24/03/2025
โผ๏ธโผ๏ธ
ANTIBIOTIC RESISTANCEโผ๏ธโ๐ฝHindi lahat ng sakit kaylangan uminom ng Antibiotics, at kapag iinom ng antibiotics dapat tapusin at inomin sa tamang oras!
Share ko lang eto pasyente ko last week, isang 1 year old na bata, complaint ni Mommy na irritable, walang gana dumede, on and off ang lagnat, minsan konti lang ang ihi at minsan sobrang dilaw ng ihi.
Si mommy pinunta ang anak niya at nagpakonsulta sa isang doktor (hindi ako ang unang tumingin sakanya) pina check ang ihi at nadiagnose na may UTI-Urinary Tract Infection ang bata.
Niresetahan ng Cefuroxime, according kay Mommy nakompleto naman daw ang gamot ng 7 araw, kaso wala parin nagbago sa bata, ang infection sa ihi niya noon ay inulit at mataas parin ang infection kahit naka-antibiotics na, ngayon binigyan ulit ng ibang antibiotic-Cephalexin at ganun parin. Walang nagbago sa infection at sintomas ng bata.
Ngayon si mommy hindi na bumalik o nagfollow sa dati doktor kaya nagconsult na sakin, eto ang sabi ko
-Mommy tama po ba ang oras ng paginom ni baby sa antibiotics niya?
-Tama po ba ang dosage o dami ng iniinom niya na antibiotics?
-Kapag nakadiaper po ba siya, lagi ba eto pinapalitan agad?
-Kapag nagp**p ba siya,hinuhugasan agad ang pwet?
-Anu ang gamit mo pampunas? Wet wipes or Tubig na may sabon?
-Kada ilan oras mo ba pinapalitan ang diaper niya?
-Sapat ba ang dede o milk na ininom niya? Well hydrated ba siya?
-Naghuhugas ba ng kamay kapag naprepare ng Milk o pagkain ni baby?
Marami tanong kasi marami tayo ikokonsider na pwede sakit ni baby at bago tayo magbigay ng nararapat na gamot.
Kaya ang sabi ko sakanya, wag muna siya magantibiotics mi, bigyan ko muna ng Probiotics ngayon, kaylangan natin icheck ung Ihi niya for culture & sensitivity para malaman natin agad kung anu klase bacteria at gamot na pwede natin ibigay kay baby.
Sa Picture posted-lumabas ang result at yan nga!๐ข๐
Ang bacteria na nakita ay: ESBL + E. Coli (bacteria na eto ay normal na nasa tiyan natin, pero marami siya strains na pwede magcause ng infections gaya ng UTI, nakikita rin eto sa tae o p**p, sa maruming tubig, pagkain at kamay)
๐ฆ Susceptible: Mga Gamot o Antibiotics na pwede natin ibigay sakanya para malabanan ang infection
โ ๏ธResistance: Mga gamot na hindi na gumagana sakanya, hindi na pwede ibigay sakanya
โ๐ฝKung isesearch mo isa isa yan antibiotics na yan malalaman mo kung gaano kalakas ang mga yan para labanan ang mga bacterial infection
โ๐ฝMataas na klase na antibiotics (resistance) ang kaylangan na niya inumin
Kaya paalala sa aking kapwa parents!
โ
Lagi po tayo maghugas ng kamay, lalo na kapag gagawa tayo ng pagkain o gatas ni baby. โ
Kapag nakatae na si baby sa diaper wag na patagalin eto, hugasan agad ng tubig at sabon, wag lang sa simple baby wipes. Mas okay na may sabon.
โ
Kapag nareseta ang Antibiotics kaylangan inumin sa tamang oras(2x a day o 3x a day), tamang dami (ml) at tagal neto na inumin (7 days-10 days)
โ
Lagi magfollow up sa inyong doktor
โ
Sabihin lahat ng sintomas o napapansin sa anak mo-dahil dito nakasalalay kung anu ang diagnosis at gamot na ibibigay.
โ
Lagi tapusin at inumin ang antibiotic para maiwasan ang Antibiotic resistance