13/03/2022
Magpapatuloy po ngayong March 14, ang malawakang pagbabakuna kontra COVID-19 sa Lungsod ng Maynila.
MAHALAGANG PAALALA po para sa lahat, PUWEDE PO ANG WALK-IN VACCINATION sa mga sumusunod na bakunahan:
Isasagawa po ang FIRST and SECOND DOSE na pagbabakuna para sa mga kabilang sa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups at ng GENERAL POPULATION ng minors, at maging booster shot for A1-A5 groups sa mga sumusunod na lugar:
- 44 health centers
- 4 malls
- 6 community sites
Para naman po sa GENERAL POPULATION ng minors, mayroon rin po tayong malawakang pagbabakuna ng FIRST DOSE and SECOND DOSE sa mga sumusunod na vaccination sites:
- 4 Malls
- 6 community sites
Magkakaroon rin po tayo ng BOOSTER SHOT para sa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups na mahigit TATLONG BUWAN na ang nakalipas mula 2nd dose sa mga sumusunod na lugar:
- 44 health centers
- 4 Malls
- 6 community sites
Magpapatuloy rin po bukas ang bakunahan para sa ating minors aged 5-11 years old, at maging sa 12-17 years old. Ito po ay gaganapin sa Manila Zoo, Bagong Ospital ng Maynila, sa ating apat (4) na mga mall sites, at anim (6) na community sites.
Tuloy-tuloy naman po ang ating 24/7 drive thru booster vaccination na nagaganap sa Quirino Grandstand. Ito po ay para sa ating mga 4-wheel vehicles lamang.
Kasabay po nito ang ating bakunahan ng BOOSTER SHOT para sa GENERAL POPULATION ng motorcycle at bicycle riders sa Kartilya ng Katipunan.
Samantala, bukas na po ang SECOND DOSE ng A1 to A5 priority groups na nabakunahan ng SINOVAC vaccine noong February 14 sa SM Manila, Lucky Chinatown, at iba't ibang community sites sa buong Maynila.
Para naman po sa mga nabakunahan ng PFIZER vaccine noong February 21, bukas na rin po ang inyong SECOND DOSE vaccination. Gaganapin po ang inyong vaccination sa apat (4) na mall sites at anim na community sites.
Panghuli, para sa mga nabakunahan ng ASTRAZENECA vaccine noong January 17, magaganap po inyong SECOND DOSE vaccination sa Robinsons Manila, Lucky Chinatown, Tondo High School, at iba't ibang health centers sa Maynila.
Para sa lahat, ipakita lamang po ang inyong QR code para sa verification at dalhin lamang po ang inyong ID sa inyong pagpunta.
Dalhin lamang rin po ang inyong updated vaccine ID na maaaring makuha sa www.manilacovid19vaccine.ph.
Para po sa ating mga minors, dalhin lamang po ang inyong Birth certificate/Baptismal/School ID/PWD ID/ or any valid ID. Para po sa may mga may comorbidity, magdala po ng medical certificate signed by your doctor. Mayroon rin pong consent at assent form na kailangan pirmahan na siya naman pong ipamimigay sa ating mga vaccination sites.
Paalala lang po sa mga companion ng ating mga minors: Only 1 companion per vaccine recipient lang po ang papayagan. Magdala lamang po ng valid ID na nagpapakita ng relasyon sa bata. Dapat po ay immediate relative kayo ng babakunahan.
Huwag kalimutan ang pagsunod sa health protocols pagdating sa lugar ng bakunahan. Maraming salamat po.