14/12/2025
Naging matagumpay ang katatapos lamang na dalawang araw na Basic Life Support Training na isinagawa para sa mga piling BHWs at health personnel ng RHU- SAN Vicente Palawan noong Disyembre 11-12, 2025 sa Malagnang Room.
Ang nabanggit na pagsasanay ay bahagi ng layuning e-"equipped" ang mga health staff sa bagong guidelines ng Basic Life Support base sa direktiba at mandato ng Department of Health.
Nagsilbing tagapagsanay ang mga BLS Trainers mula PDRRMO na sina G. Ramon Mapanao, EMT-B, G. Michael L. Carpio, G. John Angelo Eustaquio at G. Rommel Gualdrapa katuwang sina Nurse Cyrill Requina at a Nurse Mary Biev Ruth Magbanua mula sa San Vicente District Hospital at Nurse Nadine Ysabel D. Molo-Bacomo mula sa San Vicente Rhu.
Ginawaran ng Sertipiko ng Pagsasanay ang lahat ng mga kalahok, patunay na kanilang nakompleto ang 2 araw na pagsasanay.
Sa kabuuan, sampung (10) BHWs, limang (5) Nurses, dalawang (2) Medical Technologists, tatlong (3) utility personnel, isang (1) Watchman, isang (1) Driver at tatlong (3) Admin Staff ang matagumpay na nakakompleto ng pagsasanay.
Ang RHU San Vicente ay malugod na nagpapasalamat sa Lokal na Pamahalaan ng San Vicente sa pamumuno ni Mayor Ramir Pablico sa patuloy na suporta sa mga programang pangkalusugan ng ating bayan.