
12/08/2023
Sa amin pong mga kamag-anak, kaibigan at mga mahal sa buhay. Malungkot po naming ipinaaalam na ang amin pong mahal na si Dave Bryan Amor Hipolito ay sumama na sa ating Mahal na Panginoon noong ika-10 Agosto taong 2023. Ang kaniya pong labi ay nakalagak sa aming tahanan sa Brgy. Paco San Rafael, Bulacan. Ang kaniya pong libing ay sa ika-17 ng Agosto taong kasalukuyan sa ganap na ika-9:30 ng umaga sa Gateway to Heaven, Brgy. Tambubong San Rafael, Bulacan.
Lubos at taos puso po ang aming pasasalamat sa inyong lahat na walang sawang tumulong at sumuporta sa aming mahal na si Dave Bryan noong siya ay nabubuhay pa.