Cupping/Hijama Home Service therapy

Cupping/Hijama Home Service therapy Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Cupping/Hijama Home Service therapy, Medical and health, Sta. Maria-Pandi Road, Santa Maria.

26/09/2022
Assalamu Alaikum warahmatullahi wabarakatuhu...Baka meron gusto magpa home🏠 service, (hijama/cupping) or Massage therapy...
26/09/2022

Assalamu Alaikum warahmatullahi wabarakatuhu...
Baka meron gusto magpa home🏠 service, (hijama/cupping) or Massage therapy

Feel free to ask‼️

dry cupping/
Wet cupping..

Location: Sta.maria bulacan

For More details:
call us:0946 693 9094
Or msg us⬇️

28/07/2022

HIJAMA PINAKA MABISANG GAMOT NG MAHAL NA PROPETA👍👍‼

👉 Kabilang sa mabisang gamot ng Mahal na Propeta ay ang pagsagawa ng HIJAMA (blood cupping) at ito ay aking ipinapayo na isagawa lalu na sa mga nagkaka-edad na!!

👉Naisalaysay mula sa Propeta (sumakanya ang biyaya at pagpapala) na kanyang winika:
“Ang gamot ay nasa tatlong bagay; kabilang rito ay ang pagsagawa ng Hijama..” Inulat ni Imam Albukhari

👉 Sa Ulat ni Imam Muslim na sinabi ng mahal na Propeta:
“Katunayan ang pinaka mainam na inyong pinanggagamot ay ang Hijama”

HATOL SA PAGSAGAWA NG HIJAMA

👉 Sinabi ni Shaikh Ibn Uthaimeen:
“Ang Hijama ay hindi kabilang sa Sunnah bagkus ito ay isang mainam na gamot.
Kung kinakailangan ng tao siya ay magsagawa ng Hijama at kung hindi naman kailangan ay hindi siya magsagawa nito” MAJMOO RASA’IL: 23/96

BENEPESYO NG HIJAMA:

1-Nagpapaganda ng daloy ng dugo at tinatanggal ang mga malalapot na dugo na siyang pangunahing sanhi ng pagkakaroon ng HIGH BLOOD.
Ayon sa pag-aaral, 70% na sakit o karamdaman ay sanhi ng mahinang daloy ng dugo.

2- Tinatanggal niya ang mga toxic mula sa ating dugo at ito rin ang pinaka mabisang panlunas sa mga rabies mula sa kagat ng hayop

3- Mabisa ring panlunas sa may mga Uric acid, pananakit ng dibdib, ulo, migraine o pananakit ng katawan etc..

Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa nagagamot ng HIjama, maaaring tingnan sa Google

Mainam na pagsagawa ng Hijama ay sa panahon na wala pang kinakain (empty stomach)

Ang Hijama ay walang side effects hangga’t ang nagsasagawa nito ay nasa tamang paraan.

Nagsagawa Ang King Abdulaziz University Hospital, Jeddah, Saudi Arabia ng Test sa mga may hypertension (HIGH BLOOD) sa pamamagtain ng HIJAMA sa buwan ng Mayo 2013 sa walumpo katao (80) at lumabas sa resulta nito na ang High Blood ay bumababa mula sa panahon ng pagsagawa ng Hijama hanggang sa loob ng isang buwan o mahigit. sa pagkalipas ng mahigit isang buwan ito ay babalik sa normal.

Kaya, mainam maintenance ang Hijama sa mga may HIGH BLOOD

MAINAM NA PARATING MAGSAGAWA ANG HIJAMA

Naiulat mula sa Propeta, siya ay nagsagawa sa limang parte ng katawan ito ay ang:

a-ulo

b- dalawang parte sa ilalim ng tainga na malapit sa batok

c- Pagitan ng dalawang balikat bago ang batok
sa itaas ng hita

d- likod bahagi ng paa

MAINAM NA ARAW SA PAGSAGAWA NG HIJAMA

Ang pagsagawa ng Hijama ay walang natatanging araw o oras bagkus maaari mo itong isagawa kung saan ka mas pabor.
Walang authentic na Hadith na tumutukoy sa kanais-nais o hindi hindi kanais-nais na araw pagsagawa ng Hijama !!

Binanggit ni Imam Malik:
“Walang araw sa isang linggo maliban sa ako ay nakapagsagawa ng Hijama at wala akong nakitang hindi mainam na araw sa pagsagawa ng Hijama” ALMUATTA 7/225

Pinagkuhanan sa usapin:

-حديث: " الشِّفَاءُ فِي ثَلاثَةٍ شَرْبَةِ عَسَلٍ وَشَرْطَةِ مِحْجَمٍ ..." روى البخاري5269
-حديث" إِنَّ أَفْضَلَ مَا تَدَاوَيْتُمْ بِهِ الْحِجَامَةُ. "ْ وفي مسلم ( 2952

✍️ Zulameen Sarento Puti

Address

Sta. Maria-Pandi Road
Santa Maria
3022

Opening Hours

Monday 9am - 10pm
Tuesday 9am - 10pm
Wednesday 9am - 10pm
Thursday 9am - 10pm
Friday 9am - 10pm
Saturday 9am - 10pm
Sunday 9am - 11pm

Telephone

+639466939094

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cupping/Hijama Home Service therapy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram