
25/02/2025
๐๐๐๐ฆ ๐๐ช๐๐ง๐ฅ๐ข ๐๐ข๐ก๐ง๐ฅ๐ ๐ ๐ข๐ฆ๐ค๐จ๐๐ง๐ข
Bilang suporta sa Department of Health (DOH) Central Officeโs nationwide initiative upang labanan ang pagkalat ng DENGUE, ang Rural Health Unit Sanchez Mira ay nakiisa sa Nationwide Search and Destroy Mosquito Breeding Sites Kick-off Event para sa Dengue Prevention and Control kahapon February 24, 2025.
May temang โAlas Kwatro Kontra Mosquito,โ layunin ng programang ito na palakasin ang sama-samang pagsisikap sa pagpigil sa pagkalat ng dengue sa pamamagitan ng aktibong pagtukoy at pagsira sa mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok. Ang mga lugar na ito ay isang pangunahing dahilan ng pagdami ng kaso ng sakit. Habang patuloy na tumataas ang mga kaso ng dengue sa buong bansa, mahalagang magkaisa tayo at magsikap upang maipatupad ang agarang, epektibo, at pangmatagalang mga hakbang laban sa sakit na ito.