13/04/2026
Death is an achievement. An accomplishment in life.
Tapos na finally ang role natin sa mundo.
Kahit gaano kalungkot— ito’y isang event that will always be in need of celebration. Kaya nga ito tinawag na “celebration of life.”
Ang event hindi naman exclusive lang dapat sa “happiness”, kasama dito pati sorrow.
Ang death of a loved one walang pinagkaiba yan sa weddings, birthdays or even anniversaries—lahat yan magastos.
Ang kasal atbp. pang mga event, isang hapon o gabi lang ang celebration—pero ang lamay, minsan umaabot pa ng 9 days o higit pa.
In general mas matrabaho at magastos din ang mamatayan, isipin mo, ilang gabi ka nageentertain ng bisita.
ilang gabi ka magkikipagkwentuhan ng cause of death at life history nung namatay sa mga bisita. At kailangan ang tono ng boses mo malumanay pa. Hindi pwedeng hype ang boses.
Apart from sadness, ang pinakamahirap sa funerals talaga ay yung effort mo sa mga bisita. Out of love and respect we offer them refreshments and snacks, pero do you know how hard it is to grieve pero nagseserve ka pa ng Lemon Square sa bisita?
Akala ng iba madali lang ang pagmanage ng funerals—
hindi nyo pa nasubukan.
Death is the final stage in our life and funeral is the last act we are going to have.
Pagplanuhan natin, kasi nga minsan ka lang magpapaalam, uutangin mo pa yung pambayad.
Walang nagpapautang sa patay, kasi anything na ipinahiram sa namatayan—abuloy na ang kahulugan nito.
Kaya again, magplano.
After all, kung iisipin mo, mas matagal pa minsan bago umalis yung bisita sa lamay vs bisita sa kasal.😅
Sa patay, hindi ijujudge yung kape kahit Blend 45, sa kasal kahit 5-star hotel ang venue, may comment pa din ang mga marites.
Think about that for a moment.
Pablo branch --