Mayor Karen Ponce-Miranda, DMD

Mayor Karen Ponce-Miranda, DMD Public Servant.

Ang pagpasok ng bagong taon ay hindi lamang tungkol sa kasayahan o selebrasyon. Ito ay pagkakataon upang magsimula muli,...
31/12/2025

Ang pagpasok ng bagong taon ay hindi lamang tungkol sa kasayahan o selebrasyon. Ito ay pagkakataon upang magsimula muli, magkaisa, at palakasin ang pagmamahalan at pagtutulungan sa ating komunidad. ✨🎆

Hangad ko ang isang Bagong San Teodoro na nagkakaisa, nagmamalasakit sa isa’t isa, at handang magtulungan sa bawat pagkakataon.

Mula sa aming pamilya, maligaya at masaganang Bagong Taon sa bawat tahanan sa San Teodoro!

Munting regalo para sa ating mga kababayan 🩷🍦Merry Christmas po sa ating lahat 🥰
25/12/2025

Munting regalo para sa ating mga kababayan 🩷🍦
Merry Christmas po sa ating lahat 🥰

24/12/2025

Mainit na pagbati ng Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon! 🩷
------------------------
Puso ng Pasko, Serbisyong May Puso
Christmas Station ID 2025

22/12/2025
Maligayang kaarawan sa ating mga Lingkod-Bayani!Nawa’y maging masaya at magaan ang inyong araw, at patuloy kayong pagpal...
22/12/2025

Maligayang kaarawan sa ating mga Lingkod-Bayani!
Nawa’y maging masaya at magaan ang inyong araw, at patuloy kayong pagpalain ng kalusugan at kapayapaan.

Mula sa Pamahalaang Bayan ng San Teodoro, maligayang kaarawan sa inyong lahat.

Malugod na pagbati sa mga bagong Radiologic Technologist!Ipinapaabot ko ang aking taos-pusong pagbati sa inyong tagumpay...
18/12/2025

Malugod na pagbati sa mga bagong Radiologic Technologist!
Ipinapaabot ko ang aking taos-pusong pagbati sa inyong tagumpay. Ang inyong pagsisikap at determinasyon ay nagbunga ng isang mahalagang tagumpay na maipagmamalaki ng inyong pamilya at ng buong bayan ng San Teodoro.

Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa iba at magpatuloy sa landas na may malasakit, disiplina, at dedikasyon sa inyong propesyon.

15/12/2025
Maligayang kaarawan sa ating mga Lingkod-Bayani!Isang mainit pagbati sa inyo na patuloy na naglilingkod nang may malasak...
15/12/2025

Maligayang kaarawan sa ating mga Lingkod-Bayani!

Isang mainit pagbati sa inyo na patuloy na naglilingkod nang may malasakit at puso para sa ating bayan. Nawa’y maging masaya ang inyong espesyal na araw, at patuloy kayong pagkalooban ng kalusugan at lakas.

Mula sa sa Pamahalaang Bayan ng San Teodoro, maraming salamat at maligayang kaarawan sa inyong lahat.


15/12/2025

PABATID SA PUBLIKO
FIRST AND FINAL WARNING!
San Teodoro Water Supply System Office

📌 PABATID
Napag-alaman ng aming tanggapan na may mga indibidwal na muling nagkakabit ng kanilang waterline sa ating distribution line matapos silang madisconnect, nang walang pahintulot mula sa opisina.
Ang ganitong gawain ay itinuturing na tahasang paglabag sa Municipal Ordinance No. 02-2014, Section VII – Penalty Clause, na nagtatakda ng kaparusahan na:
💰 Multa na Dalawang Libo’t Limang Daang Piso (₱2,500.00)
📅 At/O kaya’y pagkakakulong ng hanggang Anim (6) na Buwan,
alinsunod sa pasya ng hukuman.

⚠️ UNANG AT HULING BABALA
Ang sinumang mapag-alaman o mahuhuli na muling nagkakabit ng kanilang waterline nang walang pahintulot matapos maputulan ay agad na isasailalim sa legal na proseso at pananagutin sa ilalim ng nasabing ordinansa. Wala nang ikalawang pagkakataon o palugit na ibibigay.
📞 PARA SA MGA ULAT
Hinihikayat ang lahat ng mamamayan na mag-ulat ng anumang paglabag sa Barangay Hall o direkta sa San Teodoro Water Supply System Office. Ang inyong pakikipagtulungan ay mahalaga upang mapanatili ang patas at maayos na pamamahagi ng tubig sa ating komunidad.

Ipinahayag ngayong Dec. 15, 2025
San Teodoro Water Supply System Office
Municipality of San Teodoro, Oriental Mindoro

✨🎄 SANGHAYA AT PAILAW 2025 | FINAL JUDGING 🎄✨Bukas na!Masisilayan natin ang Diwa ng Pasko sa makukulay at malikhaing Chr...
14/12/2025

✨🎄 SANGHAYA AT PAILAW 2025 | FINAL JUDGING 🎄✨

Bukas na!
Masisilayan natin ang Diwa ng Pasko sa makukulay at malikhaing Christmas Lighting Displays ng mga kalahok na kalsada sa buong bayan ng San Teodoro.

🗓 Disyembre 15, 2025
⏰ 8:30 ng gabi
📍 Mga Kalahok na Kalsada, San Teodoro

Sama-sama nating ipagdiwang ang liwanag, bayanihan, at pag-asa na hatid ng Pasko.

Suportahan natin ang ating mga kalahok at maramdaman ang tunay na diwa ng Sanghaya at Pailaw 2025!

Kita-kits bukas ng gabi!

13/12/2025

Hindi lamang aliwan kundi malasakit sa kapwa.

Lubos na pinasasalamatan ang ating Municipal Mayor, Hon. Karen Ponce Miranda, DMD at Sangguniang Bayan sa pagbibigay ng Special Permit para sa isinagawang sabong.

Bilang bahagi ng adhikain sa patuloy na pagbibigay-tulong sa komunidad, isinagawa ang pamamahagi ng wheelchair, walker, tungkod at saklay para sa ating mga PWD beneficiaries sa pangunguna ng may-ari ng sabungan na si Mr. Michel Peligrino.

Isang patunay ito na ang bawat pahintulot na
ipinagkakaloob ay may kaakibat na malasakit at pagbabalik-tulong sa mamamayan.
Isang simpleng hakbang na may malaking kahulugan, ang pagbibigay-tulong na nagmumula sa puso para sa Bagong San Teodoro.

Address

Municipal Hall, Western Nautical Highway
San Teodoro
5202

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mayor Karen Ponce-Miranda, DMD posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram