CHO San Pablo

CHO San Pablo The Only and Official page of CHO San Pablo

26/07/2025

🚨MGA IITLUGAN NG LAMOK, MAS MARAMI DAHIL SA ULAN; DOH 4T GAWING REGULAR KONTRA DENGUE🚨

Bahagyang tumaas ang ka*o ng dengue sa unang dalawang linggo ng Hunyo. Mula 8,233 noong June 1-14, tumaas ito sa 10,733 pagdating ng June 15-28. Pinaghahandaan na ng DOH ang pagtaas sa ka*o ng dengue dahil sa sunod sunod na pag-ulan at pagbaha nitong mga nakaraang linggo.

Paalala ng DOH na gawin ang 4Ts para walang pamahayan ang lamok dengue na aedes. Maging alerto matapos maipon ang ulan sa paligid at mga lalagyan kung saan nangingitlog ang lamok na ito.
Gawin ang:
❗️Taob
❗️Taktak
❗️Tuyo
❗️Takip ️

Tandaan: Kung walang lamok, walang dengue!





Sa halos anim na araw na pananalanta ng bagyong Crising kasabay ang Habagat at ngayon ay ang pagsadsad ng bagyong Dante ...
24/07/2025

Sa halos anim na araw na pananalanta ng bagyong Crising kasabay ang Habagat at ngayon ay ang pagsadsad ng bagyong Dante at Emong sa PAR ay patuloy pa din ang Pampublikong Tanggapan ng Kalusugan (CHO) sa pagbibigay ng serbisyong medikal, gamot, water sanitation and hygiene commodities, at mga impormasyong nauukol sa mga inaasahang mga sakit dala ng tag ulan sa lahat ng Evacuation Centers sa ating Lungsod. Ito ay sa pamumuno ni Dr Rene P. Bagamasbad at kanyang assistant Dr Mercydina AM Caponpon sampu ng mga team leaders at miyembro ng Health Response Teams ng City Health Office.

Inatasan din ang lahat ng ahensya ng lokal na pamahalan ng ating ama ng lungsod, Kgg Najie B. Gapangada na siguraduhin ang kaligtasan at mabigyan ng pangunahing pangangailangan ang bawat mamamayan ng San Pablo na naapektuhan ng bagyong ito.

Sama sama tayong Manalangin🙏
24/07/2025

Sama sama tayong Manalangin🙏

Sama-sama tayong manalangin para sa kaligtasan ng bawat isa sa panahon ng kalamidad. 🙏🏻

BASAHIN: Paalaala mula sa City Health Office
24/07/2025

BASAHIN: Paalaala mula sa City Health Office


Patuloy pa din ang pagsasagawa ng Health assessment ng  Health Emergency Response team ng City Health Office sa Pangungu...
23/07/2025

Patuloy pa din ang pagsasagawa ng Health assessment ng Health Emergency Response team ng City Health Office sa Pangunguna ng ating Asst. City Health Officer na si Dr. Mercydina Abdona Mendoza-Caponpon sa mga evacuation Center. Kabilang sa mga ginawang assessment ay Health and Sanitation, Medical consultation, pamimigay ng hygiene kit, jericans at Health information and education.



Patuloy po tayong mag-ingat dahil


Sa kabila ng masamang panahon at patuloy na paglakas ng ulan kahapon Hulyo 22, 2025 ay tuloy tuloy pa din ang serbisyong...
23/07/2025

Sa kabila ng masamang panahon at patuloy na paglakas ng ulan kahapon Hulyo 22, 2025 ay tuloy tuloy pa din ang serbisyong pangkalusugan ng City Health office. Sa bahagi ng Animal Bite Treatment Center, hindi napigilan ng masamang panahon ang pagtuturok sa mga kababayan nating nakagat ng a*o at pusa laban sa sakit na Rabies na naka scheduled ng follow up nila noong araw na yun.


Mula sa direktiba ng ating Kagalang galang na Alkalde Mayor Najie Gapangada Jr. ay agarang tumugon ang tanggapan ng ng k...
23/07/2025

Mula sa direktiba ng ating Kagalang galang na Alkalde Mayor Najie Gapangada Jr. ay agarang tumugon ang tanggapan ng ng kalusugan para tulungan ang ating mga kababayan na napektuhan ng masamang panahon at malakas na pag ulan, agad na nagtungo ang response team ng City Health Office sa mga Evacuation center upang magbahagi ng hygiene kit, jericans, magpaalala at magbahagi ng kaalaman patungkol sa kalinisan at kalusugan, konsultasyon at pagbibigay ng gamot

MAGING LIGTAS SA PANAHON NG BAGYO⛈️Sa pagdating ng bagyo, mahalagang maging alerto at handa upang mapanatili ang kalusug...
18/07/2025

MAGING LIGTAS SA PANAHON NG BAGYO⛈️

Sa pagdating ng bagyo, mahalagang maging alerto at handa upang mapanatili ang kalusugan at kaligtasan ng bawat isa.
Basahin at ipamahagi ang mga dapat gawin BAGO, HABANG, at PAGKATAPOS ng bagyo

Maging alerto at ligtas dahil bawat buhay ay mahalaga.

Hand Foot and Mouth Disease prevention and awareness campaign at CM Azcarate Elementary School among Parents and Teacher...
18/07/2025

Hand Foot and Mouth Disease prevention and awareness campaign at CM Azcarate Elementary School among Parents and Teachers
Maging maingat para sa malusog na Pilipinas

Masamang pakiramdam ngayong tag-ulan? Baka W.I.L.D. na yan!Ngayong tag-ulan, nakaamba na naman ang banta ng W.I.L.D. dis...
11/07/2025

Masamang pakiramdam ngayong tag-ulan? Baka W.I.L.D. na yan!
Ngayong tag-ulan, nakaamba na naman ang banta ng W.I.L.D. diseases---
💦 Waterborne and Foodbirne Diseases
🥵 Influenza-like illnesses
🐀 Leptospirosis
🦟 Dengue
Sundin at ipamahagi ang impormasyon sa mga larawan tungkol sa leptospirosis at dengue upang malaman ang sintomas ar paraan ng pag-iwas sa mga sakit na ito.



Late Upload: Nagsagawa ng Philhealth Konsulta ang Tanggapan ng kalusugan sa mga kababayan natin na kabilang sa PDL ( Per...
10/07/2025

Late Upload: Nagsagawa ng Philhealth Konsulta ang Tanggapan ng kalusugan sa mga kababayan natin na kabilang sa PDL ( Person Deprived of Liberty) noong nakaraang Mayo. Ito ay isinagawa ng apat na Biyernes ng Mayo.

Ang Measles o Tigdas ay isang sakit na lubhang nakakahawa dulot ng measles virus. Ang sakit na ito ay maaaring magdulot ...
09/07/2025

Ang Measles o Tigdas ay isang sakit na lubhang nakakahawa dulot ng measles virus. Ang sakit na ito ay maaaring magdulot ng mga kumplikasyon katulad ng pneumonia, conjunctivitis, pagtatae, pamamaga ng utak, at iba pang kumplikasyon kagaya ng malnutisyon at kamatayan!!
Pero may paraan para protektahan ang mga chikiting sa panganib nito. Basahin ang mga detalye na nasa larawan para sa karagdagang impormasyon tungkol sa bakuna laban sa Tigdas at pumunta sa inyong pinakamalapitbja health center at i-check ang schedule ng pagbabakuna sa inyong lugar.
MAGPABAKUNA! DAHIL BAWAT BUHAY AY MAHALAGA!

Address

San Pablo City

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 4:30pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 4:30pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CHO San Pablo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share