Laguna Provincial DOH Office

Laguna Provincial DOH Office The Official page of DOH Laguna. LIKE and FOLLOW us for the latest health updates, important announcements, and valuable resources for everyone.

Let us work together for a healthier future, dahil sa Bagong Pilipinas, Bawat Buhay Mahalaga! 💚💛

🚨 PANATILIHING LIGTAS ANG INUMING TUBIG 🚨Maaaring dala ng malakas na pag-ulan ang mga samu’t-saring mikrobyo na delikado...
23/09/2025

🚨 PANATILIHING LIGTAS ANG INUMING TUBIG 🚨
Maaaring dala ng malakas na pag-ulan ang mga samu’t-saring mikrobyo na delikado sa kalusugan.

Siguraduhing malinis ang iniinom na tubig saan ka man naroroon:
1️⃣ Pakuluan ng hindi bababa sa 2 minuto.
2️⃣ Gumamit ng chlorine tablets na ipinamimigay ng inyong LGU.



🚨 PANATILIHING LIGTAS ANG INUMING TUBIG 🚨
Maaaring dala ng malakas na pag-ulan ang mga samu’t-saring mikrobyo na delikado sa kalusugan.

Siguraduhing malinis ang iniinom na tubig saan ka man naroroon:
1️⃣ Pakuluan ng hindi bababa sa 2 minuto.
2️⃣ Gumamit ng chlorine tablets na ipinamimigay ng inyong LGU.




🚨 MAGHANDA SA POSIBLENG EPEKTO NANG PAGTAAS NG TROPICAL CYCLONE WIND SIGNAL (TCWS) SA LUZON 🚨✅ Paalala ng DOH: Abangan a...
21/09/2025

🚨 MAGHANDA SA POSIBLENG EPEKTO NANG PAGTAAS NG TROPICAL CYCLONE WIND SIGNAL (TCWS) SA LUZON 🚨

✅ Paalala ng DOH: Abangan ang anunsyo ng PAGASA tungkol sa TCWS sa iyong lugar at umaksyon batay sa abiso ng iyong lokal na pamahalaan.

✅ Sundan ang mga sumusunod na hakbang para panatilihing ligtas ang sarili at buong pamilya.

✅ Tumawag sa National Emergency Hotline 911 o sa inyong lokal na emergency hotlines kapag nangangailangan ng tulong.




LEPTOSPIROSIS CASES, MABABA PA RIN; PUBLIKO PINAGHAHANDA NG DOH SA EPEKTO NG BAGYONG NANDODalawang bagong kaso ng leptos...
21/09/2025

LEPTOSPIROSIS CASES, MABABA PA RIN; PUBLIKO PINAGHAHANDA NG DOH SA EPEKTO NG BAGYONG NANDO

Dalawang bagong kaso ng leptospirosis ang naitala ng DOH mula September 14 hanggang September 18, sa kabila ng sunod-sunod na pag-ulan at baha nitong nakaraang linggo.

Maaari mang magbago ang bilang dahil patuloy ang surveillance ng DOH, makikitang nananatiling malaki ang agwat nito sa naitalang 1,199 na kaso noong August 3 hanggang August 9–isang linggo matapos manalasa ng bagyong Crising, Dante, at Emong.

Sa kabuuan, nakapagtala ang DOH ng 5,430 na kaso ng leptospirosis mula June 8 o isang linggo matapos ideklara ng PAGASA ang tag-ulan, hanggang September 18, 2025.

Naka-alerto naman ang DOH Central Office at iba’t ibang rehiyon dahil sa inaasahang epekto ng bagyong nando at trough nito, partikular sa extreme Northern, Central at Southern Luzon, kabilang na ang Metro Manila at ilang bahagi ng Visayas.

Paalala ng DOH, ihanda nang maaga ang Emergency GO Bag sakaling mangailangang lumikas.

Manatiling nakatutok sa weather updates at sundin abiso ng LGU at iwasang lumusong sa baha.

Kung nalubog man sa baha o na-expose sa putik, agad na magpakonsulta sa leptospirosis fast lanes ng DOH hospitals o sa pinakamalapit na health center upang ma-assess ang risk level at maibigay ang gamot na kailangan.

Balikan ang PinaSigla Episode 8 dito:
https://web.facebook.com/share/p/1AUrqzbAG1/





❗️40% sa kaso ng Alzheimer’s, Kayang Maiwasan o Mapigil ang Paglala❗️Ayon sa World Health Organization, hanggang 40% ng ...
20/09/2025

❗️40% sa kaso ng Alzheimer’s, Kayang Maiwasan o Mapigil ang Paglala❗️

Ayon sa World Health Organization, hanggang 40% ng mga kaso ng Alzheimer’s ay maaaring maiwasan o mapigil ang paglala sa pamamagitan ng:

✅regular na ehersisyo
✅masustansyang pagkain
✅cognitive stimulation - malusog na aktibidad para sa isip
✅regular na management ng highblood at diabetes
✅maagang pagkonsulta sa Mental Health Access Sites: https://bit.ly/MAP-MHAccessSites




DOH: PANATILIHIN ANG KALIGTASAN KUNG SASALI SA MALAKING PAGTITIPONNagpaalala ang DOH na gawing prayoridad ang kaligtasan...
20/09/2025

DOH: PANATILIHIN ANG KALIGTASAN KUNG SASALI SA MALAKING PAGTITIPON

Nagpaalala ang DOH na gawing prayoridad ang kaligtasan sa magagandap na malaking pagtitipon kaugnay ng Trillion Peso March bukas, araw ng Linggo.

Una, alamin ang detalye ng pagtitipon at ang inaasahang lagay ng panahon. dalhin ang essentials gaya ng face mask, alcohol o hand sanitizer, pamaypay, tubig, sumbrero, tuwalya, at maintenance medicines.

Kumain nang sapat bago umalis, magsuot nang magaan at kumportableng damit, at tiyaking fully charged ang cellphone.

Payo ng DOH, hangga’t maaari ay huwag nang dumalo kung nakararanas ng mga sintomas ng sakit gaya ng lagnat, ubo, at sipon para maiwasan ang hawahan.

Habang nasa pagtitipon, panatilihin ang kalinisan ng kamay, uminom ng sapat na tubig, at huwag makipagtulakan para maiwasan ang aksidente.

Kung makaramdam naman ng pagkahapo ay sumilong o pumwesto sa mas preskong espasyo para makapagpahinga.

Bigyang-pansin din ang mga kasama lalo na ang mga bata, nakatatanda, at PWDs.

Balikan ang PinaSigla Episode 8 dito:
https://web.facebook.com/share/p/1AUrqzbAG1/





✨   to be HEALTHY Dahil BER Months Na! ✨🎉 Kumusta ang progress ng New Year’s Resolution mo?Dapat consistent tayo sa atin...
04/09/2025

✨ to be HEALTHY Dahil BER Months Na! ✨

🎉 Kumusta ang progress ng New Year’s Resolution mo?

Dapat consistent tayo sa ating healthy goals!
🍎 Kumain nang wasto
🏃‍♀️kumilos nang husto!




✨ to be HEALTHY Dahil BER Months Na! ✨

🎉 Kumusta ang progress ng New Year’s Resolution mo?

Dapat consistent tayo sa ating healthy goals!
🍎 Kumain nang wasto
🏃‍♀️kumilos nang husto!

2026 is just 122 days to go!




EPILEPSY KAYANG MACONTROLAyon sa World Health Organization, tinatayang 50 milyong tao sa buong mundo ang may epilepsy. S...
04/09/2025

EPILEPSY KAYANG MACONTROL

Ayon sa World Health Organization, tinatayang 50 milyong tao sa buong mundo ang may epilepsy. Sa tamang pagsusuri at gamutan, hanggang 70% ang maaaring mabuhay nang walang seizure.

✅ May lunas sa pamamagitan ng anti-epileptic na gamot
✅ Regular na monitoring at suporta mula sa pamilya at komunidad

💡 Mahalaga rin ang kaalaman sa first aid—kahit sino ay puwedeng makatulong sa oras ng seizure.

Maaaring magpunta sa ang mga Mental Health Access Sites o sa pinakamalapit
na health center para sa tulong:
👉 https://bit.ly/MAP-MHAccessSites
– Libreng konsultasyon
– Serbisyong medikal
– Referral sa espesyalista
– Suporta sa pamilya at tagapag-alaga




❗PROSTATE CANCER, IKATLO SA PINAKA-KARANIWANG CANCER SA MGA KALALAKIHAN❗Handa ang DOH na magbigay ng tulong sa gamutan a...
04/09/2025

❗PROSTATE CANCER, IKATLO SA PINAKA-KARANIWANG CANCER SA MGA KALALAKIHAN❗

Handa ang DOH na magbigay ng tulong sa gamutan at sa iba pang mga serbisyo para sa mga kalalakihang na-diagnose na may Prostate Cancer: https://linktr.ee/DOHCancerSupport

Maging alisto sa mga sintomas ng Prostate Cancer. Kapag may napansing mga sintomas, magpakonsulta kaagad sa pinakamalapit na health center.

Panatilihing malusog ang pangangatawan para mapababa ang tsansa na magkaroon ng kanser!
📌Kumain ng tama! Damihan ang gula at prutas, iwasan ang maaalat at matataba
📌Mag-ehersisyo ng hindi bababa sa 30 minuto kada araw
📌Huwag manigarilyo at uminom ng alak

Source: Global Cancer Observatory, 2022




04/09/2025

Southern Tagalog Regional Hospital is hiring the following:

(1) Nurse I

Interested and qualified applicants should signify their interest in writing. Attach the following documents to upload to https://tinyurl.com/STRHNurse1 and address the application letter to:

WILMA P. BAYAS, MMHoA
Administrative Officer V / HRMO III

1. Fully accomplished Notarized Personal Data Sheet (PDS) with recent passport-sized picture (CS Form No. 212, Revised 2017) with Work Experience Sheet which can be downloaded at www.csc.gov.ph;
2. Performance rating in the last rating period (if applicable);
3. Photocopy of the Certificate of Eligibility / PRC ID and Certificate of Rating (if applicable);
4. Photocopy of Certificate of Training and Seminars attended
5. Photocopy of Authenticated Copy of Transcript of Records, Diploma, Certificate of employment and Certificates of Training

🚨 MAGPAKONSULTA AGAD KUNG LUMUSONG SA BAHA 🚨Oras na lumusong sa baha, kailangang magpakonsulta agad sa health center o D...
31/08/2025

🚨 MAGPAKONSULTA AGAD KUNG LUMUSONG SA BAHA 🚨

Oras na lumusong sa baha, kailangang magpakonsulta agad sa health center o DOH leptospirosis fast lane para malaman ang akmang pag-inom ng doxycycline.

Tandaan:
✅Uminom lamang ng gamot ayon sa rekomendasyon ng iyong doktor.




27/08/2025

🚨 MAG-INGAT SA PAGLILINIS PARA MAIWASAN ANG AKSIDENTE 🚨

Dahil meron pa ring mga banta ng pag-ulan, hintayin muna hanggang tuluyang humupa ang baha at siguruhing ligtas na ang paligid bago simulan ang paglilinis.

Para makaiwas sa aksidente, sundin ang sumusunod na mga paalala.

Panatilihin ang kalusugan at kaligtasan ngayong tag-ulan dahil Bawat Buhay Mahalaga.

Address

2nd Floor, PHO Building, Provincial Capitol Compound
Santa Cruz
4009

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Laguna Provincial DOH Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram