06/09/2025
🇵🇭 SHARING THE TRUTH ABOUT LIVING IN AMERICA 🇺🇸
TUMPAK!
REALTALK!
Gusto ko lang ibahagi sa inyo at sana ay walang magalit sa ating mga kababayan na nasa America o sa lupang aking sinilangan. Humihingi din po ako ng paumanhin sa may akda dahil sa pag-edit at paglilinis ng artikolong ito.
🇺🇸 BUHAY AMERICA 🇺🇸
🇵🇭 Akala ng mga tao sa pilipinas, kapag nasa America ka, madami kang pera. Ang totoo, madami kang utang, dahil Credit card 💳 lahat ang gamit mo sa pagbili. Kailangan mong gumamit ng creditcard para magkaroon ka ng Credit history, kasi pag di ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano. Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad na magbayad. Ang masakit kapag di ka nakabayad sa mga utang mo sa creditcard, ilalagay ka sa Collection agencies at nakatatak na yon sa records mo.
🇵🇭 Alam mo ang malaking kaibahan ng america sa pilipinas? Dito, mapipilitan kang kumilos. Hindi ka pweding umasa sa asawa mo. Kung gusto mong humawak ng pera, magtrabaho ka. Wala ding umaasa sa magulang. Sa idad na 18, aalis ka na sa puder ng iyong mga magulang at mabubuhay ka sa sariling sikap. Kaya wala ditong tumatanaw ng utang na loob dahil buhay mo, intindihin mo. Kung wala kang pera, umutang ka sa bangko, hindi sa pamilya, kamag-anak o kaibigan. Kailangan mong maging responsible at independent. Mga bagay na walang kinalaman sa pag-asenso o pag-unlad ng buhay mo, hindi mo pag-aaksayahan ng oras. Wala kang panahong tumambay dahil 2 o 3 ang hawak mong trabaho. Walang inuman na inaabut ng madaling araw. Ang relasyon, yearly ang celebration walang monthsaries, walang monthly na regalo at out of town trips. Wala ding bonggang Birthday celebrations. Ang pinaghahandaan dito ay retirement. Hindi iniaasa sa anak ang pag-aalaga kapag matanda na.
Kaya yong mga nagsasabi na maswerte kaming mga nasa America 🇺🇸...sig**o nga maswerte kami. Pero lahat ng meron kami ay pinaghirapan namin at pinamuhunanan ng mga luha, puyat, pagod kalungkutan at mga pagdurusa 😭😭😭
🇵🇭 Akala nila mayaman ka na kasi may kotse ka. Ang totoo kapag hindi ka bumili ng kotse sa America, maglalakad ka ng milya-milya ang layo sa ilalim ng init ng araw, ulan o snow. Walang jeepney, tricycle o padyak sa America.
🇵🇭 Akala nila, maalwan ang buhay sa America. Ang totoo puro ka trabaho dito. Kasi pag di ka nag trabaho wala kang pambayad sa bills mo, kotse, credit card, ilaw, tubig, koryente, insurance, bahay at wala kang ibibili ng pagkain mo. Lahat binabayaran dito ultimong pag kolekta ng basura mo. Kung wala kang kamag-anak dito na magbabantay sa maliit mong anak, ipapasok mo sya sa Daycare na ang bayad e lagpas kalahati pa ng isang buwang sweldo mo. Hindi mo kilala ang kapitbahay mo dito kaya di ka pweding tumambay dahil busy din sila sa paghahanap buhay pambayad sa sarili nilang Bills. Kaya lhat dito sa America ay billionaires dahil puro bills ang laman ng utak 😂😂😂😂
🇵🇭 Akala nila masaya ka kasi, nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland, seaworld, six flags, universal Studios at iba pang attractions. Ang totoo, kailangan mong ngumiti, kasi magbabayad ka ng $100 para makarating ka doon. Kailangan mo na nmn ang 10 oras na sweldo mong pambayad sa ticket.
🇵🇭 Akala nila malaki na ang kinikita mo kasi dolyares na ang sweldo mo. Ang totoo, malaki nga pag pinalit mo sa peso, pero dolyares ang gastos mo sa America. Ibig sabihin, ang dolyares mong kinikita sa presyong dolyar mo din gagastusin. Ang P10.00 na sardinas sa pilipinas $1.00 sa America. Ang renta sa bahay na P10,000 sa pilipinas, $1,500 sa America. Sa palitan ngayon na 50 tumatagingting na P75,000 ang renta.
🇵🇭 Akala nila buhay milyonaryo ka na kasi, ang ganda ng Bahay at kotse mo. Ang totoo, milyon-milyong dolyar ang utang mo. Ang bago mong kotse, 5 taon mong huhulugan. Ang maganda at malaki mong bahay, 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin,alipin ka ng Bahay at kotse mo.
🇵🇭 Maraming nangangarap makarating sa America, lalo na ang mga nurses at mga g**o.
🇵🇭 Oo ngat mahirap maging normal na manggagawa sa pilipinas, madalas pagod ka sa trabaho, pagdating ng sweldo mo halos kulang pa sa pagkain mo.Pero walang pinag-iba ito sa ibang bansa tulad ng america. Hindi komo dolyar ang sweldo mo, maginhawa at mayaman ka na. Kailangan mo ding magbanat ng buto at mag sakripisyo para mabuhay ka sa ibang bansa at maaring mas masahul pa sa dinaranas mo ngaun sa pilipinas ang danasin mo sa mga dayuhan para mabuhay ka sa ibang bansa.
Kagaya din sa pilipinas, hindi pinupulot ang pera sa ibang bansa. Hindi ko sinisira ang inyong pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan. Isang malaking sakripisyo ang paglisan sa bansang sinilangan, at malungkot iwanan ang mga mahal sa buhay.
🇵🇭 Walang libre sa America kaya wag sanang sumama ang loob mo kung di kita mabigyan o mapahiram ng kailangan mo. Yon ay dahilan sa lahat tayo ay may pangangailangan. Sa Dios lang din ako humihingi ng energy, strength and hope. Ito ang tunay kong...
🇺🇸 BUHAY SA AMERICA 🇺🇸