23/12/2025
DOH: ROAD CRASH INJURIES TUMATAAS KAPAG HOLIDAY SEASON ‼️
Mula Disyembre 2024 hanggang Enero 2025, umabot sa 11,146 ang mga pasyenteng dinala sa 210 hospitals at infirmaries dahil sa road crash injuries. Mas mataas ito kumpara sa 5,785 na mga pasyente noong nakaraang Oktubre at Nobyembre 2024. 1,173 sa mga pasyente ay nakainom ng alak.
Paalala ng DOH—'Wag uminom ng alak at magpahinga bago magmaneho Lalo na kung malayo ang pupuntahan.
_Source: DOH, Online National Electronic Injury Surveillance System 2024-2025._