
Maging alerto sa mga posibleng maging senyales ng goiter:
- Paglaki ng leeg
- Pagsikip ng lalamunan
- Hirap sa paghinga
- Hirap sa paglunok
- Pag-ubo
- Pamamaos
Mahalagang tandaan na ang mga senyales na nabanggit rito ay ilan lamang sa mga common na signs ng goiter. Makabubuti pa rin ang regular na pag-konsulta sa doktor o di naman kaya ay sa isang endocronologist para sa mas accurate na payo. Ganunpaman, mahalaga na malaman natin kung ano nga ba talaga ang nagiging sanhi ng kondisyon na ito.
Maraming bagay na nagre-resulta sa paglaki ng thyroid gland at narito ang mga pinaka-common:
Kakulangan sa Iodine o Iodine Deficiency
Malaki ang papel ng iodine sa production ng thyroid hormones sa ating katawan. Kadalasan ay ang mga seafood gaya ng shell, isda, at maging asin ang source nito. Dapat maging alerto sa hormone-inhibiting food gaya ng repolyo, brocolli, at cauliflower ang mga mayroong iodine deficiency.