Doc Liza Ramoso-Ong

Doc Liza Ramoso-Ong Official Page of Dr Liza Ong. Doc Liza shares her health tips, including cooking and family tips.

21/07/2025
15 Bad Habits na Unti-Unti Sumisira sa Utak at Memorya. Magugulat ka sa  #2,  #3  #9 &  #11 By Doc Willie Ong (Internist...
21/07/2025

15 Bad Habits na Unti-Unti Sumisira sa Utak at Memorya.
Magugulat ka sa #2, #3 #9 & #11
By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist)

Panoorin ang Video:

15 Bad Habits na Unti-Unti Sumisira sa Utak at Memorya. Magugulat ka sa #2, #3 #9 & #11 By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist)Panoorin ang Video:http...

Babala: Namayat kahit hindi Nag-DiyetaPayo ni Doc Willie OngOkay lang na pumayat kung nag-diyeta ka. Pero kung pumayat n...
21/07/2025

Babala: Namayat kahit hindi Nag-Diyeta
Payo ni Doc Willie Ong

Okay lang na pumayat kung nag-diyeta ka. Pero kung pumayat ng hindi naman nag-diyeta, mag-ingat na.

Maraming mga dahilan para bumaba ang timbang. Kung mayroon kang problema sa trabaho o pamilya, maaari kang mabawasan ng timbang.

Ang dalawa pang kondisyon na maaaring maging sanhi ng pagbaba ng timbang ay diabetes at hyperthyroid. Kung ang isang tao ay hindi kayang kontrolin ang diabetes, ang labis na as**al ay hindi ina-absorb ng katawan at lumalabas ito sa ihi.

Ang hyperthyroidism ay nagiging sanhi ng mabilis na metabolismo, kaya't nagiging sanhi ng pagbaba ng timbang. Ang parehong mga kondisyon ay maaaring magamot.

Gayunpaman, kung ang isang tao ay nawalan ng 10 pounds nang hindi nag-diyeta, ito ay isang mahalagang senyales. Kahit na ang tao ay hindi nagrereklamo ng anumang sakit, dapat na suriin ang pasyente dahil sa posibleng kanser o ibang sakit.

Maraming mga kanser ang walang sintomas. Halimbawa, ang mga kanser sa tiyan, colon, atay at baga ay karaniwang hindi nagpapakita ng senyales. Bilang karagdagan, ang kanser ay maaaring makaapekto sa bata at matatanda, ngunit ito ay mas karaniwan sa mga matatandang tao.

Kaya naman, kung nabawasan ka ng timbang, Magpatingin sa iyong doktor at gagawan ng lab test. Huwag kang mag-alala. Kung sumunod ka sa isang healthy lifestyle ang mga test na ito ay marahil ay magiging normal lang.

Simpleng LUNAS! Sa Masakit Na Tuhod at Binti. Payo ni Doc Willie Ong1. Sundin ang Ehersisyo at Stretch na tinuro ko. Par...
20/07/2025

Simpleng LUNAS! Sa Masakit Na Tuhod at Binti.
Payo ni Doc Willie Ong

1. Sundin ang Ehersisyo at Stretch na tinuro ko. Para lumawag ang litid sa tuhod.
2. Ipa-masahe ang masel sa taas at baba ng tuhod (hita at binti).
3. Gumamit ng rubber shoes o malambot na sapatos.
4. Pag hindi gumaling, kumonsulta sa orthopedic surgeon o rheumatologist.

Simpleng LUNAS! Sa Masakit Na Tuhod at Binti. Payo ni Doc Willie Ong1. Sundin ang Ehersisyo at Stretch na tinuro ko. Para lumawag ang litid sa tuhod.2. Ipa-m...

Early Warning Signs of Cancer By Doctor Willie Ong ( Internist & Cardiologist )There are symptoms that we usually ignore...
20/07/2025

Early Warning Signs of Cancer
By Doctor Willie Ong ( Internist & Cardiologist )

There are symptoms that we usually ignore that have underlying diseases and medical conditions. Learn more about this.

Early Warning Signs of Cancer By Doctor Willie Ong ( Internist & Cardiologist )There are symptoms that we usually ignore that have underlying diseases and me...

Alamin Ang Mas MasustansyaPayo ni Doc Willie OngMagbibigay po ako ng dalawang pagkain, at piliin ninyo kung ano ang mas ...
20/07/2025

Alamin Ang Mas Masustansya
Payo ni Doc Willie Ong

Magbibigay po ako ng dalawang pagkain, at piliin ninyo kung ano ang mas masustansya? Mahuhulaan mo ba ang tamang sagot?
• Sabaw o ensalada.
Ang ensalada ay may kasamang gulay at kamatis na mas masustansya kumpara sa pangkaraniwang sopas. Tandaan lamang na gumamit ng light dressing o s**a para sa inyong salad. Huwag punuin ng Thousand Island sauce o Caesar’s salad sauce ang inyong ensalada para hindi makataba. Mataas din sa healthy fiber ang salad.
Winner: Salad.
• Dried fruits o fresh fruits.
Ang dried fruits tulad ng raisins, dried mangoes at preserved fruits ay mga prutas na tinanggalan ng tubig ang laman. Kaya lang, mataas sa as**al at calories ang mga dried fruits. Ang mga sariwang prutas naman ay may taglay na 80% na tubig at kumpleto pa ito sa bitamina at nutrisyon. Kung tayo ay papipiliin, mas masustansya ang presko na prutas.
Winner: Fresh fruits.
• Shrimp crackers (kropeck) o nilagang mani.
Ang mani ay sadyang masustansya, dahil punong-puno ito ng protina, minerals at fats. Huwag mag-alala dahil ang taba na taglay ng mani ay mga good fats na kung tawagin ay monounsaturated at polyunsaturated. Bukod dito, pinapababa din ng mani ang iyong bad cholesterol at may vitamin E pa ang mani. Ang kropeck naman ay gawa lang sa harina at mantika.
Winner: Nilagang mani.
• White wine o red wine.
Ang red wine ay may resveratrol at iba pang phytochemicals, na matatagpuan sa ubas. Ang mga kemikal na ito ay nagpapataas ng ating good cholesterol at pinapababa naman ang ating bad cholesterol. May pag-aaral na nagsasabi na baka makatulong din ang resveratrol laban sa kanser at para humaba ang ating buhay. Isang paalala lang: Para sa mga kalalakihan, huwag sosobra sa 2 wine glass ang inumin bawat araw. Para sa kababaihan, huwag sosobra sa 1 wine glass bawat araw. Ito’y dahil mas madali malasing ang kababaihan kaysa sa kalalakihan. Ngunit kung hindi naman kayo umiinom ng alak ay puwedeng huwag na lang umpisahan. Kumain na lang ng pulang ubas na may katumbas na benepisyo tulad ng red wine.
Winner: Red wine.
• Saging (latundan variety) o Saging (lakatan variety).
Ang saging ay mayaman sa potassium, vitamin B, tryptophan at carbohydrates. Kailangan kumain ng 2 saging bawat araw para sa ating puso. Pero anong klaseng saging ang dapat kainin? Ang lakatan na saging (madilaw, makapal ang balat at mas mahal) ay mas mataas sa vitamin C kumpara sa saging na latundan (maputi, manipis ang balat at mas mura) na walang vitamin C. Kaya mas maasim ang lasa ng lakatan na saging at mas masustansya ito.
Winner: saging na lakatan.

Address

Pasay City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Doc Liza Ramoso-Ong posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share