Rural Health Unit - San Pablo

Rural Health Unit - San Pablo Public health service

Municipal Health Office San Pablo is offering free flu vaccine shots for 6 years old and above.Tara na! Bawal magkasakit...
13/01/2025

Municipal Health Office San Pablo is offering free flu vaccine shots for 6 years old and above.

Tara na! Bawal magkasakit! Get your free flu shot!



๐”๐’๐€๐๐€๐๐† ๐๐€๐๐†๐Š๐€๐ˆ๐’๐ˆ๐๐€๐ 11.26.2024: ๐๐ข๐ ๐ฒ๐š๐ง๐ -๐๐ซ๐ข๐จ๐ซ๐ข๐๐š๐ ๐š๐ง๐  ๐Œ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ ๐‡๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก ๐ฌ๐š ๐‹๐ฎ๐ ๐š๐ซ ๐ง๐  ๐“๐ซ๐š๐›๐š๐ก๐จBilang bahagi ng National Mental...
27/11/2024

๐”๐’๐€๐๐€๐๐† ๐๐€๐๐†๐Š๐€๐ˆ๐’๐ˆ๐๐€๐ 11.26.2024:
๐๐ข๐ ๐ฒ๐š๐ง๐ -๐๐ซ๐ข๐จ๐ซ๐ข๐๐š๐ ๐š๐ง๐  ๐Œ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ ๐‡๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก ๐ฌ๐š ๐‹๐ฎ๐ ๐š๐ซ ๐ง๐  ๐“๐ซ๐š๐›๐š๐ก๐จ

Bilang bahagi ng National Mental Health Celebration at Capacity Building para sa ating mga Barangay Health Workers, matagumpay na isinagawa ang โ€œUSAPANG PANGKAISIPAN for Barangay Health Workers: It is Time to Prioritize Mental Health in the Workplace.โ€ Ang aktibidad na ito ay tinalakay ang mga mahahalagang aspeto ng mental health at ang mga hakbang upang mapanatili ito sa harap ng hamon ng kanilang tungkulin. Layunin nitong palawakin ang kaalaman at palakasin ang kakayahan ng ating BHWs upang mas maging handa sila sa pagharap sa kanilang magiging tungkulin bilang isang barangay health worker.

Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng Municipal Health Office sa pangunguna ng ating Doctor to the Barrio Dr. Rishi Jamivie D. Agbugay.

At ito ay dinaluhan ng ating aktibong Vice Mayor Hon. Antonio Jose T. Miro III upang magbigay suporta at inspirational message at sa patuloy na pagsuporta kasama sina Hon. Mayor Antonio N. Miro Jr. at Municipal Administrator Antonio Santiago T. Miro sa mga programang pangkalusugan ng ating bayan.

Taos-puso rin naming pinasasalamatan ang lahat ng Barangay Health Workers na dumalo at aktibong nakilahok, gayundin ang mga resource speakers mula sa IPHO at PDOHO na sina Maโ€™am Ma. Luisa A. Matote, Sir Harold Madduma, Maโ€™am Cheryl Grace C. Noriega, Maโ€™am Maria Floressa P. Soriano at Maโ€™am Arlene Martinez na nagbahagi ng kanilang kaalaman at karanasan. Ang inyong presensya ay naging daan sa tagumpay ng programang ito.

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng tagumpay ng aktibidad na ito. Sama-sama nating isulong ang kahalagahan ng kalusugang pang-isipan sa bawat lugar ng trabaho!

Tandaan, "๐™’๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ƒ๐™š๐™–๐™ก๐™ฉ๐™ ๐™ ๐™ช๐™ฃ๐™œ ๐™ฌ๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™ก ๐™ƒ๐™š๐™–๐™ก๐™ฉ๐™".

Let's make mental health a priority!






Maging handa, alerto at ligtas!
22/10/2024

Maging handa, alerto at ligtas!

As of October 21, 2024 mayroon na po tayong naitalang 546 na Grade 1 at Grade 7 na nakatanggap ng bakuna Kontra Tigdas a...
22/10/2024

As of October 21, 2024 mayroon na po tayong naitalang 546 na Grade 1 at Grade 7 na nakatanggap ng bakuna Kontra Tigdas at Kontra Tetano at Dipterya at 81 na Grade 4 na nakatanggap ng HPV vaccine Kontra Cervical Cancer.

Patuloy pa pong magiikot ang RHU San Pablo sa bawat paaralan at estudyanteng Grade 1 at 7, at Grade 4 na hindi pa nakakatanggap ng mga bakuna.

Ang bakuna ay libre, ligtas at epektibo kaya huwag po tayong magalinlangan na ipabakuna ang ating mga anak para sa kanilang proteksiyon at para maiwasan ang mga malubhang sakit.

Magandang Balita!!!Matagumpay na nailunsad ngayong araw ang Bakuna Eskwela o School Based Immunization Kick-off Ceremony...
14/10/2024

Magandang Balita!!!

Matagumpay na nailunsad ngayong araw ang Bakuna Eskwela o School Based Immunization Kick-off Ceremony sa San Pablo Vocational and Industrial High School na pinangunahan ng Municipal Health Office San Pablo sa tulong ng ating butihing Mayor Antonio "Jojo" N. Miro Jr., ang ating napakasipag na Vice Mayor Antonio Jose "Anjo" T. Miro III., at ang ating napakasupportive na Municipal Administrator Antonio Santiago "Joko" T. Miro.

Ang SBI launching ay dinaluhan ng Grade 1, Grade 4, Grade 7, at mga magulang. Nagkaroon ng health education sa mga matatanggap na bakuna ng mga estudyante. Ipinaliwanag sa mga magulang ang magandang dulot sa kalusugan at proteksiyon na hatid ng bakuna sa kanilang mga anak laban sa malulubhang sakit, at kusang loob na pinayagan ang kanilang mga anak na ipabakuna.

Ang Grade 1 at Grade 7 ay nakatanggap ng vaccine na kontra Tigdas at kontra Tetano at Dipterya, at ang Grade 4 na mga babae ay nakatanggap naman ng HPV vaccine na kontra Cervical Cancer.

Itinatalang 264 na estudyante ng Grade 1 at 7 ang nakatanggap ng MR at TD vaccines at 21 naman na estudyante ng Grade 4 ang nakatanggap ng HPV vaccine.

Bilang ng mga bata sa bawat eskwelahan na nakatanggap ng bakuna:

SCHOOLS GRADE 1 and 7 GRADE 4
MR TD HPV

Central Elementary School 6 6 3
SPNHS 78 78 -
Bungad Elementary School 27 27 7
Binguang Elementary School 30 30 3
Auitan Elementary School 14 14 8
SPVIHS 109 109 -

Total 264 264 21




SCHOOL BASED IMMUNIZATIONGaganapin ito ngayong Oktubre 2024 sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.Target na mabaku...
03/10/2024

SCHOOL BASED IMMUNIZATION

Gaganapin ito ngayong Oktubre 2024 sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.

Target na mabakunahan ang Grade 1 at Grade 7 ng vaccines na Kontra Tigdas at Kontra Tetano at Dipterya at Grade 4 ng HPV vaccine kontra cervical cancer.

Ang bakuna ay may layuning protektahan ang ating mga anak sa malubhang sakit at kamatayan. Ito ay ligtas at epektibo, at libreng makukuha sa mga pampublikong paaralan.

Ang Rural Health Unit ng San Pablo katuwang ang DOH School Nurse, DEPED School Nurses, at MDRRM ay nagsilbi bilang Medic...
09/09/2024

Ang Rural Health Unit ng San Pablo katuwang ang DOH School Nurse, DEPED School Nurses, at MDRRM ay nagsilbi bilang Medical Team sa unang araw ng naganap na District Palaro 2024 sa bayan ng San Pablo.

Nagpapasalamat din kami kina butihing Mayor Jojo Miro, Vice Mayor Anjo Miro, at Municipal Administrator Joko Miro sa pagpapakita ng kanilang suporta sa pamamagitan ng pagiikot sa lahat ng schools, pagmomonitor sa mga kalagayan ng mga manlalaro at sa pamimigay ng meryenda sa mga manlalaro, teachers, staff, at Medical Team.




Ang Cagayan Valley Center for Health Development (CVCHD) ay nagsagawa ng Emerging and Reemerging Infectious Disease (ERE...
09/09/2024

Ang Cagayan Valley Center for Health Development (CVCHD) ay nagsagawa ng Emerging and Reemerging Infectious Disease (EREID) Prevention and Control Forum na dinaluhan ng mga Barangay Captains, Barangay Secretary, Kagawad on Health, at Barangay Health Workers na naganap sa Barkadas Leisure Hotel and Resort.

Nagpapasalamat po kami sa pagsuporta ng Local Government Unit ng San Pablo na pinapangunahan ng ating butihing Mayor Jojo Miro, Vice Mayor Anjo Miro, at Municipal Administrator Joko Miro sa naturang forum at sa lahat ng programa ng DOH Cagayan Valley para sa kalusugan ng bayan ng San Pablo.

Tinalakay ng CVCHD ang ibat ibang infectious diseases tulad ng Flu-like illness, Leptospirosis, Anthrax, Melioidosis, M-pox, at iba pang nakakahawang sakit at kung paano maiwasan ang mga ito.

Napag-usapan din sa forum ang pagtulong-tulong ng komunidad sa pangunguna ng Barangay Captains ang paglaban sa Dengue sa pamamagitan ng Search and Destroy.




Inaayayahan po namin ang lahat sa magaganap na Medical, Surgical at Dental Mission na gaganapin bukas July 25, 2024 sa B...
24/07/2024

Inaayayahan po namin ang lahat sa magaganap na Medical, Surgical at Dental Mission na gaganapin bukas July 25, 2024 sa Barkadas Leisure and Resort. Eto po ay programa ng ating pamahalaan sa pangunguna ng ating butihin Mayor Hon. Antonio N. Miro Jr., Vice Mayor Antonio Jose T. Miro III at ating Municipal Administrator Antonio Santiago T. Miro bilang pasasalamat sa ating bayan sa patuloy na pag suporta sa kanilang dedikasyon para maglingkod.

Kayo po ay aming aasahan na samantalahin itong pagkakataon para mabantayan at mapangalagaan ang inyong kalusugan.. Maraming salamat po..

Tignan: July 16, 2024. Nagkaroon ng TB Caravan ang Bayan ng San Pablo sa pangunguna ng Municipal Health Unit ng ating ba...
16/07/2024

Tignan: July 16, 2024. Nagkaroon ng TB Caravan ang Bayan ng San Pablo sa pangunguna ng Municipal Health Unit ng ating bayan katuwang ang Department of Health Region II at Philippine Business for Social Progress (PSBP).

Nagkaroon ng Free Chest Xray sa barangay Dalena San Pablo Isabela kasama ang karatig barangay nito at 150 na katao ang nabigyan ng serbisyo. Ang aktibidades na ito ay para magkaroon ng malawakang detection kontra sa sakit na Tuberculosis o TB.

Kami po ay nagpapasalamat sa Lokal na pamahalaan ng San Pablo sa walang sawang pag supporta sa aming mga Health Programs.

Tignan: July 15, 2024, Matagumpay na inilunsad ng Local na pamahalaan ng San Pablo ang 2nd quarter Blood Letting Activit...
15/07/2024

Tignan: July 15, 2024, Matagumpay na inilunsad ng Local na pamahalaan ng San Pablo ang 2nd quarter Blood Letting Activity sa pangunguna ng Municipal Health Office katuwang ang CVMC Blood Bank.

Tayo po ay nakapagtala ng 230 successful blood donors mula sa ating bayan.

Ang ating Local na pamahalaan sa Pangunguna ng ating Mayor Hon. Antonio โ€œJojoโ€ Miro, Vice Mayor Hon. Antonio Jose T. Miro at ang aming Municipal Administrator Sir Antonio Santiago โ€œJokoโ€ Miro ay nagbigay ng 25kilos na bigas sa bawat matagumpay na nakapag donate ng dugo.

Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta sa aming naturang actibidades.

PABATID SA PUBLIKO:Ang Municipal Health Office at Local Goverment Unit ng San Pablo katuwang ang CVMC Blood Bank ay magk...
13/07/2024

PABATID SA PUBLIKO:

Ang Municipal Health Office at Local Goverment Unit ng San Pablo katuwang ang CVMC Blood Bank ay magkakaroon ng BLOOD LETTING ACTIVITY sa ika-15 ng July2024 araw ng LUNES na gaganapin sa Municipal Hall ng atin bayan.

Inaanyayahan namin ang bawat may Edad 18 pataas na may timbang atleast 50kg na hindi nakainom ng alak sa loob ng 24 oras at may sapat na tulog atleat 8 oras dito sa Bayan ng San Pablo na makisali at makilahok sa atin Blood Letting drive.

โ€œBE A HERO,DONATE BLOODโ€



Ang Lokal na Pamahalaan ng San Pablo sa pamamagitan ng Rural Health Unit ay nagsagawa ng 2-day training noong May 9-10,2...
13/05/2024

Ang Lokal na Pamahalaan ng San Pablo sa pamamagitan ng Rural Health Unit ay nagsagawa ng 2-day training noong May 9-10,2024 para sa lahat ng Barangay Health Workers dito sa ating bayan. Layunin ng training na ito na ipaalam ang mga tungkulin ng isang BHW, talakayin ang iba't ibang programang pangkalusugan at kung paano sila makakatulong sa pagkakaroon ng isang malusog na komunidad. Ang ating mga BHWs ay malaki ang responsibilidad para sa pagsulong ng mga programa at proyektong pangkalusugan. Sila ang nagsisilbing tagapagsubaybay sa kalusugan ng San Pabloeรฑos.

Naging matagumpay ang training dahil sa suporta ng Lokal na Pamahalaan ng San Pablo na pinamumunuan ng ating butihing Mayor at Vice Mayor na sina Hon. Antonio N. Miro,Jr. at Hon. Antonio Jose T. Miro III. Nagbigay naman ng mensahe at pagsuporta ang ating butihing Municipal Administrator, Sir Antonio Santiago T. Miro.

Sa mga RHU staff, BHWs at sa mga Barangay na walang sawang sumusuporta sa aktibidades para sa kalusuguan,Maraming Salamat po.


Ang Municipal Health Unit ng San Pablo ay magkakaroon ng malawakang TB mass Testing na may Libreng CHEST XRAY at Bolunta...
19/02/2024

Ang Municipal Health Unit ng San Pablo ay magkakaroon ng malawakang TB mass Testing na may Libreng CHEST XRAY at Boluntaryo na HIV Screening na gaganapin sa February 23,2024 sa Minanga Community Center-Barangay Minanga Norte San Pablo Isabela katuwang ang Department of Health Region II kasama ang Philippines Business for Social Progress(PBSP).

Ang aktibidades na ito ay layunin na makapagbigay ng 250 Libreng Chest Xray at HIV Screening para sa mga Food Handlers at Market Vendors ng San Pablo, sa mga may presumptive signs and symptoms ng Tuberculosis, close contacts ng confirmed TB patients at high-risk/vulnerable groups katulad ng health care workers, senior citizens, diabetics, smokers, and indigents o kapus palad.

Kayo po ay aming inaanyayahan para makalahok sa programa na ito.

โ€œTB ay Labanan Para sa Malusog na Pamayananโ€

San Pablo Isabela Patronal Town Fiesta. 20th BAKA FESTIVAL na may temang:"Kulturang San Pabloeรฑo: Inspirasyon sa Makulay...
14/01/2024

San Pablo Isabela Patronal Town Fiesta. 20th BAKA FESTIVAL na may temang:"Kulturang San Pabloeรฑo: Inspirasyon sa Makulay na Bukas" | THE SEARCH FOR PRETTY PREGGY 2024

Isa sa mga isinusulong na Programa ng Municipal Health Office sa tulong na Local Goverment Unit ng San Pablo ang Safe Motherhood o Ligtas na Pagbabados. Ang programa ay ginaganap taon-taon sa panahon ng Patronal Town Fiesta ng Lokalidad bilang pakikiisa,pag suporta at makisali sa pag promote ng isa sa mga major program ng Kagawaran ng Kalusugan.

Kami po sa Municipal Health Unit ng San Pablo ay Taos Pusong nagpapasalamat sa mga Healthy namin Buntis mula sa ibat ibang barangay. Kami ay nagpapasalamat sa bawat taong sumuporta sakanila mula sa kanilang pamilya, BHW, Barangay officials at sa Local na Pamahalaan ng San Pablo sa walang sawang pagsuporta mula Paghahanap ng candidata at pagbibigay ng mga papremyo at lalo na sa mga Buntis Kit at Baby kit para sa ating Pretty Preggy.

Ito po ay hindi magiging matagumpay kung wala ang inyong supporta. Maraming Salamat po!


Matagumpay na inilunsad ng Local na pamahalaan ng San Pablo ang 1st quarter Blood Letting Activity sa pangunguna ng Muni...
04/01/2024

Matagumpay na inilunsad ng Local na pamahalaan ng San Pablo ang 1st quarter Blood Letting Activity sa pangunguna ng Municipal Health Office katuwang ang CVMC Blood Bank sa unang linggo ng taon 2024.

Tayo po ay nakapagtala ng 102 blood donors mula sa ating bayan. Ang ating Local na pamahalaan ay nagbigay ng 25kilos na bigas sa bawat matagumpay na nakapag donate ng dugo.

Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta sa aming naturang actibidades.

29/12/2023

Choose your New Year salubong: Sa ospital o sa bahay?

Choose wisely para maging merry and safe ang New Year salubong ng family!



๐Ÿ’š

24/12/2023

Pinapaalalahanan po ang lahat na maging maingat sa mga kakainin ngayong kapaskuhan. Bagamat masarap ang pagsasaluhan, mainam na hinay hinay lang sa kainan at inuman.
Paalala rin po sa mga babyaheng mororista na maging maingat sa pag inom ng alak.
Maging sa mga magulang na bantayan ang mga kabataan sa paggamit ng mga paputok.

Maligayang Pasko at Malusog at ligtas na Bagong Taon, Bayan ng San Pablo!

Address

PUROK 2 POBLACION SAN PABLO, ISABELA
San Pablo

Opening Hours

Monday 8am - 5am
Tuesday 8am - 5am
Wednesday 8am - 5am
Thursday 8am - 5am
Friday 8am - 5am

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rural Health Unit - San Pablo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share