Team Anna Dreame

Team Anna Dreame We're TEAM ANNA! We're not perfect but we're dedicated to bring you the best novels out there. So if you're looking for a great book to dive into. Join Us!

We're always learning and growing and we love sharing our passion for reading with you.

Available to read on Goodnovel Revenge 👇👇👇📚 Isla Ferrer: Unspoken Wife by SPLENDID Taguan ng identity👇👇👇👇 📚 The Billiona...
04/07/2025

Available to read on Goodnovel

Revenge 👇👇👇
📚 Isla Ferrer: Unspoken Wife by SPLENDID

Taguan ng identity👇👇👇👇
📚 The Billionaire's Luckiest Wife by LuckyRose25

Thank you admin 🥰
Thank you readers ☺️

Big shout out to our newest top fans! 💎 Ronie Catmco Tampus, JP Tapiru, Rahima Sapitula, April Yacud Ollitsac Cotap, Don...
01/07/2025

Big shout out to our newest top fans! 💎 Ronie Catmco Tampus, JP Tapiru, Rahima Sapitula, April Yacud Ollitsac Cotap, Donila Rose Tindoc Ancheta, Nhicole Isap, Jay Anne Cariño, Jenefer Sanico, Cj Zai, Jean Carmona Plasencia, Rehza Urbino - Petalco, Ib-ib Elma, Claire Ann Magbanua Fabic, Josephine Carreon Calites, Jay Ann Misole Candia, Pinky Kamid, Gyne Yhu Tamayo, Bernadeth Cañete, Sarha E Sialsa, Jane Dula Arciga, Mary Joy Diaz Bana, Cyrel Calubad Porcincula, Jensky Montesino, Ash Demy Ademy Aviles, Daisy Aguilar, Rose Marie Betsayda, Sherrylou Tagnipez, Aljon Jover, Bella Velle, Detecio Borjal Leizel, Nalyn Magbata, Vicky Biasca, Andrea Torres, Anna Dreame, Rashtie Abduraja, Kathryn Banico, Anna Cecil Cabucayan, Marialee Villacura, Gatz Pelayo, Ma Zeny Leonico Lalangan, JenIfer Busaing Lumacang, Ella Balontong Labios

Drop a comment to welcome them to our community,

Thank you everyone 🙂

Labis na kinamumuhian ni Seraphine si Ezekiel na kaniyang fiancée dahil hindi niya magawang makasama ang kaniyang minama...
26/06/2025

Labis na kinamumuhian ni Seraphine si Ezekiel na kaniyang fiancée dahil hindi niya magawang makasama ang kaniyang minamahal na si Caleb dahil dito pero sa kabila ng galit niya ay patuloy pa rin si Ezekiel sa pagmamahal sa kaniya, tinanggap siya ni Ezekiel kahit alam nitong may ibang laman ang puso ni Seraphine hanggang sa napilitang magpakasal si Seraphina rito.

Sa gabi ng honeymoon ay tumakas si Seraphine kasama si Caleb upang magtanan at tuluyang iniwan si Ezekiel pero hindi lubos akalain ni Seraphine na isang malaking pagkak**ali ang ginawa niya.

Lumipas ang 1 taon ay tuluyang nagbago si Caleb, nalaman ni Seraphine na ginamit lang pala siya ni Caleb at ibinenta sa isang club upang pambayad utang. Labis na nasaktan si Seraphine sa ginawa sa kaniya ng nobyo at nagulat ng biglang dumating si Ezekiel sa club upang bilhin siya.

Pero paano kung malaman niyang ang dating Ezekiel na nagmamahal sa kaniya, marespeto, at hindi siya kayang saktan ay nabago na kung di isang lalaking walang puso at binili lang siya upang gawing isang s*x slave...

Mababasa po sa Dreame and Yugto.

Thank you 😊😊

26/06/2025

📚 ANG BILYONARYONG KARGADOR
🖊️ Rosenav91

CHAPTER 05

Tinulungan ko si lola Remediosa na bumaba ng sasakyan. Dahil may katandaan na kaya meron na siyang hawak na baston.

“Salamat apo, ang bait mo naman na bata." Aniya kaya napangiti ako.

“Hindi po ako mabait Lola, depende po iyon sa nakakasalamuha ko at dahil mabait po kayo kaya mabait din po ako sa inyo at kay Yaya at kuya Saimon,” saad ko sa kanya kaya narinig ko siyang tumawa.

“Good job iyan apo, huwag kang magpapaaapi at mas lalo mong gagalingan kapag may nang-iinsulto sa'yo at nanakit sayo. Nariyan naman si kuya Saimon mo.” Aniya kaya tinandaan ko ang mga habilin ni Lola sa akin.

Pumasok kami sa isang bahay na naroon, may mga bahay din kaming nakikita sa bawat kalye at may nakita nga akong mga bata na panay tingin sa amin at kumakaway pa ang iba, ganito raw kasi sa kanilang lugar, kapag may bagong dating na galing sa ibang bansa o Manila ay akala nila artista ka kahit hindi naman.

Pinakilala ako ni Lola sa mga k**ag-anak niya at akala ko saglit lang ako sa lugar nila pero hindi ko napansin na napatagal ako ng uwi dahil nanatili pa ako sa bahay ni Lola Remediosa na kung saan naroon nga ang kanyang apo sa tuhod.

“Hi baby!" Nakita ko kung paano kumukurap ang kanyang maliit na mukha at natutuwang nakatingin sa akin habang gumagalaw ang kanyang mga paa at k**ay. “Gusto yatang magpakarga sa akin Manang Che." Tukoy ko sa ina ng bata. Yung asawa ni manang ay nasa prutasan daw sa lupa na tinutuluyan namin at tumutulong sa paghaharvest ng mga prutas ngayong araw para maideliver na sa kabilang bayan.

Kaya mamaya na ako magpaalam na uuwi dahil naaaliw pa ako sa bata. Malakas itong napahagikhik ng tawa dahil sa nilalaro ko pa ng bulagaan.

“Aba! Ang apo ko na iyan, kanina pa tumatawa, aliw na aliw sa kanyang bagong tita." Napangiti ako kay Lola Remediosa habang may dalang gulay para lulutuin.

"Kaya nga Lola, kanina pa itong bata na ito. Naaaliw nga ako na makita siyang ganyan. Kagabi, iyak ng iyak pero ngayon, simula na dumating kayo ay ayaw pang matulog, lalo at nandito si Sunny Flor.”

"Nararamdaman niya siguro na paalis na ang kanyang bisita kaya ayaw na munang matulog, ang baby boy na iyan, ang baby pa, alam ng tumingin ha,” saad ni Lola kaya napangiti na lang kami ni manang Che. “Tingnan mo may pa holding hands pa na parang ayaw bitawan ang k**ay ng dalaga namin." Dagdag pa niya.

Dahil naaaliw ako sa bata kaya hindi na muna kami umuwi sa malaking bahay ni kuya Saimon. Doon na rin ako kumain ng tanghalian at sa buong buhay ko ay ngayon lang ako kumakain ng kanilang lutong-bahay at so far nagustuhan ko naman ang lasa, lalo ang malunggay sa may gata. Meron ding isdang prito at porkchop kaya busog na busog ako.

Pagkatapos naming kumain ay balik kulitan na naman kami ng kanilang anak ni manang Che na si Briar ang pangalan, ang sarap kasing dalhin sa bahay para doon na sila manirahan pero ayaw nila, hindi sanay ang bata sa malaking tahanan kundi maliit lamang kaya wala silang magawa kundi ang ibalik na lamang dito at naging maayos naman. Namimili pala ng lugar ang batang ito. Alam niya siguro na hindi nila pagmamay-ari ang tinutulugan niya na kabilang bahay kaya ayaw doon, ang talino naman ng batang ito.

Alas dos ng hapon na bumiyahe kami ni Kuya Saimon, mamayang gabi pa sana balak ko na umuwi pero ayoko namang maiwan ng mag-isa lang si Yaya sa bahay lalo at first niya rin na nakapunta sa probinsya. Baka malungkot iyon. Babalik na lang ako sa bahay ni Lola Remediosa kung namimiss ko sila lalo si baby Briar.

Binaba ko ang bintana ng sasakyan para makalanghap ng sariwang hangin. Hindi naman ito masyadong city na puro usok ng sasakyan ang malalanghap ko.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko at agad ko itong kinuha sa maliit ko na sling bag na dala at sinagot.

“Hi lolo! Kumusta po?" Bungad ko sa kanya. Namimiss ko na naman ang lolo ko. Binuksan ko ang camera para makita siya.

“Apo? Maayos naman ako, huwag kang mag-alala sa akin, ikaw diyan kumusta ang unang araw mo?” Masayang tanong ni lolo habang ka video call ko siya. Nasa library ito at may hawak na naman na ballpen sa kanyang kanang k**ay. Sobrang busy naman ng lolo ko.

"Ito lolo, nag-aadjust pa po sa pinagdalhan niyo sa akin. Sana umabot po ako rito ng one week lolo,” ani ko.

"Sa tingin ko aabot ka riyan ng one year.”

"Lolo naman!”

"Tiwala lang apo, tiwala lang, okay? I miss you so much. Kapag wala ng masyadong mga trabaho dito sa Maynila ay baka bibisitahin kita ryan kaya huwag kang mag-alala. Anyway, malapit na ang pasukan niyo, para hindi ka manibago sa lugar, pwede kang magpasama sayong Yaya and kuya Saimon para bisitahin ang bagong university mo.” Wika ni lolo kaya ngumuso ako. I hate school pa naman dahil marami akong bully na classmates o schoolmate man yan dati and I hope wala na ngayon dahil bago na naman ang school ko.

“Sige po lolo, and don't forget to buy me more school supplies po. Okay?”

" Alright, apo. Ikaw pa ba. Just let me know kung ano pa ba ang bibilhin ko para sayo,” aniya kaya mas lumapad lalo ang ngiti ko. Si lolo talaga lagi akong sinispoil.

“Thank you lolo, the best ka talaga. I love you po.”

"I love you din apo, don't forget to take your medicine after your meal, okay?” Paalala niya.

“Always po lolo, dala-dala ko po s'ya lagi, nasa bag ko ngayon po, pauwi pa lang kami ni kuya Saimon, galing kami sa kabilang-bayan, hinatid namin si Lola Remediosa and I'm having fun with their apo lolo, sobrang cute po." Sumbong ko sa kanya.

“Really? That's good to hear apo at nagkaroon ka na ng bagong kaibigan diyan pero habilin lagin ng lolo ha, huwag sumama sa hindi mo pa masyadong ka kilala lalo kapag lalaki. Okay?"

“Yes lolo, thank you po sa paalala." Saad ko at ilang minuto na pag-uusap ay nagpaalam na ito sa akin dahil may asikasuhin.

Malapit na kami sa malaking bahay na natatanaw ko na ang sinasabi nila na tauhan para kumuha ng mga prutas para ibenta sa bayan.

Pagkatapos ma park ni kuya ang sasakyan sa garage ay bumaba na rin ako. “Punta muna ako roon kuya, hihingi po ako ng prutas." Sambit ko at lumingon si kuya sa tinuro ko.

“Sige, iha. Balik ka agad pagkatapos mo."

“Okay po. Salamat, p**isabi kay Yaya Bebang na saglit lang po ako.” Ani ko at lumabas na ako ng gate habang binabagtas ang daan patungo sa mahigpit sampung tao mapababae man o lalaki yata sila na naroon para tumulong sa pagharvest ng prutas.

Bigla tuloy akong nagsisisi kung bakit ako lumapit na wala si Yaya dahil napahinto ang iba sa kanilang ginagawa habang nakatingin sa akin. Baka aawayin nila ako?

“Hello po," bati ko sa kanila.

“Hala! Artista ka ineng?" Napangiti na lang ako dahil sa sinabi ng ginang. Umiling ako bago sumagot.

“Hindi po, nagbabakasyon lang po ako rito.” Sabay silang tumango dahil siguro may alam na sila.

“Ang ganda mo naman. Anong ginagawa mo rito?"

“Thank you po, maganda rin po kayo, sabi ni kuya Saimon na pwede raw po makahingi ng prutas dito. Gusto ko po sanang makahingi, yung galing mismo sa puno. Yung bagong pitas po." Sabi ko sa kanila habang naglalagay ng mga mangga sa sako.

“Ang lahat ng bagay ay dapat pinaghirapan at kung gusto mong makuha ang isang bagay ay dapat paghirapan mo itong kunin.” Nagulat ako na may biglang nagsalita sa likuran ko kaya agad akong lumingon para makita kung sino ito at kung ako ba ang sinasabihan ng boses lalaki na narinig ko.

Tumaas ang kilay ko sa isang binata at sa pagtitig sa kanya ay nakilala ko siya sa mukha. Ito ‘yung lalaking nakasakay kaninang umaga sa kanyang kabayo.

Nakatopless ito at may nakalagay lang na damit sa kanyang balikat.

“Well, pasensya ka na, hindi ako marunong umakyat." Katwiran ko.

“Then gumamit ka panungkit, easy," masama ang ipinukol ko na tingin sa kanya. Malay ko ba naman ano ang ginagamit pagkuha.

“I don't know how to use it either." Pagdadahilan ko pa.

“Eh di magpaturo ka!" Bumuga ako ng hangin, naiinis ako sa lalaking ito. Pwede naman siyang kumuha ng prutas at ibigay sa akin ng kusa or else turuan niya na ako agad kaysa ganyan pa siya nakipag-usap sa kin. Akala mo naman gwapo, nakataas naman ang kanyang kulot na buhok na kulay brown. Tsk.

“Eh, di turuan mo ako!" Pagmamaldita ko habang nakapamewang.

“Lance, bagong dating lang iyan galing sa Maynila at baka walang alam gaya ng ganito kaya intindihin mo na lang at baka mag-aaway pa kayo niyan. Iha, pasensya ka na. Marami naman dito na napitas na, pwede ka namang pumili." Ani ni manang Susa, iyon ang binanggit niya kanina na pangalan.

“Pero gusto ko po ang bagong pitas galing sa tree po."

“Ang arte, pareho lang naman sila." Narinig kong sabi ng lalaki.

“Eh sa gusto ko, p**i mo ba!" Galit ko na sagot habang nakapamewang. Mukhang masisira yata ang hapon ko sa lalaking ito, samantalang ang saya-saya ko sa apo ni Lola Remediosa kaninang umaga tapos ngayon… grrr.

“Kakapitas lang iyan, huwag kang mag-alala, nariyan pa ang vitamins kung iyan ang pinoproblema mo."

“Ako na po ang magtuturo sa ‘yo, Miss. Madali lang naman." Sambit ng lalaking kakalapit lang sa gawi namin. Ngumiti ako sa kanya, buti pa ito approaching at wala pang problema. Walang reklamo tulad ng isa riyan kung makatingin sa amin, gusto akong suntukin.

“Thank you ha! Gusto ko rin malaman kung paano gawin o kumuha ng prutas galing sa puno, medyo malayo na kasi sila oh, dahil napitas na itong mga nasa ilalim." Sabi ko at nakita ko kung paano namula ang pisngi niya at napakamot sa kanyang batok.

“A– walang anuman Miss. Ano pala pangalan mo? Ako si Norman.” Pakilala n'ya kaya ngumiti ako.

"Tawagan mo na lang ako sa pangalang Sunny.”

"Wow, ang ganda naman ng pangalan mo.”

" Thank you!”

"Parekoy, pahiram ng panungkit mo. Umuwi na kasi si Oliver kaya wala akong
panungkit.” Paalam niya sa kanyang kaibigan o sa masungit na Kargador.

Kargador kasi may nakalagay na sako sa kanyang balikat na may laman na mangga. Kaya ang tawag ko sa kanya ay masungit na Kargador.

Lumingon siya sa amin, umirap naman ako at agad umiwas ng tingin sa kanya.

“Ten second lang dahil uuwi na ako at dadalhin ko iyan." Aniya.

“Hala! Ang bilis naman parekoy. Pwede ten minutes, kahit isa na prutas okay lang ba sayo, Miss?” Tanong ni Oliver sa akin.

“Okay lang, gusto ko lang malaman kung paano iyan gagamitin at magpapabili na lang ako kay kuya ng ganyang panungkit.” Sabi ko kaya namula na naman ang mukha niyang tumango.

Kukunin na sana ni Oliver ang panungkit sa k**ay ng masungit na Kargador na agad naman niyang binigay ang dala nitong sako sa kaibigan at itinuro ang sasakyan. Walang magawa si Oliver kundi sundin ang inutos ng lalaki sa kanya. Ang ibang manggagawa ay parang wala lang sa kanila dahil siguro nasanay na lang sa ugali o dahil malapit ng maggabi.

Dala ang kanyang panungkit na mahaba ay lumapit ang masungit na Kargador at matalim itong makatingin sa akin.

“Ako na ang magtuturo sa'yo at baka masira na naman ng gago na yan ang panungkit ko tulad ng dati," aniya kaya dahan-dahan na lang akong tumango sa kanya para hindi na mahaba ang usapan.

Sumunod ako sa kanya maglakad patungo sa isang puno ng mangga. Nakaantabay lang ako sa susunod niyang ipapagawa o ipapautos.

Baka mamaya, sa akin pa ito magalit, hirap na at pagod na yata ito sa kakabuhat ng sako ng manga. Tapos dumagdag pa ako kahit hindi ko naman sinabi sa kanya na tulungan niya ako. Okay na sana ako kay Oliver magpaturo dahil mas mabait pa iyong kausap kaysa sa lalaking nasa unahan ko at nakatalikod habang walang suot pang itaas. Nakita ko tuloy ang anim niya na abs kanina. Tsk.


Dear readers

Promotion lang po ito. Mababasa niyo po ang buong story sa Dreame and Yugto app

(Do not copy or repost ❎)
Do comments, like and share ✅




Here's the link

https://m.yugtofiction.com/novel/1123572480?auto_jump=false&link_type=1&utm_campaign=app_share_copyLink&utm_source=sns_tl_apppromo&directedId=1123572480

Title: The Billionaire's BedwarmerAuthor: Georgina Lee‼️WARNING⚠️⚠️⚠️ MATURE S~XUAL CONTENTS, VIOLENCE, EXTREME EXPLICÍT...
23/06/2025

Title: The Billionaire's Bedwarmer
Author: Georgina Lee

‼️WARNING⚠️⚠️⚠️ MATURE S~XUAL CONTENTS, VIOLENCE, EXTREME EXPLICÍT WORDS ARE PRESENT IN THE STORY. (Paalala: Ang storyang ito ay mapanakit mula umpisa hanggang sa kasalukuyang chapter. Kung hindi matibay ang loob, please wag basahin.)

He loved her too dearly but she cheated on him. He gave her his heart but she broke it into pieces. He begged and kneeled but she still chose to hurt him. Now he wanted revenge, can she handle the punishment?

Dahil sa kanyang ina na may malalang karamdaman, napilitan si Vivoree Escalante na tanggapin ang alok na maging paraúsan ng lalaking minsan niyang inibig noon pero pinili niyang saktan—si Tristan Miller Liu.

Sa muli nilang paglalapit, tinanggap niya lahat ng pang-iinsulto at pang-aalipusta ng lalaki. Pero sa kabila ng lahat, alam niya sa sarili niyang may puwang parin ito sa puso niya.

Ito na kaya ang magsisilbing daan para mabuksan ang kanilang nakaraan at magkapatawaran? O magiging mitsa ang kasalukuyang pangyayari para kamuhian din niya ang lalaki?

📌READ FULL VERSION ON: https://www.facebook.com/share/1FtUqumMRp/

22/06/2025

📚Ang Bilyonaryong Kargador
🖊️ Rosenav91

CHAPTER 03

Agad akong lumabas sa sasakyan pagkarating sa bahay na tinutukoy nina Yaya Bebang at kuya Saimon. Malawak na garden at ayon sa nakikita ko ay maraming pananim o mga puno na naroon, meron pa akong nakita na malapit ng ma hinog na prutas, kagaya na lang ng mga papaya, mangga at strawberries. Meron din akong nakikita na ibang bunga ng puno o prutas na bago lang sa paningin ko.

“Wow!" Tanging nasabi ko. Malawak na garden at fresh na hangin, pasado na ito sa akin. Marami rin akong nakikitang mga bulaklak.

“Nagustuhan mo ba, iha?" Tanong ni Yaya sa akin. Ngumiti ako para hindi sila mag-alala sa akin. Hindi naman ako mapili, depende lamang.

“Hmmm, hindi na masama dahil may mga ganito dito sa probinsya Yaya Bebang, pero yung tanong mo kung nagustuhan ko? I don't know, ngayon palang tayo dumating kaya hindi pa ako sure kung oo o hindi ba ang sagot ko but, let's see po sa mga susunod na araw at sana tama nga kayo ni kuya na magugustuhan ko rito, sana lang." Saad ko.

Binaba na ni kuya Saimon at Yaya Bebang ang mga kagamitan namin, tumulong na rin ako at ang dinala ko ay ang backpack ko na kulay black at ang malaking teddy bear ko, hindi kasi ako makakatulog sa gabi kapag walang kayakap na malaking teddy bear kaya dinala ko na kaysa bumili pa ako ng bago.

Naglakad pa kami patungo sa hindi naman mala mansion na bahay, walang gate at talagang nag-iisa lang ang bahay na narito.

“Hindi po ba nakakatakot dito? Kasi po parang ito lang po ang bahay, nasaan ang iba?" Wala sa sarili ko na tanong habang binabagtas namin ang daan.

“Medyo malayo ang mga kabahayan dito ma’am dahil itong lupa na sakop dito ay isa lang ang nagmamay-ari, kaya bawal po na may ibang magpapatayo ng bahay na malapit dito." Paliwanag ni kuya Saimon sa akin.

"Ganoon po ba? Boring naman kung wala talagang mga bahay dito po, paano kung busy kayo at gusto ko na may kausap? Alangan naman pong kakausapin ko ang mga puno at halaman na narito po,” sabi ko kaya narinig ko silang tumawa kaya ngumuso ako.

Funny ha.

“Ayos lang iyan ma’am, ganito talaga kapag nasa probinsya, may mga bawal din na dapat sinusunod ang mga tao rito. May hectare din naman dito na libre lang na tinitirhan ng mga tao, lalo na iyong mga magsasaka at kargador na dito na rin nagkaroon ng pamilya ay may libreng tahanan. Malay niyo po ma’am, magkakaroon din po kayo ng mga kaibigan sa bagong school niyo na malalapitan.”

"Sana tama kayo Yaya Bebang, sana hindi sila katulad na mga naging kaklase ko sa Maynila na parang masamang tao ako sa paningin nila.” Sabi ko at agad nagkatinginan sina Yaya at kuya.

"Huwag kang mag-alala iha, hindi naman lahat ng tao sa mundo ay masama, kaya naniniwala ako na may lalapit din sayo para maging kaibigan mo. Malay mo, baka dito pala sa probinsya mo siya makikita.”

"Salamat po kuya.” nakangiti kong saad kay kuya Saimon. Lagi nilang pinapagaan ang loob ko. Tinuturing ko na rin kasi silang kapamilya.

May nakita akong maliit na kubo malapit sa likuran ng bahay kung hindi ako nagkak**ali, titingnan ko iyan bukas kung may oras na ako, parang ang sarap tumambay doon eh, sa susunod na buwan pa naman ako pupunta sa bago kong lilipatan na school kaya pwede pa na magtour muna ako rito sa bahay para masanay ako sa lugar na kagaya nito.

Napapansin ko lang na magkaiba ang ihip ng hangin, p**iramdam ko naka aircon ako at hindi siya nakakasuffocate sa ilong ko.

Pagkarating sa harap ng pinto ay kumatok muna kami sa bahay at may nagbukas sa amin na matandang babae. Ngumiti si Lola sa amin at ako naman ay nak**asid lang sa kanya pero dahil lagi ko naman itong ginagawa kay lolo kaya lumapit ako sa kanya at nagmano.

“Kaawaan ka ng Panginoon apo. Saimon! Sila na ba ang tinutukoy ng amo mo na apo ng governor?” Tanong ni Lola kay kuya.

Lumapit rin sina kuya at Yaya kay Lola para magmano.

“Opo, Lola, ito po ang apo ni Don Vicente na rito muna titira sa probinsya natin.” Ani ni kuya. Mas lalong lumapad ah ngiti ni Lola.

"Ganoon ba, sige kayo, pasok…pasok kayong lahat, ang gandang bata naman nito, kahawig niya talaga si-’"

“La, saan po ang kwarto ng alaga ko?" Putol ni Yaya sa sasabihin sana ni Lola Remediosa sa akin. Bumaling ang matanda kay Yaya at nangungusap ang kanilang mga mata. Ngumiti si Lola at binalik ang attention sa akin.

Saan ba ang gusto mo, iha? Sa taas o sa baba ka matutulog? May balcony sa may kwarto mo kaya maganda rin doon, huwag kang mag-alala dahil malinis na ang lahat ng kwarto kung saan ang balak mong matulog, ikaw na lang ang pipili kung saan kayo matutulog, basta malinis na iyon.

Dahil tama nga si Lola na may kwarto sa taas kaya napagdesisyonan ko na sa pangalawang palapag ang kwarto ko tulad sa kwarto ko sa Manila.

“Mas gusto ko po sa taas Lola, gusto ko po ng fresh air kaya iyon po ang napili ko,” sabi ko.

“Sige apo, tatlong kwarto meron doon at ‘yong dalawa na may kulay white lang ang pagpipilian mo kasi yang makikita mo roon na kulay black na pinto sa gitna, pag-akyat mo ay may-ari na iyan.” Sabi ni Lola kaya hindi na ako nagtanong kung kanino dahil hindi naman siya ka interesado kung sa baga. Nandito ako para sa sarili ko at hindi na kabilang doon kung kanino ba talaga ang bahay na ito, sino ang nagmamay-ari ng mga kwarto at itsitera sa kung anong meron dito sa probinsya.

Focus ako ngayon sa sarili ko at sa pag-aaral.

Hindi na ako hinayaan ni kuya Saimon na tulungan ko sila sa pag-akyat ng mga gamit ko. Isa kasi sa dahilan ay hindi ako pwede sa mga mabibigat na bagay, may naalala kasi ako pero hindi ko man lang matukoy kung ano iyon. Basta ang alam ko lang, nagwawala na ako at doon pa lang mawalan ng malay kapag hindi ko na kaya.

Pagkatapos mailagay ni kuya Saimon ang mga gamit ko sa sariling kwarto ay agad akong umakyat para maligo bago kumain. Si Yaya naman ay yung ibang mga gamit ay nilagay niya na sa aking closet at iyong iba ay pwede namang bukas pa.

Maraming kinikwento si Lola sa amin habang nasa hapag-kainan kami, matagal na raw siyang naninilbihan sa bahay na ito, magkak**ag-anak naman sila pero hindi talaga sila ang maituturing na may kaya noon, dahil simple lang ang gusto ni lola na pamumuhay kaya imbes na ip**ilala niya ang sarili sa buong hacienda na parte rin siya sa pamilya na ito ay tahimik lang siyang naninilbihan, hanggang nakaalis na sa ibang bansa ang totoong may-ari ng bahay at malaki na ang anak na mga binabantayan niya, kaya parang sa kanila na rin itong bahay, si Lola at ang apo niya ay si kuya Saimon, may mga kapatid naman si kuya pero nasa ibang probinsya rin nakatira, habang nag-uusap sila ay ito naman ako at nakikinig lang. Hindi ko akalain na may tao pala na sobrang humble sa usapang kayamanan, iyong mas gugustuhin pa na tumira sa simpleng pamumuhay kaysa ipaalam sa mundo pero ako?

No comment muna. Hays.

Isa pa sa nalaman ko na may mga pumupunta naman daw dito sa hacienda lalo ngayon na tagpitas na ng mga prutas na nakikita ko kanina sa labas at iyong iba ay hinog na hinog na, kaya kailangan na rin nilang ma harvest kaysa mauna pa ang mga insekto. Dahil sa naisip na mangyayari bukas ay tila na eexcite na nga ako na may makilala ako na bagong kaibigan kinabukasan, sa tingin ko ay mababait lahat ng mga tao rito sa probinsya.

Isa na sa halimbawa ay si Lola Remediosa at apo nitong si kuya Samuel. Sana may makilala pa ako na iba lalo sa katulad ko na edad.

Pagkatapos kong kumain ay nagtungo na ako sa kwarto ko habang bitbit ang baso na may gatas, pinapunta ko na si Yaya sa kanyang kwarto para makapagpahinga na rin at bukas na tatapusin ang pagliligpit ng mga gamit ko. Medyo, marami pa naman iyon.

Kinuha ko ang cellphone ko at magbabasa na muna ako ng nobel story, isa kasi ito sa pampaantok ko. Lumapit ako sa balcony para doon ko ipagpatuloy ang pag-inom ng gatas habang nagbabasa, tinawagan ko na si lolo at nasa maayos naman siya ngayon na kalagayan at tulad ko, namimiss niya rin ako pero kailangan naming magtiis muna.

Habang nasa balcony ako at nakaupo sa recliner ay may naamoy akong shower gel, hindi ito ang amoy ng shower gel ko, panlalaki ang naamoy ko ngayon, nagkibit-balikat na lang ako at hinayaan at baka kay kuya Saimon lang iyon. Nasa baba kasi natutulog si Lola, Yaya at kuya, may mga sariling kwarto rin sila at ako lang ang nasa itaas.

Hindi naman ako natatakot at mas lalong nagustuhan ko pa na ako lang mag-isa, dahil walang disturbo kung sa baga.

Kapag nasa City ako ay ganitong oras na alas-otso pa lang ay hindi pa ako nakakatulog, pero ng dahil yata sa mahabang biyahe kaya ramdam no na agad ang antok.

Pagkatapos maubos ang gatas ko ay pumasok muna ako sa banyo at maya-maya ay saka pa nahiga sa k**a. Hindi pa umabot ng ilang minuto ay agad naman akong nakatulog ng mahimbing at hindi na dinadalaw ng masamang panaginip.

Dear readers

Promotion lang po ito. Mababasa niyo po ang buong story sa Dreame and Yugto app

(Do not copy or repost ❎)
Do comments, like and share ✅




Here's the link

https://m.yugtofiction.com/novel/1123572480?auto_jump=false&link_type=1&utm_campaign=app_share_copyLink&utm_source=sns_tl_apppromo&directedId=1123572480

Pa follow po 🥰Thank you dear    🥰
21/06/2025

Pa follow po 🥰

Thank you dear 🥰

📚 Ang Bilyonaryong Kargador
🖊️ Rosenav91

CHAPTER 02

Simoy ng hangin ang sumalubong sa akin pagkarating ng Cagayan de Oro, Misamis Oriental.

Hindi ko akalain na magkaiba ang simoy ng hangin kapag nasa Manila ka kaysa dito sa probinsya it feels like home, kumakalma agad ako sa simoy ng hangin kahit ngayon pa lang ako nakarating dito.

Kasama ko si Yaya Bebang at kuya Saimon. Matagal na siyang bodyguard ni lolo at sa pamilya niya ako gustong tumira, meron daw bahay doon at tanging tagapag-alaga lang din ang nakatira. Nasa Manila raw ang may-ari, minsan pumupunta ng ibang bansa. Sa tingin ko hindi ako magtatagal sa pamamahay na yan lalo at mga katulong lang din pala ang kasama ko, sana may makakasundo man lang ako roon.

Wala na akong problema sa lilipatan ko na school dahil agad si lolo na ang gumawa ng paraan para wala na akong poproblemahin, dahil may kilala siya at isa pa isa si lolo sa may share ng paaralan kung saan ako mag-aaral. Ang tanong lang ngayon kung may makasundo ako o talagang the same sa dating paaralan ko, mas lamang ang maraming inggitera kaysa ang kaibiganin ako, hindi naman ako masama na tao basta ikaw yung tipong na hindi nagtatanim ng galit sa akin.

Maybe I'm fragile pero hindi ko hahayaan ang sarili ko na maging isang basag na baso na hindi na kayang buuin.

“Nakapunta ka na ba sa lugar na ito Yaya?” Tanong ko kay Yaya Bebang. Nasa sasakyan na kami at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hindi na ako nagtanong at makakalimutin ko rin naman. Tinawagan ko na si lolo na safe naman kaming nakarating sa airport.

“Hindi pa nga iha eh pero excited ako kung anong meron sa lugar na ito.” aniya.

“Buti pa kayo manang excited, ako kasi parang gusto ko na agad umuwi ng Manila lalo at hindi ako sanay sa mga ganitong lugar at isa pa namimiss ko na si lolo, hindi ko man sinasabi sa kanya pero sobra-sobra ko na talaga siyang namimiss.” Sabi ko at hindi ko mapigilan na umiyak kaya agad akong dinaluhan ni Yaya.

"Alam ko iha, pero wala tayong magagawa dahil mahal ka ng lolo mo at ayaw niya na may mangyari sayo na masama kaya n'ya ginagawa ang mga bagay na ito. Hayaan mo, isang taon lang naman tayo dito, di ba? Kung maging okay na ay pwede ka ng bumalik sa dati at gawin kung ano ang kasanayan na ginagawa mo, basta ngayon, p**inggan mo muna si lolo mo na ang lahat na ito ay para sa'yo. Okay?”

"May alam po ba kayo kung bakit o sino ang may atraso sa amin at bakit pati ako ay kailangan pang madamay?” napansin ko na nagkatinginan si manang at ang bodyguard bago binalik sa akin ang atensyon.

“Wala iha eh, basta ang alam ko lang kapag usapang pulitika ay maraming one sided story. May mababait, meron hindi tumatanggap ng patas na laban kaya gumagawa ng hindi mabuti sa kapwa at dahil sobrang mahal ka ng lolo mo kaya niya ginawa ang mga bagay na ito. Bata ka pa lang. Balang araw malalaman at maiintindihan mo rin ang lahat. Kung may nalalaman man ako ay wala akong karapatan para sabihin iyon sa iyo. Patawad,” mahabang paliwanag ni Yaya.

Napapikit na lang ako ng mga mata, hindi ko maisip na maging miserable pala ang buhay ko na ito. Sana sa pupuntahan ko ay maging maayos din ako, maging normal din na kaya kung kumilos.

“Gusto mo na bang kumain, iha? May baon tayo dito.” Alok ni manang sa akin, dinilat ko ang mga mata ko at nag-isip kung ano ang gusto kong kainin ngayon.

"May chichirya ba?”

"Meron naman pero kailangan mong kumain ng tamang pagkain iha,” nginitian ko lang si Yaya.

“Mamaya na po pagkarating natin doon sa kung saan man tayo dadalhin ni kuya, manang, baka mamaya kailangan ko pang magcr tapos wala dito, you know.” Palusot ko pa, basta kasi nasa biyahe, maayos na sa akin kapag chichirya lang ang kinakain kaysa mabibigat like kanin o tinapay tapos malayo pa ang pupuntahan namin. Mabilis lang kasi ang metabolism ko lalo na sa heavy food kaya hindi talaga allowed sa akin ang kumain habang nasa biyahe unless kung may stop station.

Binigyan ako ni Manang ng dried vegetables and fruits kaya ito na lang ang nilantakan ko habang nakadungaw na ako sa labas ng sasakyan. Marami akong nakikita na mga puno at konti lang ang mga kabahayan, kung meron man ay malayo naman unlike nasa city ka talaga.

“May maganda po bang tourist spot dito kuya Saimon?” Tanong ko sa bodyguard.

"Opo ma’am, meron po.”

"Aside sa tourist spot may mga festival din ba na sinecelebrate dito?” Tanong ko ulit. Minsan kailangan kong mag tanong para mawala ang pagka homesick ko at isa pa para na rin pala ito sa akin, lalo at first time ko lang sa lugar tulad nito, kailangan na may alam ako at kailangan ko palang matutunan ang mga kultura nila.

“Yes mam kaya masaya po dito."

“Ganun po ba, sana maganda nga ano kung makaabot ako?”

"Oo naman po ma’am, makakaabot po kayo.” Malay mo Manong Saimon, baka mamaya ay uuwi na ako ng Maynila. Pero kailangan ko pa ring malaman ang mga magaganda pang lugar na meron sa lugar na ito.

Kung kaya kong pumunta mag-isa sa ibang bansa dapat kaya ko rin sa Pilipinas. Kaibahan lang sa Pilipinas dahil may adventure ka na kasama dahil hindi ito cities lang tulad na lang itong gagawin namin na titira ako sa hindi ko kilalang bahay at tanging kilala lang ni lolo. Sana hindi ako maloloka ng maaga at manibago sa probinsya ng Cagayan de Oro,Misamis Oriental.

Bahala na talaga ito.

Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang cellphone number ni lolo.

“Iha!"

“Lolo, I wanna go back na po,"

“Hindi ka pa nga nakarating sa bahay, iyan na agad ang sasabihin mo," imbes na sabi niya.

“Kasi naman lolo parang hindi ko kaya na mag-isa dito. Bisitahin mo ako lolo minsan ha, lalo na sa birthday ko.”

"Sure iha, nakaplano na yan lahat sa akin.” Wow lang ha, Pina paimpress naman ako masyado ng lolo ko. Kaya love na love ko talaga siya eh.

“Sige lolo, basta bisitahin mo ako kung may oras ka po dahil kung hindi baka ako ang uuwi diyan sa Maynila." Pagbabanta ko.

“I keep my promise iha, sige ibaba ko na itong tawag because I have a client right now." Ngumuso ako.

"Aww, sige lolo, I miss you already, please take good care of yourself, okay? And eat your food and take your medicines, okay?”

"You too, iha.” Aniya at pinatay na ang tawag. Napanguso ako, gusto ko pa marinig ang boses ng lolo ko eh pero dahil busy siya na tao kaya intindihin ko na lamang.

Namimiss ko na talaga ang lolo ko kahit makausap lang namin ngayon, sana maka adjust ako sa bagong tahanan na sinasabi niya at sana pagbalik ko ay malaya na akong makagalaw na hindi ko na kayang magtago dahil inosente ako. Kung may gulo man, kailangan ba na madamay ako?

Gusto ko ring mamuhay na normal tulad ng iba, pero lahat iyon hindi ko kayang irequest kay lolo dahil sa tingin ko wala akong karapatan o talagang wala pa akong karapatan.

"Malayo pa ba tayo?"

"Malapit na po ma'am, baka within thirty minutes nakarating na po tayo sa bahay kung saan po kayo maninirahan pansamantala." sagot ni manong.

Binalik ko ulit ang tingin sa kalsada, medyo inaantok na ako kaya wala na akong ginawa kundi ipikit na lamang ang mata ko at bahala na talaga ito.

Mababasa po sa Dreame and Yugto

Address

San Pablo City
4000

Telephone

+639219398099

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Team Anna Dreame posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Team Anna Dreame:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram