26/03/2026
Magandang gabi po sa ating lahat.
Sa lahat po ng mga manlalaro ng Brgy. Malanay, nawa’y inyong maunawaan na ang ating aktibidad na palaro ay pansamantalang sinususpinde at hindi muna itutuloy dahil sa krisis na ating nararanasan sa kasalukuyan.
Kami po ay humihingi ng inyong pag-unawa at kooperasyon. Makakaasa po kayo na sa oras na maging maayos na ang kalagayan, agad namin itong ipaaalam at muling iaanunsyo sa inyo.
Maraming salamat po.