
23/07/2025
Mahalagang paalala mula sa DOH ⚠️
Sa panahon ng baha, doblehin ang pag-iingat laban sa leptospirosis. Ang mga mikrobyo mula sa baha ay mapanganib at maaaring magdulot ng seryosong komplikasyon sa kalusugan.
Huwag magpasawalang-bahala. Dapat alamin para manatiling ligtas. ⛈️
🚨 DOH, NAGBABALA LABAN SA LEPTOSPIROSIS NA MAAARING MAKUHA SA BAHA 🚨
Huwag maglaro at iwasang lumusong sa baha. Mapanganib ang mga mikrobyo mula sa mga basura at dumi na maaring magdulot ng leptospirosis. 🦠
Maaaring magkaroon ng komplikasyon sa atay, bato, at puso ang taong mapapasukan ng mikrobyong leptospira sa katawan.
Kung sakaling malulubog sa baha, agad na maghugas ng katawan gamit ang tubig at sabon. Agad ding kumonsulta sa doktor kung lumusong sa baha nang may sugat o kung makararanas ng sintomas tulad ng lagnat at pananakit ng katawan.
Tumawag sa Telekonsulta hotline 1555 (press 2) para sa mabilis na konsultasyon. 📞